“Beh, may payong ka?” pambungad sa’kin ng kaibigan ko after n’ya makitang umuulan na at pauwi na sya.
Nandito kami sa condo unit na ni rerentahan ko at hindi ko na rin namalayan ang oras, maghahapon na pala.
“Liv, oh. Ibalik mo bukas yan ah kundi tuktukan kita” pabiro kong pagbabanta sa kaniya.
“Oo na, eto parang tatakasan. Ginto ba ‘to?” rebat nya sa’kin.
Hindi naman kalayuan ang apartment nya at walking distance lang rin yun sa condo ko pero naabutan sya ng ulan kaya yun tag payong sya.
Pagkalabas nya ay bumalik lang rin ako sa kwarto para mag review agad, marami pa akong aasikasuhing reviewers. Hindi ko na nga alam ano uunahin but I calmed myself first after that I finally started reviewing hanggang sa maggabi na.
I lived alone sa Manila since nasa province sila mama. Doon nila mas napiling tumira dahil sabi nila nandoon daw buhay nila kaya eto ako ngayon mag-isa nanaman sa condo.
To be honest, ayoko talagang tumira sa isang condo unit at mas gugustuhin ko nalang na mag dorm kaso sabi nila mama kaya pa naman daw nilang bayaran yun at tinutulungan naman kami ni Tita Lessy sa pag-aaral ko.
Lumabas na ako ng kwarto at nagluto ng food para saakin bago ako mag review ulit. Kinuha ko lang yung frozen tocino na nasa ref at yun nalang lulutuin ko for now since ako lang naman ang kakain. Hinati ko lang to para baunin ko sa school yung iba bukas. Tipid-tipid din para hindi masyadong pabigat sa parents and nag-iipon din kasi ako para bumili ng bagong laptop dahil pasira na laptop ko at ayokong maraming isipin ang parents ko lalo na sa mga ganitong bagay.
While eating, naalala ko yung pang-aasar sa’kin ni Liv na sa buong tropa ako nalang daw ng hindi na i-inlove at hindi nasasaktan dahil sa love. Wala naman akong oras sa ganiyan since mas focus ako sa pag-aaral ko. Need kong ayusin kung ayokong mawala sa’kin yung scholarship na ipinagkaloob sa’kin.
After, eating ay syempre bumalik na ako ng room at luckily nakapagpahinga agad ako bago mag alas-dose. Humiga na ako sa kama at nag scroll muna ako sa social media ko. Hindi naman ako madalas mag social media pero tinitignan ko lang mga updates ng mga kaibigan ko sa buhay nila.
Tinignan ko yung story na isa kong kaibigang engineering student na si Raiko na may kasama syang isang lalaking parang nasa bar ata sila. Naka-mention yung lalaking kasama niya at tinignan ko, stalker ba? Hindi, curious lang talaga ako.
@Kai.gmz - 50.3k followers
Grabe naman yung followers nya, nahiya yung 1k followers ko. May 30 post sya at yung una doon ay sya na naka-topless, in fairness pogi sya. Hindi gaanong malaki katawan nya pero hulmang hulma ang bawat muscles at abs nya sa katawan. He looks tall and masculine di tulad sa’kin, matangkad naman ako kahit papaano pero my face is way more feminine na minsan pa ay ako na minimake-up-an ni Liv dahil magka-skin color kami.
Kinabukasan, pumasok ako ng maaga sa university namin. 7AM yung start ng classes and pharmacology ang first subject ngayong araw. Ito yung pinaghihirapan kong ireview kagabi kaya kinakabahan na ako.
Na-survive ko naman yung exam namin doon, hindi ko lang alam kung pasado pero sana naman. Buong araw ako nag review para doon at halos lahat naman ng tanong doon ay napasadahan ko.
Magkakasama na kami ngayong magkakaibigan sa food park and finally nagkasama-sama rin kami. Ang ingay nanaman nilang apat dahil nagbabangayan sila about sa kung anong kakainin nila, hindi na ako nakisabat since may baon naman ako.
Nagkasundo sila na mag sari-sarili nalang ng bili ng food nila, after nila kuhanin yunng food nila ay nilabas ko na rin yung akin.
“Ang bango naman n’yan , Vier. pahingi nga!!!” sigaw ni Raiko sa’kin matapos nyang maamoy yung ulam ko.
“Sige lang, marami naman akong naluto dito” sambit ko na ikinatuwa ni Raiko.
“Hala, bakit sya lang? Ako rin Vier!” sambit ni Liz
Ayun na nga, pinag pyestahan na nila yung ulam ko, enough naman yung natira sa’kin at nakakuha rin silang apat. Sila Klea at Nathan naman ay nakikuha na rin dahil natakam rin sila.
“Raiko, ang pogi nung kasama mo sa story mo kagabi. Sino yun?” tanong ni Liv kay Raiko.
“Bakit? Crush mo?” pang-aasar naman ni Raiko sa kaniya.
Binato sya nito ng tissue at doon nagsimula ang tawanan naming lima
“Hindi kaya! Irereto ko kay Vier para naman magkaroon ng improvement love life ng taong to” seryosong sagot ni Liz.
Naubo ako matapos n’yang sabihin yun dahil sa gulat. What? Sa lalaki pa talaga, nako po.
“Ayaw ni Vier, Liz, Manahimik ka na d’yan” seryosong sagot ni Nathan kay Liz.
Matapos naming kumain, magkwentuhan, at magkulitan ay nagkaayaan na kaming umuwi. Humiwalay sa’min sila Raiko at Klea since sa kabilang road sila. Kami naman ni Nathan ay magkabuilding kaya sumabay na sya samin ni Liz.
“Ingat, Liz!” sigaw ko, since nasa building na kami ni Nathan. Inabot na saakin ni Liz ang payong na hiniram nya kahapon at umalis na. Sabay naman kaming pumasok ng elevator ni Nathan at 1 floor higher sya sa akin.
Nakasanayan ko na na sya ang pipindot ng button para saakin dahil sabi nya sa’kin lagi na s’ya na ang pipindot.
“Do you like someone as of the moment, Vier?” biglang tanong sa’kin ni Nathan.
“Ah. wala naman akong interes sa ganiyan, Nat. Masaya pa ako sa ganitong set-up — na single ako” sagot ko naman.
Tumango lang s’ya at finally bumukas na ang elevator sa floor kung nasaan ang unit ko. Lumabas na ako at lumingon sa direksyon ni Nathan.
“Bye-bye, Natnat!” pamamaaalam ko sabay ngiti sa kaniya
“Nandito naman ako… bye, Vivi” sagot ni Nathan sa’kin.
Hindi ko narinig ng maayos ang una nyang sinabi dahil nalaglag yung hawak kong libro at pinulot ko pa iyon.
Ano kaya yun?
Bukas ko na nga lang itatanong.
YOU ARE READING
Tears Behind Those Doors
RomanceVince, an aspiring doctor who doesn't want to be in love until he meets Kai a engineer who hates LDR because of his friends rants about it. This story will represent love, sacrifice, passion, and assurance towards the people we love.