chapter seven

1 0 0
                                    

Nakapalumbaba lang ako dito sa labas ng library dahil may kailangan akong ipasa sa librarian namin. Hindi ko naman ito part pero ako na umako dahil hindi naman ginagawa nung isa kong ka-group. Wala naman kami klase ngayon pero pumunta na ako, buti na lang may pasok si Felix kaya sumabay ako sa kaniya.

"Hey." Nag angat ang tingin ko kay Harvey, may dala itong avocado shake? Inabot niya ito sa akin bago umupo sa tabi ko. "Nasabi sa akin ni Felix na kasabay ka niya kanina, sakin kana lang sumabay pag uwi." Binuksan nito ang straw at linagay sa cup ko.

"Pero mamaya pa, wala pa raw librarian e. Pirma lang to tapos okay na." Tumungo naman siya at naglabas ng lunch box? Pota, nakakagulat naman tong mga dala niya. "Kain tayo, hindi ka pa naglu-lunch." At paano naman niya yun nalaman? Hindi naman ako nagtetext or ano. "Alam ko kapag hindi ka pa kumakain." Binigay nito sa akin ang isang tupperware na may lamang nuggets na hugis shapes.

Sabay kaming kumain sa may labas ng library dahil allowed naman dito. Nagkwentuhan lang din kami ng mga kailangan pa namin gawin na requirements bago mag 2nd semester, konti na lang at makakagraduate na! Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko pero nasabi ko naman kina mama na baka mag pahinga muna ako ng kahit kalahating taon bago mag work or gawin ang gusto ko sa buhay.

After kong magpapirma ay lumabas na rin ako, si Harvey ay nandoon parin at hawak ang bag ko. "Tara na." Aya ko na dito at tumayo na rin siya. Wala na rin pala si Felix sa school kanina pa kaya sabay talaga kami ni Harvey uuwi.

"Maaga pa, tara overlooking?" Tumungo naman agad ako dahil ang tagal ko na rin hindi nakakapunta doon. Dumaan muna kami convenient store para bumili ng snack na pwede makain habang nakatambay kami doon. May open space naman and cafe dun kaya hindi na rin marami ang binili namin. Isang oras mahigit mula sa school iyon kaya malayo ang byahe namin.

Malamig ang simoy ng hangin pagkababa namin, medyo mag gagabi na rin kasi. Matagal din kasi kami naghintay sa library kaya hapon na rin kami nakaalis ngs school, medyo traffic pa. "O, suotin mo muna to." Lumapit ako kay Harvey para suotin ang jacket na hawak niya, siya na rin ang nagsara ng zipper bago guluhin ang buhok ko.

"Bili muna tayo milktea?" Tumungo ako at pumasok na rin kami sa cafe. Hindi naman ako mahilig sa kape like Harvey kaya laging milktea order ko sa mga ganito. Naghanap na lang din kami ng bakanteng bench para doon maupo at nasa harapan namin ang overlooking.

Ang bilis din pala ng panahon, parang kailan lang papasok pa lang kami ng college at ngayon magtatapos na kami. Kung sino rin ang kasama ko sa simula ng college life ko, sila parin ang kasama ko hanggang sa makagraduate. Mula sa mga kalokohan at kagaguhan, wala naman nawala sa amin. Hindi ko rin alam kung pagkatapos ba namin sa college ay magkakasama parin kami, syempre ay may sari-sarili kaming buhay.

"Anong iniisip mo?" Tanong nito sa akin. Nagkibit balikat ako at umayos ng upo. "Yung future. Kahit sana hindi na tayo pare-parehas ng career, sana magkikita parin tayo kahit minsan. Bonding ganon." Liningon ko siya at nakatingin naman ito sa akin. "Ikaw ba? Yung future mo?" Tanong ko dito dahil ang alam ko sa family business nila siya after ng college though alam kong gusto niya rin magkaroon ng sarili niyang business.

"Basta andon ka, okay na sa akin."

——

Matagal ko ng kaibigan tong si Mariz e, alam ko kapag may problema to. Tangina sa akin pa magtatago tong babae na to, e halata naman sa kanya na meron something. "Isa pang balik mo, ibabato ko na tong unan sayo." Kanina pa siya palakad lakad sa apartment ko, sa harapan ko pa mismo. Paano ako makakapag focus dito sa ginagawa ko e nararamdaman ko siya.

"Gago, Clara." Lumapit ito at lumuhod sa kabilang side ng coffee table. "Ano ba kasi yun, sabihin mo na." Para naman tong natatae na ewan, tangina huling ganito niya nung tawagin siya ng professor sa recitation na tungkol dun sa topic na hindi naman niya binasa. Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang siya na yung sumuko.

we can't be friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon