Simula

451 12 0
                                    

Elisha.

Mula sa madilim na bahagi ay nakita ko ang paglitaw ng isang bulto. Kusang natigil ang mga paa ko sa paghakbang dahil sa pamilyar na kilabot na sumalakay sa akin. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan. Nakaharap ito sa direksyon ko kaya nakumpirma kong nasa akin talaga ang titig nito.

Pinasingkit ko ang mga mata para mas lalong aninagin ang mukha niya. Pero nadismaya lang ako sa huli dahil masyadong blurry ang vision ko't idagdag pa na nasa tago siyang parte.

Mariin akong pumikit at umungot dahil sa frustration. Nang muli kong iminulat ang mata ay wala na sa kinaroroonan ang talapindas na nagmamasid sa akin. Kinamot ko ang pisngi at padabog na nagpatuloy sa paglalakad.

Malaman ko lang talaga kung sino iyon ay dudukutin ko ang mga mata. Hindi yata alam ng hudyong iyon na masyadong malakas ang sense of presence ko. Kung may kakayahan man akong maipagmamalaki, iyon ay ang marunong akong makiramdam sa paligid ko.

Alam niyo ba iyong feeling ng scopaesthesia? Iyong pakiramdam na alam mong may someone na palaging nagmamasid sa 'yo kahit hindi ka nakatingin?

Ganoon palagi ang nararamdaman ko na nagpapainis, at the same time ay nagpapa-conscious sa akin. Matagal ko na iyon nararanasan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung sinong buang ang nanonood sa bawat kilos ko.

Pakiramdam ko mayroon akong stalker. Palagi tuloy akong nangangamba para sa kaligtasan ko. Hindi ko alam kung anong kasamaan ang maaaring gawin ng taong 'yon sa akin kaya wala akong magawa kundi pairalin na lamang ang pagiging vigilant.

Baka mamaya magising na lang ako na nakabitin na patiwirik, or worse ay nasa loob na sa kabaong at inililibing na ng buhay. Biglang kinalibutan ang pagkatao ko sa isipang iyon.

Katakot, 'day. Yawa. Sino ba kasi iyon?

"May flowers na naman for you," ngiting salubong sa akin ni Karma habang may karga sa braso na isang bouquet of roses.

Kunot ang noong tinanggap ko naman ang bulaklak nang ilahad niya ito sa akin. Bakas ang kagalakan sa mukha niya para sa akin.

"Haba talaga ng hair, 'day. Ibang klase talaga ang kamandag mo. Mukhang persistent 'yang secret admirer mo na makuha ang puso mo," kinikilig na usal niya.

"Kanino galing 'to? Sino bang bigay nang bigay sa akin ng bulaklak? May ideya ka ba?"

She shrugged. "Hindi ko talaga alam, 'day. May sophomore lang na nagbigay niyan kanina at sinabing ibigay ko sa 'yo. Noong tinanong ko kung kanino galing, ang sabi ay napag-utusan lang siya saka bigla na lang akong tinakbuhan."

Napakamot ako ng pisngi at napasimangot. Ano ba naman 'yan, namomroblema na nga ako kung sino ang stalker ko, dumagdag pa 'tong secret admirer na ito. Hindi ko mabatid kung ba't pa nila ako pinaglalaanan ng oras, wala naman silang mahihita sa akin.

"Ano namang gagawin ko sa bulalak na 'to?" bulong ko sa sarili habang ang paningin ay nasa bouquet.

Dumiritso ako sa assigned seat ko saka naupo't pinatong sa armchair ang bulaklak. May nakita akong isang maliit na card na nakasiksik sa pagitan ng mga talulot. Kinuha ko iyon at binasa. Pansin kong masyadong malinis at pulido ang handwritten niyon, ngunit hindi ko maiwasang mapangiwi sa nakasulat.

His Sweet Obsession Where stories live. Discover now