Elisha.
Malapit nang kumagat ang dilim nang matapos ang klase namin para sa araw na ito. May iilan pa na estudantye akong nakikita na tumatahak ng daan patungo sa kung saan.
Nag-iisa lang ako na binabaybay ang pathway palabas ng gate. Nauna nang umuwi si Karma na siyang palagi kong kasama. Ang sinabi, may family dinner daw sa kanila kaya't hindi na niya ako nahintay pa.
Habang humahakbang, abala ako sa tablet na dala ko para basahin ang notes na ginawa ko sa lessons namin kanina. Nanatili pa rin naman akong aware sa daan para hindi mabangga.
Natigil ang mga paa ko nang mabasa sa notes na may written test kami tomorrow. Naiwan ko sa locker ang librong dapat na pag-aralan. Lumiko ako para agarang bumalik sa kaninang pinanggalingan.
Pumilig ang ulo ko nang madama ko na naman na para bagang may nakasunod sa akin. Humugot ako ng mabigat na hininga at hinamig ang sarili. Napahaplos ako sa leeg nang manindig ang mga balahibo ko roon.
Naabutan ko ang security guard na nagpapatrolya. Sumisipol ito habang matunog at mabigat ang bawat yabag. Kumakalansing ang mga susi nitong pinapaikot sa daliri. Tumingin ito sa akin.
"Malapit ng gumabi miss, bakit hindi ka pa umuuwi?"
"May naiwan po akong libro sa locker, kukunin ko lang po sana."
"Kinandado ko na ang locker niyo. Sandali, heto ang susi." Hinanap niya ang numero ng susi at nang makita ay nilahad niya. "Mabuti naman naabutan mo pa ako, miss. Uuwi na sana ako. Mamaya pang alas otso ang duty ng guwardiyang kapalit ko."
Kinuha ko ang susing binigay niya saka ngumiti. "Salamat po."
"Ikaw na bahala magkandado ulit ng locker niyo. Ibalik mo na lang sa guard house 'yang susi."
Tumango ako saka ilang hakbang muna ang ginawa tungo sa locker room. Pagkabukas ko ng naturang pinto ay agad akong pumasok at naglakad sa pasilyo na patungo sa aking locker.
Medyo madilim na rin ang daang tinatahak ko dahil pinatay na ang mga ilaw dito sa loob. Nasa labas pa ang switch ng mga bulb kaya hindi na ako nag-abala pa. May nagsisilbi pa rin namang liwanag na nakasingaw sa bintana galing sa pahabang bumbilya na nasa labas na ceiling.
Tumigil ako sa locker kung saan nakasulat ang pangalan ko. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang mga libro ko. Nangunot ang aking noo nang may makita akong mga larawan sa ibabaw ng libro. Kinuha ko iyon para sipatin nang mabuti.
Nanginig ang kamay ko nang makitang iba't ibang larawan ko iyon. Lahat ng pictures ay mga stolen shots ko. Nabitawan ko ang mga iyon sa gulat nang bigla na lang may mga malalaking brasong pumulupot sa aking bewang.
"S-Sino ka?!"
Sinubukan kong makawala ngunit napatigil din nang ipaharap niya ako sa kaniya at sinunggaban ng halik. Namilog ang mga mata ko at bahagyang napasinghap.
Ang labi ko ay umawang at hindi agad nakauhap nang kinuha niya ang pagkakataong iyon para ipasok ang mapangahas na dila.
Napahalinghing ako sa sabik na paggalugad ng dila niya sa bibig ko. Madilim kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha.
Inabot niya ang dalawang kamay ko para ipaikot iyon sa batok niya. Napatingkayad ako dahil sa taglay niyang tangkad. Namungay ang mata ko at napapikit nang mas dumiin at lumalim ang halik niya.
Pamilyar sa akin ang presensiya niya. Baliw mang pakinggan na nakipaghahalikan ako sa stalker ko, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili na tumutugon sa kaniya. Wala sa wisyong napasabunot ako sa malambot niyang buhok.
Nanggigil siya sa ginawa ko. Hindi niya namalayang pabagsak niyang naidiin ang katawan ko. Umarko ang likod ko sa sumigid na sakit nang tumama iyon locker. Kahit paano, may kiliting dulot sa aking katawan ang rahas na iyon.
Napadilat ako nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Handa ko na sana siyang itulak pero kusang tumigil ang labi niya. Mabibigat ang hininga na sinubsob niya ang mukha sa leeg ko.
Damang-dama ko ang mainit niyang hininga sa parteng iyon. Kapwang tumataas-baba ang dibdib namin, hinahabol ang paghinga.
Malakas ang kabog ng dibdib ko na halos umabot sa pandinig ko. Naramdaman ko ang pagsinghot niya sa leeg ko na matunog kong kinalunok.
"Alalahanin mo ang halik na 'yan, sa akin mo lang 'yan matitikman, Elisha," magaspang, malalim, at malamig ang boses na sabi niya.
Literal na nakatikim sa akin ang hudyo!
Nang matanto ang nangyari ay naitulak ko siya sa dibdib niya. Nalagyan naman ng maliit na distansiya ang pagitan namin ngunit agaran niyang iniharang ang braso niya. Naninigurong hindi ako makawawala.
"Sino kang hinayupak ka? Bakit mo ako hinalikan? Alam kong ikaw 'yong laging nakasunod sa akin! Bakit mo 'yon ginagawa? May balak ka sa akin na masama, ano?" Halos tumalsik ang laway na untag ko.
"Kung may balak ako sa 'yong masama, ginawa ko na sana 'yon noon pa."
"Bakit ka naman sunod nang sunod sa akin kung ganoon? Alam mo bang kinikilabutan ako palagi sa 'yo? Stalker kita, 'no?"
"You can say that."
"Talagang aminado ka nga na stalker kita?"
Hindi siya kumabo. Bagkus ay hinalikan niya ako ulit. Inarko niya ang leeg at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
Sa pagkakataong iyon, ubod ng lakas ko na siyang nasampal sa pisngi. Ang lagapak ay bahagyang umalingawngaw sa paligid. Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya.
"Namimihasa ka na, ah! Hindi porket masarap kang humalik, pahihintulutan na kita ulit!"
Matunog siyang ngumisi. "Really?Nasarapan ka sa halik ko?"
"Huh? May sinabi ba akong ganoon? Ang sabi ko hindi ka masarap humalik! Bingi ka ba?"
Sinabi ko bang masarap siya humalik?
He chuckled. Hindi niya na iyon pinabulaanan pa. Mabini niyang pinadapo ang magaspang niyang palad sa aking pisngi.
"You're mine now, Elisha. Always remember that, alright?" lambing niya.
Bago pa man ako makapagsalita, nakapamulsa na siyang tumalikod sa akin. Humakbang na palayo.
"Hoy! Sandali!"
Hindi na ito lumingon pa na tila walang narinig. Naiwan na lang akong tigalgal sa kinatatayuan habang nakasunod ng tingin sa higante niyang pigura.
Seryoso ba ang hudyong iyon?! Matapos niya akong nakawan ng halik at angkinin, lalayas siya ng ganoon na lang? Iiwan niya akong mag-isa rito?