"Tara na, Vier. Libre ko naman eh, atsaka minsan lang 'to" pag-aaya sa'kin ni Liv na pumunta sa theme park after namin mga finals.
Nandito ulit kami sa food court at kakatapos lang kumain. Yet, hindi pa tapos si Liz sa pagpilit sa'king sumama sa theme park. Umoo na silang lahat at ako nalang ang hindi, hindi naman sa pagiging KJ pero nagtitipid talaga ako.
Malapit na rin ang hell week at unti-unti ko nang nararamdaman ang pressure about doon. Gusto ko rin naman talagang magsaya after pero pinag-iisipan ko pa baka pauwiin ako, sayang din yun since miss ko na rin sila mama.
"Pag-iisipan ko muna" sambit ko pagakatapos buksan ang ice cream na binili ko.
"Nasaan nga pala si Raiko? Tapos na tayo kumain lahat lahat sya wala parin" reklamo sa'kin ni Klea.
"Padating na raw s'ya, may mga kasama raw kasi syang kaibigan" sagot ko.
"Sino naman?" lingon sa'kin ni Nathan na nagbabasa ng libro na na may connect ata sa course n'ya.
"Ewan ko rin eh" sagot ko naman.
Si Raiko at si Liz talaga ang matatawag naming social butterfly ng grupo dahil una madami silang admirers at kitang kita yun sa bilang ng followers nila sa IG. Ikalawa, itong dalawang to ang kadalasang may kakilalang nakakasalubong namin na minsan ay nakakatawa since bawat lakad namin nakakailang tigil namin. I agree, sometimes it's too inconvenient but I always look at the brighter side and mas nakasanayan na rin naming umalis ng maaga.
"Oh, ayan na pala sila eh" sigaw ni Liz
Lumingon ako sa direksyong tinuro ni Liz at nakita ko si Rai at may dalawa s'yang kasama. Isang maputing mamaling naka glasses at namukhaan ko na ang isa pa nilang kasamang morenong matangkad na na-stalk ko nung isang araw lamang at iyun si Kai.
"Hi mah prends" sigaw ni Rai at tumakbo palapit sa'min. Nakasunod naman ang dalawa niyang kasamang mahinahon lang na naglalakad.
"Nga pala, This is Cloud and Kai. Mga block mates and friends ko, sabay raw sila sa'tin since nabangggit kong pupunta ako sa inyo" pagpapakilala sa'min ni Raiko sa dalawa niyang kasama.
"Hi po, I'm Cloud Villafuerte po." isang maaliwalas na ngiti ang ipinakita sa'min ni Cloud na may hawak hawak pang libro na about ata sa math. He looks cute and charming, same as me, feminine sya tignan pero he still looks handsome.
"Hi" malamig na nati sa'min ng isang kasama nila. October palang pero sa pagbati n'ya feeling ko pa December na.
They all sat on the available spaces at isa na doon ang upuang katabi ko. I assumed that Raiko will be the one who'll sat beside me but pagkaharap ko ay nakatabi na sya kay Liz. Lumingon ako ng may isang matapang na pabango na aking naamoy at laking gulat ko ng makita kong si Kai ang nakatabi ko.Unang akala ko ay galing ang pabangong yun kay Nathan pero hindi, kundi nadagdagan pa sya. Now, pinagigitnaan na ako ng dalawang mahihilig sa matatapang na pabango at nawala ang amoy ko na raspberry.
Tahimik kong inuubos ang ice cream ko habang pinapakinggan sila na mag-usap about sa kung ano anong bagay. Mabilis na nakisama si Cloud sa amin samantalang si Kai naman ay tahimik lang sa tabi ko na para bang sya lang ang tao sa mundo.
Narinig kong wala na ring classes sila Raiko, Cloud, at Kai ngayon kaya after daw nito ay uuwi na rin sila. Sadyang tumambay lang sila muna ngayon dito sa food court para samahan kami. Kami namang apat ay nasanay nang kahit wala na kaming pasok sa hapon ay dito kumain since mura lang rin ang mga bilihin dito.
"Tara, inom tayo!!" sigaw ni Liz na halatang excited
Weekend na rin bukas at pagkaalala ko ay halos walang mga errands na kailangang gawin sila while me and Nathan have reviewers since ako may quiz sa monday habang sya naman may exam ata sa monday rin
Hindi ako masyadong umiinom pero hindi rin ako KJ kaya lagi akong sumasama sa kanila pero alam nila pag ayaw ko na at ayos lang naman sa kanila yun. Si Liz at Raiko rin ang masasabi kong pinaka alcoholic sa'ming lima while, Nathan and Klea have high alcohol tolerance so mahirap talaga kapag silang dalawa ka 1 vs 1 mo.
"Eh, saan naman?" tanong ni Nathan
Tumayo si Cloud at tumungo papunta sa direksyon ni Kai.
"Available naman diba bukas yung condo mo?" Pangising sambit ni Cloud kay Kai sabay umakbay rito.
Nagulat ako nang gawin yun ni Cloud kay Kai. Hindi ba sya magagalit? Ang tahimik nya kanina tapos madadamy yung condo nya para lang pag-inuman namn or I'm just overthinking?
"Fine, just bring the drinks and snacks then I'll handle the rest. Raiko will just send you the location so that you can come" malaming niyang sagot saamin na ikinatuwa naman nila.
"Oo, ako na bahala" sagot ni Raiko
"Nga pala Nathan and Vier magkatabing building lang ang tinitirhan nyo sa tinitirhan ni Kai so mas madali kayong makakapunta doon" pagpapaalala ni Raiko saamin.
Laking gulat ko nang malaman iyun since hindi ko sya nakakasabay or nakakasalubong manlang pauwi pero baka siguro may pinupuntahan pa syang iba pang mga lugar kaya di kami nagkakaabot.
"Oh, I guess I'll see you there, stalker"
YOU ARE READING
Tears Behind Those Doors
RomanceVince, an aspiring doctor who doesn't want to be in love until he meets Kai a engineer who hates LDR because of his friends rants about it. This story will represent love, sacrifice, passion, and assurance towards the people we love.