Prolouge

14 1 0
                                    


"Kuyaa!!" inis kong sigaw kay Kuya Yanzy habang pababa sa hagdan ng inuupahang apartment ni Mama.

"Bakit nanaman Keinzy?" inis na sagot nito at pinahinaan ang speaker na nagpapa-ingay sa buong bahay.

"Ang ingay nyo kaya, pwede bang pakihinaan?" inis kong saad at pumamewang pa na parang nanay. Pero agad ding bumagsak ang mga kamay ko kasabay ng panga ko ng magtama ang tingin namin ng isa sa mga kaibigan ni Kuya na ngayon ay nakangisi sa'kin.

Naririnig kong nagsasalita si Kuya Yanzy pero hindi ko maintindihan dahil nakikipagtitigan parin ako sa sobrang gwapong kaibigan ni Kuya kahit nakaiwas na ang tingin nito sa'kin.

Napaigtad ako ng pumalakpak na si Kuya sa mukha ko kaya agad akong namula sa kahihiyan ng makitang nasamin na pala ang atensyon ng iba pa niyang kaibigan.

"Hoi Yanzy, wag mo namang awayin yang kapatid mo," pagtatanggol sakin ni Kuya Mj na matagal ng tropa ni Kuya.

"Oo nga naman, hi! Zy!" sulsol ni Kuya Renzo at kumaway kaway pa.

"Zy, may pagkain kami dito. Kain ka muna!" sunod ni Kuya Ned at tinaas ang mga nakabalot pang chichirya.

Sunod kong tinignan ang hindi pamilyar na lalaki sa tabi nila na tahimik ng nakatuon ang atensyon sa libro niya.

Napansin ata nila ang paninitig ko dito kaya agad tong inakbayan ni Kuya Renzo  na katabi niya lang at pinakilala sa'kin.

"Si Jandrei nga pala, bago naming tropa. Bago mong Kuya Zy!" masaya nitong saad at tinatapik tapik pa ang balikat nito kaya napatingin na rin to sa'kin. Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil nakakailang naman siya. Why do i feel awkward towards him? Hindi naman ako ganto sa ibang kaibigan ni Kuya kahit nung bagong kilala ko palang sila ah?

Napatigil nanaman ako sa pag-iisip ng maalala ang Kuya kong tahimik din akong pinagpapasdan at inoobserbahan. Tinitigan ko siya at inirapan.

"Ano?" maarte kong tanong dito baka kasi kung ano ano ng iniisip nito sa paninitig ko sa bago niyang kaibigan kuno e.

"Anong ano? Ang sabi ko maghapunan kana. Kanina kapa tulog mantika dun, tas bababa ka dito ng galit e ako naman gumawa ng gawaing bahay bago kami mag-aral dito!" inis na sabi ni Kuya na nagpagising sa'kin sa katotohanan. Tama siya tulog mantika ako! At putek lumabas ako galing sa tulog! Ibig sabihin gulo-gulo ang buhok ko may muta ako, at baka may tulo laway pa! T*nginaa!!!! Sabi ko sa isip ko sabay takbo pabalik sa taas.

Kaya pala pangisi ngisi yung Jandrei na yon kasi baka may muta pa'ko nakakahiyaa! Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinuri ang itsura sa tapat  ng salamin para lang makita ang sariling gulo gulo ang buhok, may muta at may konting tulo laway pa sa gilid ng labi.

Nakakahiyaaaaa!!!!

Chasing Pavements Where stories live. Discover now