CHAPTER EIGHT

63 0 0
                                    

CHAPTER  EIGHT

MABUTI na lamang at hindi napansin ni Sophie nang pabigla niyang hatakin ang kanyang kamay. Ang lalaki nama'y kaswal sa pagkakangiti sa kanya, pagkuwa'y ibinaling ang tingin sa pinakabodega ng Hi-Marc.

"So, can I look at your merchandise? Mind if I just call you Linda?"

"N-no," sabi niyang nakakabawi na sa kabiglaanan. "I won't mind."

"Puwedeng matingnan ang mga stock n'yo, Linda? Who knows? Baka makapag-refer ako sa inyo ng good customers?"

Napilitan siyang i-tour sa loob ng bodega si Dan. Ipinakita niya rito at ipinaliwanag ang nature ng iba't ibang tela at remnants na ibinibenta nila.

All the while ay nakadikit si Sophie kay Dan, walang alis ang pagkakahawak sa braso nito na para bang sinasabing pag-aari na nito ang binata.

Sa bawat pagpapaliwanag ni Linda ay attentive na attentive si Dan. Sobra pa nga kung minsan ang atensiyon dahil lagi niyang nahuhuling titig na titig sa mukha niya at labi kapag nagsasalita siya. Para tuloy gusto niyang maasiwa.


Nang sa wakas ay matapos din ang paglilibot nila sa bodega, lihim na nakadama ng relief si Linda nang palabas na sila.

"Lagi ka bang narito, Linda?" tanong ni Dan.

"Ako'ng nagma-manage dito kahit narito si Aling Miling. Pero siya talaga ang boss ko."

"Then one of these days, babalik ako rito na may kasama nang buyer."

"Kung gusto mo, sasamahan ko kayo," sabad ni Sophie. "Daanan n'yo lang ako. Makakatulong ako para makapamili

ng tama ang mga buyer mo."

"Ikaw," sabi ni Dan na bumaling na kay Sophie. "Naikarga na pala sa Cimarron ang mga pinamili ko. Pauunahin ko na si Nolet. Sa kotse mo na lang ako sasakay, Dan."

"I'm afraid you cannot do that, Sophie. May meeting kasi ako mayamaya. I have to make it to the office before one. Hindi na kita maihahatid. Sumama ka na kay Nolet.'

Parang hindi nagustuhan iyon ni Sophie, bahagyang sumimangot. "O, sige," sabi nito pagkuwan. "Pero tena na. Sabay na tayong lumabas."

"See you, Linda," lingon ni Dan kay Linda.

Bahagya siyang ngumiti saka tumango. Sinundan niya ng tingin ang pagsakay nina Sophie at Dan sa kanya- kanyang sasakyan.

Sorry, friend, naisip na naman niya. Hindi lang siguro nahahalata ni Dan, pero siya'y nakaramdam na kaya gusto ni Sophie na sabay silang umalis ni Dan ay para huwag niyang makasolo ang binata.

Ano ba ang palagay nitong gagawin niya kapag nagkasolo sila aakitin niya ang nobyo nito?

Si Sophie lang naman ang mapilit na gamitin ang kagandahan sa pang-akit sa mga naging nobyo nito. Pero kung si Dan ang involved lumuhod man sa kanya si Sophie ay hindi niya ito mapagbibigyan.

Aywan niya kung bakit may pakiramdam siyang 'delikado' siya sa Dan na ito.

TINAWAGAN siya ni Sophie kinabukasan.

"Nagulat ka siguro, 'no?" bungad nito. "I mean, tungkol kay Dan.

"Oo nga, e," sabi na lamang niya para hindi malaman ng kaibigan na alam na niyang may nobyo ito hindi pa man niya nakakatagpo si Dan.


"Nagagalit ka ba?"

"Na nakipagnobyo ka uli?"

"Hindi. I mean, sa hindi ko agad pagkukuwento sa 'yo ng tungkol sa kanya."

HINDI SINUSUBOK ANG PAG-IBIG (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon