Two days have passed since that night, but the anger I felt towards them hasn't subsided.Just last night, I saw my grades. I was happy, but there was still some sadness. I didn't expect to achieve high honors; it turns out you need to be diligent. I did this for dad and him, but I know it means nothing to them. I also can't tell him because we're not okay, and besides, they don't care. And if I tell this to Dad, he wouldn't care even more. He might even say something I won't like.
"Baka hindi na malamig 'yang strawberry juice mo," sabi ni Niela na kumakain. Nasa cafeteria kami ngayon para sa lunch, kakatapos lang ng subject namin kaninang umaga.
"Hindi ka ba masaya na nadala ka sa honors?" tanong niya nang may pagtataka, pero umiling lang ako. "Bakit ganyan mukha mo? Daig mo pa 'yong may 75 na grade."
Hindi ko na lang siya pinansin dahil kapag nagsalita pa ako, hindi na kami mauubusan ng sasabihin.
Ewan ko rin bakit malungkot ako eh dapat masaya ako dahil proud ako sa sarili ko na nakuha ko rin ang nais ko. Wala naman akong masabihan na with honors ako this quarter, kaso wala naman akong masabihan dahil nga wala naman may pakialam.
Pagkatapos naming mag-lunch ni Niela, bumalik na kami sa classroom. Habang paakyat kami sa hagdan, nakasabay namin si Nash na pababa na nakapamulsa. Ngumiti siya nang magtama ang aming mga mata, pero agad ko ring iniwas, pero hinarangan niya lang kami sa daan.
"Ang laki naman ng space," iritadong sabi ni Niela, pero hindi siya pinansin ni Nash at nakatingin lang siya sa akin.
"Bakit hindi ka nag-reply sa mga message ko?" tanong niya at humakbang pa palapit sa akin. Kita ko naman sa gilid ng mata ko na nagtaka si Niela at tumingin sa akin at kay Nash.
"Dalawang araw na akong naghihintay ng message mo pero hindi ka man lang nag-reply," sabi pa niya ulit, pero pinagkrus ko lang ang aking mga braso at walang ganang tumingin sa kanya.
"Busy ako," tipid na sagot ko at akmang lalagpasan na siya pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"Hihintayin kita sa parking lot after class," sabi niya, at akmang magsasalita na sana ako pero agad na siyang tumalikod.
Bakit ba ang kulit niya? Bahala siya diyan; hindi naman ako magpapakita sa kanya at bahala siya diyan maghintay.
"Ano 'yon, Scarlet?" tanong ni Niela at nakasunod lang sa akin.
"Hindi ko rin maintindihan ang sinabi niya," sabi ko pero sumilay lang ang pang-aasar na ngiti niya kaya inirapan ko siya. Ano na naman kaya ang pumapasok sa isip ng babaeng 'to?
"Asus, siya 'yong ka-date mo sa prom," nakangisi niyang sabi at tinaas-baba ang kilay.
Walang ganang tumango lang ako at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Sinampal niya ako sa puwet. Nahawa na yata 'to sa kakasama kay Harley. Simula kasi nang magkakilala siya kay Harley, lagi na kaming magkasama.
Natatawang umiling lang ako at nahagip ng mata ko si Caden na nakatayo at nakasandal sa may pintuan ng SSG office. Napaka-lamig ng tingin niya sa akin.
Anong problema niya?
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy kami sa pag-akyat ni Niela hanggang makarating kami sa classroom namin.
Habang naghihintay para sa last subject namin sa practical research, tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang nakatukod ang kamay sa mukha ko. Ang dami ko kasing iniisip ngayon.
Ano kayang uulamin ko mamaya?
Kahit mag-isa lang ako sa bahay, syempre iniisip ko rin kung anong uulamin ko. Lagi nalang kasi akong umo-order online ng kinakain ko.
YOU ARE READING
Stone heart ( hate series 2)
RomanceThis story is about a girl who relentlessly pursues the man she loves, but he has no feelings for her and doesn't care about her emotions. He even makes it clear that no matter how hard the girl tries, he will never learn to love her. Despite this...