Chapter 4

4 1 1
                                    


From: Honeybunchsugarplum Jandrei💋💗🎀
👍🏻

Nagreply pala siya nung tulog nako. Hindi ba siya natutulog?

To: Honeybunchsugarplum Jandrei💋💗🎀
Nakakakilig ka talaga crushicakes

Reply ko na parang t*nga. At nag-ayos na ng sarili.

Pagkalabas ko ng gate ay para kong bulating naasinan ng makitang palabas din ang mahal kong si Jandrei sa gate nila.

Nagmadali akong lumapit sa kanya para makasabay.

"Hi!" bati ko dito.

Nakita ko naman tinaasan niya ko ng kilay at saka naglakad na.

"Ang aga aga ang sungit sungit," ani ko at nakasunod pa rin nilakihan ko pa ang bawat hakbang ko para maabutan ko siya.

"Jandrei my lov-" hindi  niya pinatapos ang sasabihin ko.

"Kuya Jandrei." anito sa matigas na boses at tumingin ng deretso sakin.

"Ayoko nga, hindi naman kita kapatid no!" depensa ko dahil ayoko siyang maging Kuya masyado nakong madaming Kuya kaya sakto na sila. Boyfriend nalang ang open na pwesto.

"Tsk." saad nito at naglakad ulit.

"Jandrei, crush nga kita. C-R-U-S-H, hindi moba nag-gets?" pangungulit ko dito at napaawang ang labi ng bigla niyang hilahin ang bag ko palapit sa kanya kaya nasama ko sa paghila at naramdaman ang mabilis na motor na dumaan sa likod ko. Muntik nako dun ah! Buti nalang niligtas ako ng mahal ko.

"Makulit kasi," anas nito at binitawan ang bag ko. Nilipat pa niya ko sa kabilang gilid at sya ang pumwesto sa pwesto ko.

Mabilis naming naabot ang sakayan ng jeep at mabilis din kaming nakasakay. Malungkot ang mukha ko ng maghiwalay na kami pero masaya naman ako ng makita ang mga kaibigan. Naging close kona silang tatlo at si Mikha ang masasabi kong dikit sakin dahil lagi siyang nakadikit.

"Keinzyy!" bati ni Mikha at yumapos nanaman sa braso ko.

"Mamaya pa ang klase gusto mo breakfast muna tayo, kanina pa kasi kumukulo tong tiyan ko ayaw naman akong samahan nitong mga to!" turo niya kila Liya at Naia na busy sa mga cellphone nila.

"Osige," saad ko dahil kawawa naman ang itsura ni Mikha at mukhang gutom na talaga.

Habang naglalakad kami napapitlag ako ng pinalo palo ni Mikha ang kamay ko at tumuro sa kung saan.

"Diba yun yung crush mo?" turo niya at ng sinundan ko ay nakita ko ang gwapong mukha ng mahal kong si Jandrei pero agad akong napangiwi ng makita si Amber na kasama niya.

"Oo." sagot ko dito.

"E sino yung kasama niya? May gf na siya?" tanong nito na nagpaalala sakin na magkaibigan lang sila.

"Tropa lang yan, Si Amber yung kasama niya." pagpapakilala ko sa babae.

"E yung Kuya mo? May gf naba yon?" tanong nito na nagpataas ng kilay ko.

"Crush moba si Kuya?" tanong ko dito.

"Huh? Hindi ah curious lang ako kasi ang sungit niya kaya imposibleng magkajowa yon no kaba." palusot nito kahit feel na feel ko na talagang may crush siya kay Kuya. Pero napaisip din ako sa tanong niya may gf na kaya si Kuya? Nasa tamang edad naman na siya kaya ok lang yon, pero meron na kaya?

Nagpunta kami ni Mikha sa canteen para makakain na siya pero dumating din sila Jandrei at Amber. Agad akong nakita ni Amber kaya medyo nailang pa'ko ng lapitan ako nito. Napangiwi pa si Mikha sa makita at sinamaan ko nalang siya ng tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Pavements Where stories live. Discover now