chapter three

1 0 0
                                    


Hindi imposibleng walang magbago sa pagkakaibigan namin. Ang dating nakasanayan ay kailangan lagyan ng hangganan. Kasama ko si Mariz ngayon, inaantay lang namim si Tine at Felix para sabay sabay kaming apat na mag lunch. Sabi ni Harvey sa gc, susunod na lang daw siya dahil ihahatid niya muna si Monic sa kanila and malapit lang naman sa school yung bahay nila.

"Tambay naman sa apartment mo, Clara. Ilang linggo na rin yung huling tambay." Nagtatampong sambit ni Mariz, umirap lang ako at uminom ng shake na binili ko. Masarap din pala tong avocado shake ha, medyo pricey pero mahal naman talaga avocado. Nakita ko naman si Harvey na naglalakad patungo sa table namin kaya nakipagpalit ako kay Felix ng upuan. Malamang sa tabi ko yan uupo, isa to sa mga bagay na dapat binabago na namin.

"Bilisan mo na." Kinurot ko ito kaya tumayo na siya. Kalapit na ako ng pader ngayon at ang tanging upuan na lang ay sa tabi ni Felix o sa tapat ko. "Sorry, I'm late." Ngumiti ito sa amin, sa akin naman ang huling tingin bago siya maupo sa tapat ko. Bwisit.

Dahil tapos na ako sa pagkain, yung shake na lang ang inabala ko. Mukhang mapapabili pa ako mamaya or gawin ko na lang sa bahay. Makabili na lang avocado mamaya sa may talipapa malapit sa apartment, sana meron at sana ganito rin kasarap.

"Avocado?" Tanong ni Harvey sa tapat ko, tumungo naman ako. Nag c-chat ako sa gc ng klase dahil nagbibiruan kami habang umiinom sa shake ko. "I thought you hated it? Mango yung lagi mong iniinom." Pansin niya.

"Maybe I just changed, hindi naman lahat alam mo." Biglang natahimik ang table namin kaya tinignan ko silang lahat na ngayon ay nakatingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko, ay fucking shit. Nag vibrate ang phone ko kaya liningon ko iyon bago isakbit ang bag sa balikat.

"Got to go, may need lang sa org. Sabay tayong umuwi ha." Bilin ko sa dalawang babae. Nginitian ko na lang din si Harvey bago sila tuluyan iwan. May mga bagay na kahit masakit baguhin pero kailangan gawin para sa ikakabuti ng lahat.

Nag dismissal na kami, sabay kami ni Mariz bumababa dahil nasa baba na raw si Tine at Felix. Nakita namin sila sa may bench, malapit sa cashier. Biglang bagal naman ng lakad ko ng makita si Harvey sa gilid ni Felix, nakapamulsa at seryosong nakikinig sa katabi. "Sa wakas naman makakauwi na." Biglang sabi ni Tine kaya bumaling na ang tingin namin sa kaniya.

"Konting bagal niyo pa, mawawalan na tayo ng sasakyan." Dagdag pa ni Felix kaya ayun inaway siya ni Mariz, nagsimula sila mag bangayan mula gate hanggang kanto. Tsaka ko lang napansin na kasama parin namim si Harvey. "Wala kang sasakyan?" Tanong ko, sumabay ito sa paglalakad ko. Naiiwan kaming dalawa, si Tine ay busy lang sa phone niya habang naglalakad.

"Sasabay ako sa inyo." Tanging sagot niya lang, tumungo lang ako at hindi na nagtanong pa. Halos minsan na lang din kami mag usap, hindi na rin siya madalas nakakasama sa amin dahil nga may pinopormahan siya. Hindi ko rin alam kung nasa ligawan pa sila o sila na ba, hindi na rin naman ako nagtatanong.

"Tambay sa inyo Clara ha." Banta ni Mariz, kung maka laki ng mata kala mo patago niya yung apartment e. Wala naman akong magagawa kung andoon na sila kung hindi papasukin. Nang makarating sa sakayan ay tamang may jeep na nagaantay at maluwag pa. Tumabi na lang ako kay Mariz at Tine, napapikit na lang ako at sumandal sa balikat ni Mariz.

Gusto ko na lang matapos na tong araw na to.

——

Minsan talaga nga naman nakakakingina yung buhay, pinaglalaruan ata ako. Nakasabay ko sa cr ang nililigawan ni Harvey. Isipin niyo yun sa laki ng university na to, dito pa talaga kami nagkasabay. Wala naman akong sama ng loob sa kaniya, napakilala na rin naman siya sa amin ni Harvey noon pero ang awkward lang namin dalawa.

we can't be friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon