Chapt27 *Gin Wants*

13.5K 140 15
                                    

 

Gael's POV

 

 

 

"Wala ka bang klase?" tanong ko kay SET na nakahiga ngayon malapit sa 'kin, mukhang bad trip at wala sa mood. Andito kami ngayon sa rooftop. Ewan ko ba at di ko maiwanan mag-isa tong SET na 'to. Hay. Kanina pa tapos yung lunch. Patay ako neto sa prof ko, namiss ko na naman yung quiz. (-______-)

"Ano bang nangyare?" tanong ko. Nakita nya siguro ulit yung lalake. Hehe. Ang totoo, ganito din yung mukha nya nung nakita namin sa may hallway si microphone. May kausap syang lalaki tsaka tumatawa sila na parang sila lang dalawa yung tao sa school. Malamang sa malamang, kung hindi nililigawan ni microphone si SET eh iisipin namin na in a relationship ang status nung dalawa. Sobrang close eh. Lalo na yung lalake, ang sarap sapakin sa mukha. Nakakagigil. Ugh. Ahh.. ehh.. bakit ko ba iniisip yun? Ano pake ko?

Inasar asar pa nga namin si SET pero hayun, ang pikon talaga. Hahaha.

Nagulat ako ng makita kong dumating si Gin na papunta ngayon sa 'min.

"Oh? Long time no see ah.." nakipag-apir ako sa kanya.

 

"Sorry. Medyo busy lang." sagot nya. Iniba na nya yung hairstyle nya. Wow ha. Ano kaya nangyare sa kanya? Ilang linggo din namin syang hindi nakita eh.

"Tss.." tumagilid si SET sa pagkakahiga.

"Maiwan ko muna kayo." agad na akong pumunta sa pinto at pumasok. Lumabas na ako, pakiramdam ko may kailangang pagusapan yung dalawa eh. Hay. Kailan kaya magkaka-ayos yung mga yun?

The Devil PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon