EPILOGO
NANG ikasal sina Sophie at Edwin, ginulat nila ang mundo nang sa kauna-unahang pagkakataon ay magkaroon ng bridesmaid na malaki na ang tiyan.
Nang sumunod na buwan, sila naman ni Dan ang ikinasal. Kumbidado ang lahat ng taga Hi-Marc at mga tauhan nina Sophie. Ang ninang ay si Aling Miling at ang mag-asawang Ronnie at Thelma.
Nalungkot si Aling Miling na ayaw nang pagtrabahuhin ni Dan si Linda ngunit natuwa rin naman ang matanda na hindi na sasalungahin ni Linda ang pagiging solong magulang.
Limang buwan pagkaraan, isinilang ni Linda ang isang malusog na sanggol na lalaki na pinangalanang Danilo Jr.
Ang mag-asawang Edwin at Sophie lamang ang naging ninang at ninong ng bata.
Tuwang-tuwa si Aling Solly na nakita pa niya ang apo.
"Makikita n'yo pa ang kapatid niyan," pabirong sabi ni Dan.
"Babae naman." Kumindat ito kay Linda.
"At pati na ang magiging mga kalaro nila," nakangiting sabad ni Sophie.
Maang na napatingin si Linda sa kaibigan.
"Ibig mong sabihin - - -"
"Two months na raw akong on the way," nahihiya ngunit may pagmamalaking sabi ni Sophie.
Tuwang niyakap niya ang kaibigan.
"Baka magkagustuhan pa'ng mga diyaskeng anak natin," biro ni Edwin.
"Okey lang," ani Dan. "Kaya lang, wala nang testingan, ha?"
Nagkatawanan silang apat at takang napatingin si Aling Solly na walang-walang ideya sa istoryang pinagdaanan nilang apat.
WAKAS
BINABASA MO ANG
HINDI SINUSUBOK ANG PAG-IBIG (COMPLETED)
RomanceMalinaw ang usapan ng mag- kaibigang Linda at Sophie: idadaan nila sa pagsubok ang sino mang lalaking magugustuhan ni Sophie. P.S: All Credits goes to the Writer/Publisher of the Books. Nang dumating sa buhay ni Sophie si Dan, nag-iba ang takbo ng h...