Chapter 3

2 0 0
                                    


Kanina kopa hinihintay sa gate si Jandrei dahil baka gantong oras ulit siya uuwi pero bigo akong tumalikod sa gate. Naglakad ako patungo sa sakayan ng jeep para makauwi na dahil makikita ko pa rin naman siya mamayang dinner kaya bumalik nanamn ang ngiti ko sa mukha ng maalala ang usapan namin ng Mommy niya.

Nakasakay agad ako sa jeep pero ayaw pa nitong umandar dahil kakaunti palang ang nakasakay. Pinikit ko ang mata dahil sa pagod tuwing may biology at basic cal talaga ay halos sumuko ang katawan ko sa stress at pagod kakaintindi. Nang maramdaman na may mga pumasok pang mga pasahero ay hindi muna ko nag-abalang dumilat hanggang sa umandar na ito.

"Drei, kinakabahan ako," wika ng mahinhing babae na sa tingin ko ay nasa kabilang side ng jeep sa harap ko lang.

"Mabait naman si Mommy, don't worry." saad ng sa tingin kong tinawag na Drei ng babae. Teka mga Drei? What the hell? Si Jandrei ba'to? Unti-unti kong dinilat ang mga mata ng magtama ang tingin namin ni Jandrei. Umiwas siya ng tingin kaya tinuon ko ang tingin sa katabi niyang babae, nagtama din ang tingin namin nito at binigyan niya ko ng tipid na ngiti. Kaya nginitian ko naman siya pabalik. Girlfriend niya ba'to?

Nang makarating sa kanto ay nauna kong bumaba. Gusto kong kausapin si Jandrei pero ayaw ko namang sa harap pa ng babaeng kausap niya ko issnobbin kaya kahit naririnig ko sila sa likod ko ay hindi ako nag-abalang lumingon sa likod. Pero mukhang mabait talaga tong kasama niya dahil siya pa ang kumausap sa'kin.

"Miss, " tawag nito pero hindi ako lumingon at baka isipin pa niyang assuming ako.

Sinipa sipa ko ang mga bato sa daan habang naglalakad ako para hindi ko na talaga sila mapansin. Pero nilapitan nako ng babaeng kasama niya.

"Miss, nahulog mo," sabi niya sabay abot sakin ng palawit na kuromi sa bag ko.

"S-salamat," saad ko dahil nakita kong nanunuod sa likod namin si Jandrei.

"Ah walang anuman, Amber nga pala," saad nito sa pambabaeng boses. Kaya hindi ko tinanggihan ang kamay niya.

"Keinzy," pakilala ko sabay abot sa kamay niya pero nagulat ako ng bigla niyang pinulupot ang kamay niya sakin at saka pa nagsalita.

"Ang ganda pala ng pangalan mo, kasing ganda mo," saad nito ng nakangiti at tumingin sa daan.

"Huh.. ah.. e.. Thank you, maganda ka rin." saad ko hindi naman ako nagsisinungaling maganda nga siya kaya nga siguro siya nagustuhan ni Jandrei e at palakaibigan pa.

"Salamat din, kapitbahay kaba nitong ugok na'to?" saad niya sabay hila sa batok ni Jandrei na nasa likod namin. Ugok? Si Jandrei? Pumayag naman siyang tawagin siyang ganon nito? At saka madaldal pala si Amber? Hindi naman niya sinabihan ng talkative.

"Oo e," maliit na boses na sagot ko ulit dahil hindi ko naman kayang gayahin ang babaeng boses nito e pambasag ulo yung boses ko.

"Ah, sabay sabay na tayo." sabi nito at tuluyan ng hinila si Jandrei sa tabi namin.

Hanggang sa makarating kami sa tapat mg kanya kanyang bahay namin ay madaldal pa rin si Amber at kahit isang salita hindi ko manlang narinig si Jandrei.

Nagbihis ako ng magandang flowy dress na pink na bili ni Mama sakin bago ko magpunta sa bahay nila Jandrei dahil nakakahiya sa Mommy niya kung hindi ako sisipot.

"Hello po!" saad ko sa Mommy niya at inabot ang luto kong menudo.

"Oh sanay kana palang magluto ija? Ilang taon ka na nga ulit?" tanong nito at mukhang masaya pa sa dala ko.

"Ah opo tita, 15 palang po ako," sabi ko at nabakasan ang gulat sa boses nito pero agad din siyang bumalik sa kanyang ngiti at giniya ako sa kusina.

"Maupo ka muna diyan ija tatawagin ko lang si Jandrei at ang Papa niya," saad nito at umakyat sa palapag ng bahay.

Chasing Pavements Where stories live. Discover now