Chapter 2

2 0 0
                                    


To: Honeybunchsugarplum Jandrei💋💗🎀
"Good morning crushshicake, kumain kana ba?"

Text ko kay Jandrei umagang umaga habang kumakain ako ng almusal bago pumasok. Nakalimutan kong hingin ang fb niya pero hindi to nagreply sakin kagabi ng tinext ko kung anong fb, ig, x at tiktok niya.

Pagtapos kong kumain ay chineck ko ang cellphone kung nagreply ba siya pero nabigo ako ng walang makita. Wala siguro siyang load. Dat talaga hiningi ko din ang fb at messenger niya e!

Paglabas ko ng bahay ay binuksan ko rin ang gate at tinignan ang harap ng bahay kung san nakatira si Jandrei. Malaki ang bahay nila at pangmayaman. Sa bagay mayaman naman talaga sila galing nga silang states at kakauwi lang.

Nakita kong may magandang babaeng kasing edad siguro ng mama ko ang nagdidilig ng mga halaman sa labas. Hindi siya mukhang katulong dahil maganda ang kutis nito at makinis pa at may kulay gatas ding balat. Baka siya ang Mommy ni Jandrei?

Lumapit ako dito para tanungin nalang siya imbis na tanungin ang isip ko dahil wala namn akong masasagot sa sarili.

"Hello po!" bati ko dito at napatingin naman siya sakin.

"Oh, ija kaklase kaba ni Jandrei? Pumasok na siya ah?" tanong nito sakin dahil nakita niya siguro ang lace ng I. D ko na katulad sa anak niya.

"Ah, hindi po. Kapitbahay nyo po ako," sabay turo ko sa bahay namin. "Ay harap bahay po pala hehe," saad ko dito.

Napangiti naman ito.

"Palabiro ka pala ija," anito kaya nag-isip ako ng idadagdag para naman may ganda points ako sa Mama ng future lalabs ko.

"Medyo po. Kayo po ba ang Mommy ni Jandrei?" tanong kopa.

"Oo, kilala mo ang anak ko?" tanong din niya na nakangiti pa rin.

"Opo crush ko po kasi siya e at saka po kaibigan niya ang Kuya ko," diretso kong sagot na lalong nagpangiti sa kanya.

"Palabiro ka talaga, sino palang Kuya mo?" tanong ulit niya.

"Ah ai Kuya Yanzy po." sagot ko.

"Ah si Yanzy pala. Ang batang yon hindi naman sinabing kapitbahat pala namin kayo." saad nito.

"Kilala niyo na po pala si Kuya," saad ko rin.

"Oo at mabait na bata ang Kuya mo kaya sigurado kong mabait na bata ka rin. Nasabi niyang OFW ang Mama niyo, at pati ang tungkol sa papa niyo. Kayo lang pala ang nakatira sa bahay nyo?" komportableng tanong niya na parang matagal niya nang kilala si Kuya. Ang daldal talaga non edi alam din ni Jandrei ang tungkol kay Papa kung kwinento nya yon sa Mommy neto?

"Ah opo e," sagot ko at bahagyang kumamot sa batok kasi wala nakong masabi.

"Kung ganon e, pwede kayong sumabay samin  mamaya ng Kuya mo magdinner. Para narin welcome dinner dahil hindi natin nagawa yon ng unang balik namin dito." saad nito na kinaawang ng labi ko.

"Ah e ano po kasi, alas otso pa po ng gabi ang uwi ni Kuya galing school," ani ko.

"Kung ganon e, kahit ikaw nalang ang sumabay samin ija. At kakilala mo na naman si Jandrei diba? Para narin magkaron pa siya ng kaibigan dito, mailap kasi yung batang yon," reklamo ng ginang sa sariling anak.

"Ah ok po, Ma'am," sang-ayon ko sa kanya.

"Naku ija, Tita nalang tutal ang sabi mo kanina ay crush mo ang anak ko diba?" anito na parang boto pa sakin at hindi nagalit sa sinabi ko kanina.

"Ah, opo. Tita," sagot ko ulit at naiilang na kumamot sa batok.

"Oh sige na ija, baka malate kapa sa school. Ingat ka ha," saad nito at pinagpatuloy na ang pagdidilig, nag-umpisa na rin ako maglakad patungo sa sakayan ng jeep ng makita ko si Jandrei na nag-aantay din ng masasakyan.

Awtomatikong naglakad ang paa ko palapit sa kanya at ng makalapit.

"Hi!" bati ko dito pero hindi siya umimik. Tama nga si Tita mailap ito. E bat kahapon hahabol habol pa siya sakin? Don't tell me tumiklop siya sa mga text ko kanina don't worry my loves mas dadamihan kopa ang banat mamaya.

"Nakita ko Tita kanina, yung Mommy mo. Inaya niya ko ng dinner kaya magkikita ulit tayo mamaya. Kumain kana ba? Wala kabang load? Hindi ka kasi nagrreply sa mga tex-" naputol ako sa sasabihin ko ng magsalita siya.

"So talkative." maikli pero malamig nitong saad.

Chasing Pavements Where stories live. Discover now