chapter 5

5 0 0
                                    

Chapter 5

I was not in myself while discussing my presentation to my co-councils to Mr. Tolentino. I know my presentation naman so nai-present ko pa rin siya ng maayos. Ang tanging narinig ko lang kay Mr. Tolentino ay ni-congratulate niya ako at inatasan gumawa ng proposal para sa org ko.

It’s already evening and I’m sitting on my study table, thinking about something. Pinaglalaruan ko lang naman ang ballpen ko sa kamay habang tinitignan ang orasan while thinking.

Hindi ko talaga matanggap sa sarili ko na same kami ni Lysan ng score sa pre test.

I got my phone from the table and opened my gc with Missy and Tatrina.

Me:
Hi, gising pa ba kayo?

I waited five minutes before they replied to me.

Missy:
logtu na aq te

Tatrina:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Yup, they are still awake. Mukhang magpupuyat sila ngayon kahit wala pa naman masyadong gagawin. Puyaters.

Me:
Naiinis ako huhu! Hindi ko matanggap na same kami score ni Lysan.

Nanggigil pa ako habang tinatype iyon. Feeling ko ang puso ko ang nagtatype ng message na yon.

Missy:
bakit ka naman naiinis? ate, nanlalamang ka na naman ha

Natigilan ako sa sinabi ni Missy na yon. It hit me but I’m not offended. That’s my toxic trait tho. I hate when people are above me. I feel like I’m shaking so I put back my phone on the table.

I started to do my proposal para maipasa sa principal bukas. Wala pa naman masyadong ginagawa ngayong week kaya minamadali ko ang paggawa nito. Kapag kasi nag-start na talaga sila magturo ay baka mahirapan ako i-singit sa dami ng gawain.

And I chose to start this proposal para ma-divert ang utak ko sa pag-iisip nung nangyari kanina.

Weeks have passed. I presented my proposal to the principal and I’m just waiting if she’s gonna approve it or not. Puro discussion lang din ginawa namin halos sa lahat ng subject.

Paulit-ulit lang din ang ginagawa ko. I will wake up in the morning, I will fed Shilo and will get dressed para pumasok sa school. Makikinig sa discussion ng mga teachers. Maglulunch by 12 nn to 1 pm and uuwi na except kung may meeting ang SSC. Pagkauwi ay I will fed Shilo again at makikipag-kwentuhan kapag naka-uwi na si mama. Magrereview saglit at matutulog na.

It’s my routine everyday.

"We will start our research today. I will let you used our time para makapag-brainstorm kayo ng topics. 8 topics ang need at i-send n’yo sa email ko." our PR2 teacher said.

Napapikit ako nang mariin. Start na ng research namin and we will do quantitative research for this semester. Last year, second semester kasi ay qualitative ang ginawa namin.

"Kailan deadline ng pag-send maam?" Missy asked.

"Hanggang 12 midnight lang. Here ang list kung sino ang magkaka-group. I grouped you into four pero dahil 41 kayo ay may isang group ang lima ang members." muling saad ni maam at binigay sa akin ang paper. "Iiwan ko na kayo, gamitin ang natitirang time para mag-isip ng topic." dagdag niya.

I looked at the paper he gave me. Tumayo ako sa harap para i-announce ang surname ng mga kaklase ko at kung sino ang magkaka-group.

"Group 4, Castillo, De Vore, Lopez, Santiago." basa ko sa mga apelyido ko, ni Lysan, Missy at Tatrina!

Nag-angat ako ng tingin para tignan sila. Naka-poker face lang si Lysan habang naka-tingin sa akin at ang dalawa kong bruhang kaibigan ay ang laki ng ngisi!

"Hindi ko ilalagay ang pangalan ng mga magpapabuhat lang." parinig ko at muling tumigin sa paper.

"Excuse me! Hindi ikaw ang gagawin naming leader! Si Tatrina ang leader!"

"Sige gawin n’yo akong leader, ang research design natin ay hello kitty!" humalakhak silang dalawa kaya natatawa akong napairap.

After I announce my name ay bumalik ako sa upuan ko para harapin silang tatlo.

"Ikaw nalang leader, Riley." saad ni Missy sa akin.

"Oo te! Kung itong bruha kasi na ‘to ang magiging leader, baka awrahan lang yung mga panelist." tumawa silang dalawa.

"I agree with them." singit ni Lysan.

"Saan Lysan? Sa kaharutan ni Missy o sa pagiging leader ni Riley?" Tatrina asked while laughing.

"The latter."

I just rolled my eyes at them.

"Ako ang ginawa n’yong leader kaya ‘wag kayong magulat kung strikta ako. Ayoko ng paulit-ulit sa ginagawa dahil I’m pretty sure na nakagawa na kayo nito. Ayoko rin sa pabigat dahil tatanggalin ko talaga agad." panimula ko. "When it comes to meeting, hindi naman ako palaging nagpapa-meeting dahil mas prefer ko ang gumawa mag-isa pero if gusto n’yo ng group tayo gagawa, it’s fine naman."

Nakatingin lang silang tatlo sa akin habang nagsasalita ako.

"I don’t like cramming also so kapag nagbigay ako ng deadline kapag naghati na ako ng gawain ay make sure to follow para mabilis tayong matapos." dagdag ko. "I’m open to suggestions now so sabihin n’yo na mga gusto n’yong sabihin."

"I think mag-partner tayo para hati sa isang gawain." Lysan suggested. I looked at him and nodded.

"Partner kami ni Tatrina." biglang saad ni Missy.

"Ano ba te! I was hoping na kahit sino kay Riley o Lysan ang partner ko dahil wala kang kwentang ka-partner!" inis na sambit ng babae bago niya batukan ito.

"Okay si Lysan ang ka-partner ko and we will go to library to borrow some research books at doon din kami mag-b-brainstorm ng topics."

"Tig-2 tayong lahat na topics." ani Lysan.

Muling humalaklak ang bruha. "Gumawa na ako ng gc! Bukod sa ganda, may ambag na akong gc!"

"Sa computer room kami pupunta ni Missy para mag-search ng possible topics." tumango nalang ako sa sinabi ni Tatrina.

I just nodded at them for the last time before tumayo para pumunta sa library. I noticed that Lysan is following me from behind so I just ignored him. Nang makarating sa library ay nakita ko na agad si Ayi.

"Riley! Sino yan?! Boyfriend mo?!" irit niya kaya napairap ako. Ang issue talaga niya!

"Boba! He’s my classmate."

"Sure ka? Bahala ka, agawin ko yan!" humalakhak ang babae.

"I’m sorry for my friend." tumingin ako kay Lysan. He just nodded at me.

Nagsimula akong maghanap ng libro at nilabas ang phone ko. Sa phone nalang ako magsesearch dahil naka-connect naman ako sa wifi ng library. May password ang mga parte ng SSC. Samantalang naka-computer naman si Lysan habang may libro sa harap niya. Ang hassle kasi kung mag-oopen pa ako non!

Minessage ko sa gc namin ang topic na napili ko. The first one is about the effectiveness of different teaching strategies of traditional and modern teacher and the impact of using technology in enchancing the education in STEM.

Me:
Kindly send your topics by 7 pm para ako na mag-send sa email ni maam. Thankyou.

Iniwanan ko na si Lysan sa library at bumalik sa classroom. I just read a book while waiting for our next teacher.

"Our performance task is ballroom dance. Ako ang magpapartner sa inyo." our PE teacher announced.

I raised my hand. "Maam, what about the other one po? We’re 41 in our section."

"I’ll partner him or her sa other section. Sobra sila ng isa." Maam answered my question. "Okay, ito ang magkaka-partner."

Nagsimula si maam i-anunsyo kung sino ang magkaka-partner. Napasapo nalang ako sa ulo ko nang marinig ang apelyido ko at apelyido ang ka-partner ko.

"Castillo and De Vore."

Something about you (SH Girls #1)Where stories live. Discover now