Pag ang magkaibigan nagkaroon ng problema dapat naman talaga pag usapan para maayos agad pero kahit na maayos, hindi naman mabablik sa dati ang lahat. Lalo na kung ang dami ng nagbago sa relasyon niyong dalawa.
"Kumusta?" Tanong sa akin ni Harvey, sembreak namin ngayon. Andito ako sa bilyaran ulit, uuwi daw sina kuya ngayon kaya naglinis ako. Tumawag si Harvey sa akin kanina at gusto niya raw ako makausap. "Okay naman, hindi pa ready para sa second sem." Natawa naman kami pareho pero agad din natahimik. Dati ay kaya namin mag usap ng matagal, kahit na walang kwentang bagay paguusapan namin. Pero kung anong panahon nga nagbabago, ang tao pa kaya?
"Pwede ka naman mamiss diba?" Ngumiti lang ako at tumungo. Wala naman malisya sa akin, ako lang ata naglalagay non. "Sorry hindi na tayo nakaka pag bonding." Umiling ako dito at nagtaas ng kilay sa kaniya.
"Harvey, may mga bagay na hindi na dapat natin ginagawa. Mamaya bigla na lang hilahin ni Monic ang buhok ko sa hallway." Ngumiwi naman ito sa akin. "Yeah, sorry about her. She keeps insisting that you like me." Nabuang na. Feeling ko talaga may problem siya sa akin after ng inuman e, wala naman akong ginagawa sa kaniya. Sinabihan naman niya ako at ginawa ko naman.
Ilang minutong katahimikan bago siya magsalita ulit. "Pero gusto mo ba ako?" Natigilan ako sa tanong niya, liningon ko siya na ngayon ay nakatingin lang din sa akin at inaantay ang sagot ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na tanungin siya.
"May magbabago ba kung sasagutin ko yan." Ilang sandali bago niya ako ilingan.
——
Para sa isang katulad kong average student lang at ang gusto lang ay makapagtapos sa pag aaral, mukhang hahadlangan pa ng isang subject ngayon. Kanina pa ako nabobo at gusto ko ng maintindihan ito dahil may long quiz daw kami mamaya.
Ligwak. Isang point na lang o, pasang awa na ako nun pero ayaw ata talaga sa akin ng subject na to. Nakita ko naman si Mariz na magulo ang buhok, parehas kaming pinagsakluban ng langit. "Singko ampota." Bungad nito sa akin ng lapitan ko siya.
"Mas mataas ako sayo gago." Natatawa ko siyang tinuro kaya hinawakan nito ang daliri ko at kinagat. Bang bastos naman! "Pota ka." Simaan ako nito ng tingin, lahat na lang kaaway ng babaeng to. Asan ba kasi si Felix ng sila ang magsagutan.
Pagkauwi ko sa bahay ay tanging gusto ko na lang ay mahiga. After nung long quiz na yun biglang may pa surprise quiz yung sunod na subject, tangena hindi naman ako mahilig magbasa kaya ayun wala akong alam. Meron pala tapos galing pa sa katabi ko yung sagot, gago naman.
Kakatapos ko lang maligo ng may kumatos sa pintuan ko. "Harvey." Gulat akong tumingin sa kaibigan ko, parang pinagbagsakan din ng langit to a. Pinapasok ko siya at binigay ang indoor slipper niya, lahat ng kaibigan ko may sariling indoor slippers.
"Kumain kana ba?" Tanong ko dito dahil hindi siya nagsasalita, nakatayo lang ito sa may gilid ng dining ko at nakatingin sa kawalan. May problema tong lalaki na to. "Harvey." Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya.
Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin. "Just a minute and I'll tell you."
Hindi lang isang minuto ang tinagal ng yakap niya peor hindi naman ako lumayo dahil mukhang kailangan niya. Bumagsak din ba to sa quiz? "Sasabihin mo ba or hanggang mamaya ka pa nakaganito? Isumbong kita may Monic." Tsaka lang siya kumalas, kumunot nag noo ko ng makitang siyang naluluha.
"Wala na kaming dalawa." Say what?
Magkatabi kami ngayon sa may sink, nakasandal at parehas may hawak na baso na may tubig. "I saw them. Fuck, I saw both of them." Panimula nito, ayoko siya tignan dahil baka mas una pa akong umiyak sa kanya. "Sabi niya wala siya sa bahay nila, gusto ko sana siya isurprise dahil kalahating taon na kami pero ako pa yung na surprise." Linagok nito ang tubig bago ituloy ang kwento niya.