Kabanata Ocho: Pagbalik ng Kapayapaan

5 4 0
                                    

Nagising ako na magaan ang katawan, "Kailan ba ang huli na ganito kasarap yung tulog ko," Humikab at nag-unat ako ng katawan.

Pumunta ako ng bathroom, "Good morning, Jade." Binati ko ang sarili sa harap ng salamin tyaka nag-toothbrush at nag shower na rin.

Ni lock ko ang pinto at nakangiting bumaba sa lobby, binati ako nina kuyang guard ngumiti naman ako at marahang yumuko saka binati din sila.

Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng sariwang hangin, ngumiti ako at marahang pinikit ang mga mata, itinaas ng bahagya ang ulo, huminga ng malalim at dinama ito.

"Oy, mukhang good mood tayo, ah," Sinalubong ako ni Gelo ng kay lawak ng ngiti sa labi nito. Nag fist bump kami, "Oo naman, ikaw ba naman yung gumising ng magaan ang pakiramdam," nakangiti kong tugon.

"Anong plano mo pala tungkol sa mga red envelope?" Kahit kailan chismoso talaga ito pero nagpapasalamat ako sa kaniya dahil nalaman ko na ang mga di maipaliwanag na nangyayari sa akin.

"Hindi ko pa alam pero sana may makita akong hint tungkol sa taong iyon." Tumango naman ito, akala ko tapos na siya pero di pa pala,

"Hinarap mo na ba yung nakaraan mo na sinabi ko?" Huminto ako sa paglalakad, humarap ako sa kanan ko at tumingin sa kaniya,

'Ano bang nalalaman niya?'

"Pwede ba magtanong, ano bang nalalaman mo sa nakaraan ko?" Hindi ako nagagalit o ano, gusto ko lang talagang malaman kung ano ang alam niya kasi sa pagkaka-alam ko ay di ako nag kwento sa kaniya ng kahit ano tungkol sa nakaraan ko.

Nagkibit balikat siya, "Kung ano ang nasa isip mo na sa tingin mo ay alam ko."

Tanging iyon lang ang sagot niya saka na una ng naglakad papasok sa klasroom namin. Hindi ko siya maintindihan, hindi klaro ang sagot niya.

Lito man ay sumunod rin agad ako sa kaniya, meron na pala si Prof. Luo. Bumati kami sa kaniya at marahang yumuko papunta sa upuan namin. Pinapaalala niya sa amin ang exam namin bukas at nagsimula na itong mag discuss.

"Data structures are ways of organizing and storing data so that it can be accessed and modified efficiently. Common data structures include—"

Computer Technology ang kinuha kong kurso, 2 years course lang ito. Dahil nga 2 years lang ito ay sagad na sagad ang utak namin sa mga impormasyon.

"Agh, lalagnatin ata ako dito," Rinig kong bulong ni Gelo habang hinihilot ang sintido, natatawa ako sa hitsura nito pero bumaling ulit ang atensyon ko kay Prof. Luo.

'Kailangan kong makinig ng maigi.'

Madami siyang sinasabi tungkol sa 'Common Data Structures' kagaya na lang ng—

—"Array, a collection of elements identified by index or key. Fixed size and homogeneous."

Idagdag mo pa ang 'Algorithm' ay talagang masisiraan ka na ng bait.

"Understanding these data structures and algorithms is fundamental for solving computational problems efficiently and is a critical aspect of computer science."

"That's it, for now. Pagbutihin niyo ang exam niyo bukas." Nakangiti niyang tugon, nagpaalam na rin kami sa kaniya, nag martsa siya palabas ng klasroom namin.

Nag-ayos ng mga gamit ang ilan at ang iba naman ay nakabagsak ang katawan sa upuan, tila nasawi sa isang bakbakan. Inayos ko na ang notes ko.

"Uuwi kana ba?" Hinarap ko si Gelo, nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya.

Pina singkit niya ang kaniyang mga mata at tyaka tinignan ako ng puno ng paghihinala,

"Ano nga?" Naiinip na saad ko, alam ko na kahina-hinala ako ngayon dahil hindi naman talaga ako ang nag aaya, laging si Gelo ang nag aaya sa akin.

"Totoo ba ito?" Nasikmuraan ko siya dahil tumingin pa siya sa itaas na para bang humihingi ng kasagutan mula sa itaas. Lumapit pa siya para kapahin ang noo ko kung nilalagnat ba ako.

Inayos ko ang strap ng bag ko, "Kung ayaw mo sige mauuna na ak—"

"Hep!"

Hep? Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pag alis, mabilis niyang nilagay ang notebook sa bag saka inabot ito at isinukbit sa balikat.

"Sinong may sabi na ayaw ko? Ang sabi ko ayaw ko—ayaw kong sayangin ang oppurtunidad na malibre."

Ngumisi pa ito at inakbayan ako tyaka nagsimula na kaming maglakad, umiling-iling ako tyaka tinanggal ang braso nito sa akin.

"Linta ka ba?"

"Oy, ano yan pick up line?" Umakting pang kinikilig ang loko. Paano ko ba ito naging kaibigan?

"Dikit ka ng dikit eh, gusto mo rin bang sumipsip ng dugo? Ang sarap mong budburan ng asin." Nakita ko pa ang pag nguso nito, hindi niya bagay.

"Mukha kang unggoy dyan." Iniwan ko siyang naka nguso pa rin buti mahaba ang pasensya ko baka kung ano magawa ko sa kaniya.

"Ako? Mukhang unggoy? Excuse me, sa gwapo kong ito? Baka ikaw!" Ang lakas ng pagsigaw niya kaya napapatingin na rin ang ibang studyante.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya, "Ah," Tumango-tango hawak ang aking baba tyaka kunyaring nag iisip.

"Unggoy... Pero bakit ang daming nagkakagusto sa akin?" Pa inosente kong saad,

"Ang yabang," Dinig ko pa ang bulong niya, natawa naman ako dito.

"Huwag kang mag alala, ipapakilala kita sa mga girls para di ka naman kawawa, UNGGOY."

Sinadya ko talagang diinan ang pagkakasabi ng 'unggoy' para mas asarin siya. Kung dalawa kaming unggoy, siya ang lugi baka wala ng magkagusto sa kaniya.

Tinalikuran ko siya habang tatawa-tawa at nagsimula ng maglakad.

"Ang sama mo talaga!" Rinig kong sigaw niya.

Nilingon ko siya habang naglalakad pa rin, "Huwag kang mag-alala sayo lang ako masama." Kumindat pa ako at itinuro siya, tyaka muling ibinalin ang tingin sa harapan.







Catch Me [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon