Chapter 3

16 2 0
                                    


What should I wear?

Tanong ko sa sarili ko nang ilatag ko ang mga ideal outfits ko para mamaya. I'm not trying to impress someone but we'll meet new friends and maganda kung may good impression ako towards them.

It's been a while na rin nang huli kaming kumilala ng mga bagong kaibigan. Hindi dahil sa maarte kami ay dahil yun sa natatakot kaming magka sira-sira dahil lang sa bagong makikilala namin.

To be honest, I feels weird that Cloud and Kai immediately became close to us kahit isang araw palang kaming nagkakausap. I heard that malapit lang si Klea kila Cloud at ang ingay nitong babaeng 'to sa GC kagabi dahil ang cute daw at ang sarap kasama ni Cloud. 

"Vier, tapos ka na ba?" I hear a knock on the door of my room. It's Nathan, inaantay n'ya nalang akong matapos since kanina pa sya bumaba from his unit and ako nalang inaantay n'ya papunta sa condo unit ni Kai.

"Patapos na, sorry natagalan" sagot ko.

I just wore simple black trousers and a graphic T-shirt for my top, I added a baby blue polo to top it all up. Before going out, I wore my white sneakers and finally opened the door, nakita ko doon si Nathan na nakaupo sa sofa at may ginagawa ata sa phone nya.

"Earth to Nathan, i'm done!" I said.

Lumingon s'ya sa direksyon ko at tumayo para maglakad patungo sa'kin.

"Pogi ah, nagpapa-impress?" sambit n'ya pagkatapos ay ginulo ang buhok ko.

"Ano ba? kakaayos lang ng buhok  ko eh. Atsaka, oo since makakakilala tayo ng new friends natin. Ayoko namang magmukhang hindi presentableng tignan" sagot ko sa kaniya.

Matapos nun ay sabay na kaming bumaba at lumabas. Tama nga si Raiko, sobrang lapit lang ng unit ni Kai sa amin na halos mas malapit pa sa apartment ni Liz. 

We have arrived at his place and I knocked at the door. Niluwa ito ang isang matangkad na lalaking naka navy blue sweater, gray sweatpants, at naka house slippers. Ang simple ng damit n'ya pero sobrang bagay yun sa kaniya.

"Ang tagal nyo mga pa-VIP!"  ang narinig ko sigaw mula sa likod ni Kai at hindi nga ako nagkakamali, ang kaibigan kong mas maingay pa sa megaphone ang sumigaw --- Liz.

Pareho kaming pinapasok ni Kai at si Nathan na ang nagsara ng pintuan. Nagsisimula na pala sila at nanonood sila ng  "Cruella" habang nagkakasiyahan. Umupo ako sa tabi ni Liz at Klea since hinatak na ako ni Liz dito. 

We had fun for that night and isa lang masasabi ko kay Cloud, ang ingay nya talaga at pareho sila ni Liz kaya dumoble yung saya namin. 

Nagkaayaan na maglaro daw kami ng  "Truth or Dare" at dahil hindi naman ako Kj ay nakisali na rin ako. Raiko started spinning the bottle and it first pointed on Cloud. We asked him kung ano ang ideal course ng future partner nya and he said na gusto nya raw sa BSA student since gusto nya raw ng taong marunong maghandle ng pera. the game was nice until it pointed towards Nathan.

"Truth or Dare" Klea asked.

"Truth" Nathan answered.

"Give clues kung sino yung nagugustuhan mo ngayon?" Liz asked him.

"I've known that person for about 2 years but I like that person for almost 3 years but I never had the courage to confess" Nathan straightfully answered.

Wala akong maalalang kinikwento sya sa'kin kaya laking gulat kong mayroon pala syang nagugustuhan ngayon since sa pagkakaalam ko ay it's been half a decade nang huli syang magka-girlfriend.

The game goes on and suddenly it pointed towards Kai.

"Kai, Truth or Dare?" Raiko asked him.

"Truth" He immediately answered.

"Do you like someone as of the moment?"  Liz asked him.

"Yes" He just normally answered.

So, he like someone. Well, sino kaya yun? I bet it's a pretty woman or baka ka blockmates nya. I heard na hindi man gaanong marami ang babaeng studyante sa Civil Engineering ay magaganda ang mga ito. 

"Nice, sino yan? wala ka namang kinikwento sa'kin ah" pagrereklamo ni Cloud. 

"Ask that once you've got a chance" Kai's directfully answered.

Matapos maglaro ay nagkaayaan ng mag-uwian nila Cloud, Klea, Raiko, at Liz. Late na raw at baka wala na silang masakyan, si Liz naman daw ay inaantok na. Now, it's just the three of us; Nathan, Kai, and me. I helped Kai to clean the things na ginamit kanina and ganun na rin ang ginawa ni Nathan. 

Suddenly, Nathan got a call na mahalaga raw, it didn't last long pero bigla syang nagpaalam sakin na mauuna na sya. May pinapaayos daw kasi ang memebers nya about sa isang project na ginagawa nila. Pumayag naman ako since malapit lang rin naman talaga ang condo ko kila Kai.

and now, it's just the two of us...

I remained silent as we both do our things but I stared at him for a while habang naghuhugas sya ng plato. Bakit nya kaya ako tinawag na stalker? alam nya bang chineck ko yung IG account nya nung nakaraan? Sana naman hindi.

He suddenly turns and stared at me na naging dahilan ng pagyuko ko. Nakakahiya, huling huli na talaga nya ako at baka masabihan nanaman nya akong stalker .

"Why don't you follow me on IG so that you'll be updated on my topless posts?" 

Tears Behind Those DoorsWhere stories live. Discover now