G2BnMagic: Part 24

580 12 2
                                    

Jema's POV

Flashback

Sumama ako kay Karie after ng bangayan nila ni Ella sa my CR. I wanted to end it now.

"Ayaw ko na Karie kasi ilang beses na kitang pinagbibigyan, pinatawad. You promised to change pero paulet ulet mo lang din akong sinasaktan. Enough na and this time I choose myself." Trying to be brave while letting her go. It was painful kasi mahal na mahal ko talaga siya pero tama na.

"Dahil ba to kay Ella? Kaya ba ang tapang mo na makipaghiwalay ngayon kasi may umaaligid sayo kala mo naman ang tangkad.. ha.. Jema?" pag-aakusa niya saken while mahigpit na hinahawakan ang braso ko.

"Walang kinalaman si Ella dito. At I know you and Maki are together. Pinagsabay mo pa talaga kami Karie?" sabay pakita sa kanyang sweet photos nila ni Maki.

"ahmmm.. Babe. Maki is just my bestfriend okay? I know na may gusto sya saken at minsan inaakit niya ako pero ikaw lang talaga ang mahal ko Babe. Maniwala ka saken please" pagmamakaawa ni Karie trying to defend herself sa mga photos na pinakita ko.

"Bestfriend?? My bestfriend bang naghahalikan?" I showed her the Photo I took when they went to Xylo and I was there to meet up my batchmates sa Adamson and hindi ko nasabi kay Karie na pupunta ako Xylo kasi biglaan din. It was also the moment she told me na may emergency siya kaya hindi siya makapunta na naman sa supposedly dinner date namin.

"I was there Karie.. I saw you two kissing na as if wala kayong pakialam sa pagilid. Hindi halatang inaakit ka niya ha." Sarcastic kong sabi sa kanya. "So let me go and Let's end this." Binalik ko din ang promise ring na binigay niya saken at umalis na ako. I booked a grab saka pigil ang iyak ko. When I came to my condo doon ko na binuhos lahat ng iyak ko coz sobrang sakit e let go ang mahal mo. Pero need ko na mahalin ang sarili ko. I gave her a lot of chances and forgiveness but then sinayang lang niya.

That's the last time I had a conversation with her and nagkikita nalang kami if may game between them buti Petro ang nanalo moving to finals to play against us. 

-------------------


Got to Believe in Magic (Jella Jema & Ella)Where stories live. Discover now