Graduation day na! Sobrang excited ako kanina pagkagising ko, ito na yung matagal kong inaantay kahit wala naman akong latin honor basta ga-graduate. Sila mama manunuod, umuwi ulit siya dito para makapunta sa graduation ko. Si papa naman, tumawag lang kagabi. Hindi na rin naman siya makakapunta lalo na andito si mama.
"Just wear this, iha." Binigay ni mama sa akin ang kwintas na gold. White dress kasi ang required sa amin ngayon e bagay daw gold accessories kaya sumang-ayon na lang ako. Sina kuya ay susunod din daw, parang isang baranggay ata to a. Sabay sabay ang graduation namin lima, si Amy at Loki naman bukas, kaya pupunta rin kami bukas dito para manuod.
Nakarating din kami ni mama sa auditorium ng school, kailan pa pumila ng by department kaya pinauna ko na sa loob si mama. May designated seat naman ang parents, kung sino gusto manuod pwede sa may taas. "Clara!" Agad kong nilapitan si Mariz na nakapila. Katabing department lang namin si Tine kaya nagkita agad kami. Si Felix at Harvey naman ay nagsend ng selfie nila sa gc na nasa loob na sila.
After ilang minuto lang ay pinapasok na rin kami at buti na lang, nagsimula agad yung program. Mabuti nga at mabilis lang dahil ang daming tatlong department ang nandito ngayon. Sina Tine ang nauna, kami naman ang sunod at huli ang department nina Harvey. Tangina, laude yung dalawang lalaki! Gulat kaming tatlong babae dahil tarantado yang dalawa e tapos biglang may pa surprise pala.
Nagkita kita kami sa labas at napag desisyunan nila mag picture taking, andito si Amy at Loki kaya kumpleto kami. "Okay say happy graduation day!"
"Happy Graduation Day!"
May konting handaan lang sa bahay tambayan nina kuya, dumating nga rin sila sa amin ng bandang pagabi na para makidalo. "Hey." Hinawakan ni Harvey ang braso ko paharap sa akin. "Hmm?" Kumakain kasi ako ng donut, biglang sulpot na naman siya. Pinaglihi ata to sa kabute.
"Happy graduation." May inabot to sa akin na isang box. Nanlaki naman ang mata ko, gago bat may pag regalo. "Shit, wala akong gift." Makahanap nga sa mall bukas, hindi ako magpapatalo dito.
"Okay lang yun, I just wanna give you this and roadtrip mamaya?" Tumungo naman ako bago niya ako iwan doon na nakatanga. Gago naman Harvey.
Nagpaalam lang ako kay mama na sasama muna ako kay Harvey, pinayagan naman ako nito dahil may tiwala naman siya kay Harvey. "Mag iingat." Tumungo naman kami ni Harvey. Nakapag palit na kami pareho may mas comfortable kami ngayon sa suot, ang kati kasi nung dress kanina.
Pagkarating sa overlooking ay hindi na kami bumababa. Dala ko rin ngayon yung regalo niya, hindi ko kasi binuksan kanina kasi gusto ko kasama ko siya pag binuksan ko na to. "Bibilhan din kita, mag intay ka lang." Wala pa akong naiisip ibigay kaya magpupunta ako ng mall bukas at maglilibot.
"Clara, hindi ko naman kailangan ng kapalit." Natatawa nitong sabi sa akin. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya at binuksan na ang box. Shit, bracelet na may mga charms! "Wow, thank you!" Ngiti ko sa kaniya. Kinuha nito ang bracelet at siya na ang nagsuot sa akin.
"Each charm has its own representation, pina- customize ko yan. Ito, waffle to. Naalala mo nung elementary, ikaw yung nagbigay sa akin ng waffle kasi nakita mo akong nakatitig doon. Kaya simula noon, lagi ka ng nagdadala ng extra para sa akin." Hawak nito sa isang charm na waffle nga. Sunod nitong kinapitan ang rose charm.
"Ito naman nung highschool, binigyan kita ng rose nung Valentine's day kasi inutusan mo ako na bilhan ka." Natawa naman kami pareho. Nainggit kasi ako sa kaklase ko na ang daming dalang bulaklak kaya nagpabili ako sa kaniya kahit isa pero isang bouquet ang binigay niya sa akin non. Sunod na charm ay wave design.
"Ito yung unang outing na sinama ako ng family mo, ayokong pumunta sa dagat kasi natatakot ako sa alon pero you hold my hand and says it's fine, kasi kasama naman kita. Kung kunin man tayo ng alon, ayos lang kasi kasama naman kita." Hindi ko mapigilan maiyak pero natatawa pa rin, para na akong baliw dito. Tinignan ako nito sandali bago hawiin ang luha ko. Sunod ang car charm.