Chapter 1

6 1 0
                                    


OFW si Mama kaya naman kami lang ni Kuya ang magkasama sa bahay dahil si Papa ay may ibang pamilya na. Bata pa kami simula ng iniwan niya kami kaya hindi na bago samin ni Kuya na mamuhay ng kaming dalawa lang. Elementary ako at High school palang si Kuya Yanzy ng iwan kami ni Papa kaya mag-isang nagtatrabaho si Mama para samin ni Kuya ng maisipan niyang magtrabaho sa ibang bansa dahil sa pagkokolehiyo ni Kuya at ako naman ang susunod.

"I'm Keinzy Elynise Samaniego, 15 years old." pakilala ko sa mga kaklase dahil tinransfer ako ni Kuya sa school niya dahil yon ang gusto ni Mama. Kahit pa tutol si Kuya dahil makikita ko ang mga kalokohan niya ay wala siyang nagawa sa desisyon ni Mama.

Fifteen palang ako dahil November pa naman ang birthday ko at October palang ngayon kaya next month pa'ko mag si-sixteen. Nagtranfer ako at buti nalang ay second sem na kaya konti nalang ang iintindihin ko. Stem strand ang kinuha ko dahil architecture ang pangarap kong kurso sa kolehiyo.

Excited akong magrecess dahil vacant nila Kuya ngayon kaya naman sa kanya ko sasabay dahil wala pa'kong kaibigan at first day ko palang naman. Kay Kuya ko sasabay at ibig sabihin makikita ko ulit si Jandrei. Hindi nako aangal dahil alam kong na love at first sight talaga ko sa kanya. Iniisip ko nga kung lumabas pa talaga kong may tulo laway sa kwarto non o tumulo lang talaga nung nakita ko siya.

Natigil ako sa pag-alala sa gwapong mukha ni Jandrei ng kalabitin ako ng katabi ko.

"Hi!" bati nito sakin kaya agad din akong ngumiti at bumati. New school kaya new life din ako. Hindi naman ako nonchalant sa dati kong school pero hindi rin kasi ako pala kaibigan noon. Pero ngayon balak kong makipagclose sa kahit kanino para naman hindi ako mag-isa at hanggang sa college dito na'ko mag-aaral.

"I'm Shanaia," pakilala nito sa sarili at binalewala ang gurong nagsasalita sa harap. Antok na antok ako kanina sa statistics pero dahil kinakausap ako nitong katabi ko ay nawala ang antok ko.

Nag-usap lang kami hanggang sa matapos na ang isang subject na puro na lang kami tawanan. Buti nalang at recess na ang next subject, ay hindi pala yon subject ayon pa naman favorite ko.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at pumunta sa kani-kanilang grupo at kala ko ganon din ang gagawin ni Shanaia pero siya ang nilapitan ng mga kaibigan niya ata.

"Oh Naia, inaagaw mo agad sakin tong si Keinzy, plano ko nang kaibiganin to e. Porket seatmates kayo, inunahan mona ko!" mabirong saad ng babaeng hanggang ilalim lang ng tenga ang buhok pero maganda pa rin.

"Syempre naman. Keinzy, eto nga pala si Aliyah," turo niya sa babaeng maikli ang buhok na nakangiting ginawad sakin ang kamay.

"Liya, nalang for short." saad nito at tinanggap ko rin ang kamay niya. Napapitlag naman ako ng may biglang sumabunot kay Naia at babae naman na may pulang buhok ang bumungad sakin.

"Hoi bat kayo lang, Hi! Mikha," saad nito at inagaw kay Liya ang kamay ko.

"Wag ka dyan, bading yan baka chansingan kapa," pabirong saad nito sabay hila sakin kaya napatayo ako sa tabi niya.

"Ayos quadro na tayo, sama kana samin mag-recess Keinzy," saad nito na kinabahala ko nasabi kona kasi kay Kuya na sasabay ako sa kanila hindi ko naman kasi inasahang friendly pala ang mga tao sa school nato, ibang iba sa pinanggalingan ko.

"Ah e kasi may kasabay ako e," saad ko kaya ginawaran nila ko ng mapang-asar na ngiti.

Nagulat nalang ako ng tinusok tusok pako ni Mikha sa tagiliran.

"Jowa mo?" tanong nila at sinuri pa ang ekspresyon ko. Namula naman agad ako kahit si Kuya naman yung kasabay ko at wala kong jowa, pero future jowa oo at si Jandrei yun na kaibigan ni Kuya.

Chasing Pavements Where stories live. Discover now