CHAPTER TEN

59 1 0
                                    

CHAPTER

10

ALAS-SAIS medya nang dumating si Dan.

Si Sophie ang nagbukas ng pinto at waring natigilan ang binata. Parang hindi ang nobya ang inaasahang makikita.

"Parang hindi ka masayang makita ako, a," himig- nagbibirong sabi ni Sophie.

"Akala ko lang ay wala ka

pa."

Bahagyang kumunot ang noo ni Sophie. "Ang kalkula mo, mauuna ka pa rito?"

Bahagyang umiling si Dan. "It doesn't matter," anito. "Bihis na ba si Linda?" Tumingin ito sa gitna ng salas at nakita siyang nakatayo malapit sa sofa.

"Ready na kami," ani Sophie na lumihis sa pinto para makapasok si Dan.

"Baka gusto mo munang uminom kahit kape," sabi ni Linda.

"Hindi na," pormal na sabi ni Dan. "Mas gusto kong lumakad na tayo."

Kinuha lamang niya ang bag sa silid at umalis na sila.

ISA sa pinakamalalaking bahay sa Makati ang tinitirhan ng Tiya Solly ni Dan. Napipintahan ng kulay puti at berde at may maluwang na bakuran.

Mangilan-ngilan lamang ang mga bisita. Malalapit na kamag-anak at kaibigan diumano ng balong babae. Halos lahat ay may-kaya sa tingin ni Linda.

Malapit agad ang loob ng 62-taong biyuda kay Linda. Sa buong panahon ng kasayahan ay siya lagi ang kausap. nito .

"Yang si Dan, halos sa akin lumaki," pagkukuwento nito habang nakatingin kina Dan at Sophie may kausap na

ibang panauhin sa lawn.

Tingin ni Linda ay ipinakilala ni Dan sa mga iyon si

Sophie.

"Ang parents ho niya?" tanong niya.

"Bata pa siya nang mamatay sa plane crash ang Daddy niya. Ang Mommy niya, naging abala sa negosyo kaya sa akin na lamang siya naiwan. Kapatid ko'ng Mommy niya. Nang mag-high school siya, nag-asawa'ng Mommy niya. May dalawang kapatid sa ina 'yang si Dan. Malalaki na rin at parehong nasa States. Kailan lang, sumama na sa bunsong anak ang Mommy niya kaya masasabing nag-iisa na rito si Dan. Ayaw namang iwan 'yong bahay nila sa Corinthian Ako'ng pilit na pinalilipat do'n ng diyaske"

Ang suwerte ni Sophie, naisip niya. Kung si Dan ang makakatuluyan, sigurado na ang magandang buhay.

"Kaibigan mo nga ba 'yang kasama niya, ha?"

Pagulat na napatingin siya sa kausap. Hindi niya namamalayang nawala na rito ang atensiyon niya sa saglit na pag-iisip kanina.

"Oho," sabi niya.

Bahagyang napailing ang matanda.

Maang na napatitig siya rito.

"Hindi rin magtatagal ang isang 'yan. Pagpaumanhinan mo ako, hanep."

"Bakit ho ninyo nasabi 'yon?"

"Alam ko. Malalaman ko kung kailan seryoso sa isang babae o hindi ang pamangkin ko."

Lihim siyang nalungkot para sa kaibigan. Tama pala ang pakiramdam nito noon pa man. Hindi gaanong seryoso si Dan sa pakikipagrelasyon. Pero bakit nga niligawan pa si Sophie in the first place?

Mag-aalas-diyes na n

ang magpaalam sila.

"Sana, kahit walang okasyon e bumalik uli kayo paminsan-minsan," sabi ng tiya ni Dan nang ihatid sila sa

may gate.

"Basta ho may pagkakataon," ani Sophie.

Una siyang inihatid ni Dan saka itinuloy sa Marikina si

Sophie.

PAMINSAN-MINSAN, nakadarama siya ng pag-iisa sa buhay. Ng pagkabagot. Ng kalungkutang hindi niya maipaliwanag. Kaya nga may mga pagkakataong kapag ganoon ang mood niya ay hindi agad siya umuuwi. Sa halip, mag-isa siyang namamasyal. Kahit naman palakad-lakad lamang sa loob ng isang malaking department store ay okey na sa kanya. Nalilibang na siya sa mga nakikita.

Nang araw ng Sabadong iyon ay sa Ayala Center siya nagpunta nang maramdamang hindi pa niya gustong umuwi at mapag-isa sa inuupahang apartment. Sawa na siya sa mga nakagawiang puntahan sa Kalookan. Gusto naman niya'y ibang tanawin.

Nag-window shopping siya sa dalawang malalaking de- partment store sa pusod na iyon ng Makati. Nang mapagod ay pumasok sa isang chicken house na kilala dahil madalas magpa-advertise sa mga babasahin at telebisyon.

Minsan-minsan lang naman mangyayaring iti-treat ko ang sarili, naisip niya. Bakit hindi pa doon sa the best? Gusto niyang matawa nang maisip na maaaring the best na ang tingin niya sa pook na ito pero sa ibang sanay sa mga ganitong pook, karaniwan na lamang ang pagkain sa ganitong lugar.

Pinag-aaralan niya ang oorderin sa menu nang makita niyang palabas sa isang pinto si Dan. Nakapormal ito ng suot.

Nagtama ang tingin nila at alam niyang pareho silang nagulat. Lumapit agad sa mesa niya ang binata.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" masaya nitong tanong.

"Kakain ng hapunan," sabi niya na hindi pa rin makapaniwala sa pagkikita nila. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?"

"May mga kausap ako sa function room... sa Majestic lounge." Tiningnan nito ang pintong nilabasan kanina para ituro ang kinaroroonan ng mga kasamahan. Pagkuwa'y bumaling uli ito sa kanya. "Bakit nag-iisa ka?"

"Ganito naman ako talaga kung minsan. Naglilibang kahit mag-isa."

"Pero ang layo nito sa inyo, a."

"Ewan ko nga kung bakit dito ko naisipang maggala."

Saglit na natigilan si Dan. "You did not happen to know I'm here, did you?"

Natigilan siya. Bakit iisipin ni Dan na posibleng alam niyang narito rin ito?

"May tumawag daw kasi kanina sa opisina, sabi ng sekretarya ko. Ang sabi'y pinsan ko raw. Nagbigay ng phony name. Wala naman akong gano'ng pinsan. Sinabi tuloy ng sekretarya ko na dito ako matatagpuan dahil may meeting ako. So?"

"A-anong so?"

"Ikaw kaya 'yong 'pinsan' na hinihintay kong dumating dito?"

"Of course not!"

Napangiti si Dan, iminuwestra ang dalawang kamay na tila pinapayapa siya. "Huwag kang magalit. Hindi ko naman sinabing ikaw 'yon. Teka..."
Tumingin ito sa suot na relo. "Matatapos na ang meeting namin in ten minutes.'

"So?"

"Kung hintayin mo kaya ako rito? We'll have dinner together. Tutal naman ay narito ka na.'

"Pero akala ko ba'y sa loob kayo - -"

"Kapag ang kaharap mo'y paris ng mga kausap ko, mawawalan ka ng ganang kumain. Puro problema kasing maririnig mo. Take it from me, I'm a businessman."Kumindat pa sa kanya si Dan nang tila nagbibiro.

Kitang-kita iyon ng kadarating at ngayon ay palapit sa kanilang si Sophie.

HINDI SINUSUBOK ANG PAG-IBIG (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon