Kabanata 3

195 10 1
                                        

Leander.

"Bakit ba tayo nandito?" yamot sa tonong tanong ni Leroigh.

Hindi ko siya pinansin. Inabala ko lang ang sarili na pagmasdan ang tila anghel na itsura ng partikular na babae. Hindi ko maiwasang matigilan at matulala nang makita ang pakislap ng mata nito dahil sa pagngiti nito sa kaibigang kasama.

"Kaya naman pala." Napailing na lang si Leroigh nang tumingin din siya kung saan ako nakatingin.

Pumaling ako sa kaniya. Malamig ko siyang tiningnan. "Eyes off."

Ngumiwi siya at humalukipkip bago sumulyap sa akin. "Malala ka na. Ibang lebel na 'yang obsasyon mo sa babae na 'yan. Ano ba'ng mapapala mo kasusunod sa Elisha na 'yan? Bakit hindi mo na lang kaya ipakilala sarili mo? Subukan mong kunin ang loob niya."

"I don't want her to get attached with me. I might hurt her feelings at the end. Ayaw kong mangyari iyon. Kuntento na ako sa ganito," lintaya ko sa mababang tono.

Matunog siyang ngumisi.

"Saan ka kuntento? Sa pagiging stalker at  secret admirer niya? What if may lalaking sumubok kunin ang loob niya? Malay mo, may isang lalaki na hindi madala sa pananakot mo at maglakas-loob?"

Tumagis ang ngipin ko. Ang ideya pa lang na iyon ay nakakukulo na ng dugo. Lahat ng lalaki na batid kong may gusto kay Elisha, una pa lang ay sinisindak ko na. Sakaling may malingat man, makatitikim talaga ng bagsik ko.

"I won't let that happen. No man should be near with her. Subukan lang ng kung sino mang lalaki na 'yon, masisira talaga buhay niya."

Humalakhak siya. "Lakas talaga ng tama mo. Paano kung ako ang sumubok kunin ang loob niya?"

I rolled my eyes and stared at him blankly. "Magkalimutan na lang tayo. Hindi ako tumatanggap ng pinsan na traydor."

Napahawak siya sa dibdib niya. Para bang nasaktan ko ang damdamin niya sa tinuran ko.

"Ouch, ha? Mas importante pa pala ang babaeng 'yan sa 'yo kaysa sa pagiging magpinsan natin?"

Balewalang kumibit-balikat ako.
Bahala siya kung ano'ng gustong isipin niya. Pumamulsa ako nang makitang patungo na ang babae sa departamento nila. Nagsimula akong humakbang para sundan ito. Sumunod si Leroigh sa akin.

"Bakit mo ba ako sinama?" ungot niya sa akin. Namuo ang iritasyon sa akin sa kadahilanang kanina pa siya reklamo nang reklamo.

"Umalis ka na kung gusto mo. Hindi naman kita kailangan dito in the first place." Napasinghap siya at tinuktukan ako.

"Tarantado ka!" Hinampas ko naman siya sa batok bilang bawi.

"Mas tarantado ka!" Hinimas niya ang batok na nasaktan. Bubulong-bulong siyang naglakad palayo sa akin. Pumalatak ako saka binalik ang tingin sa babaeng ilan lang na distansiya ang layo sa akin.

Iglap lang ay nawala ang iritasyon ko para sa pinsan dahil kay Elisha. Aminado akong short-tempered ako na tao. Ngunit sa hindi ko malaman na kadahilanan, madali akong mapakalma ng babae.

Bumaba ang tingin ko sa maliit na kurba ng bewang nito. Hanggang sa umabot iyon sa maumbok na pang-upo ng babae. Tumagis ang ngipin ko sa gigil. Napansin kong napahinto ito at nahagod sa leeg.
Maliit akong napangisi dahil sa lakas nitong makaramdam. Tila batid agad ng babae na kanina pa may nakamasid sa kaniya bagay na kinamamangha ko.

Napatigil ako sa pagsunod kay Elisha nang may humarang na babae sa dinaraanan ko. Agad sumama ang hilatsa ng mukha ko nang mapagsino ito.

"Leander, mag-usap naman tayo, oh."

Nagsusumamo ang mga mata ni Honey sa akin, nagbabakasakali na pagbigyan ko. Bumuga ako ng hininga at tinalikuran siya.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Honey," malamig kong usal.

Hindi naman ito natinag dahil naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin. Muli akong bumuga ng hininga at napagpasyahang pagbigayan ito sa gusto nitong mangyari. Sana naman ay tigilan na ako ng babaeng 'to matapos nitong pag-uusap namin.

Elisha.

"Isama mo na ako kahit ngayon lang, Karms. Bibigat lang ang loob ko kapag nanatili lang ako sa rito sa mansion namin."

Napalingon sa akin si Karma na abalang sinusukat ang pulang sexy dress na binili niya noong pumunta kami sa mall kanina para mag-shopping. Mula sa isang malaking salamin ay nasa akin na ang buong atensyon niya.

"Sigurado ka ba riyan sa desisyon mo, 'day? Isang Elite Club iyong pupuntahan ko. Hindi lang basta-basta ang lugar na iyon. Kailangan pa natin magbayad ng malaking halaga kasi wala kang premium card o invitation card galing sa myembro roon."

"Handa naman akong magbayad." Lumabi ako dahil tila wala siyang planong isama ako. Binalik niya ang tingin sa salamin at muling tinapat sa katawan ang dress na hawak niya. Tiningnan niya ako mula sa repleksyon ko roon.

"Handa ka bang magbayad ng kalahating milyon?" Nakataas kilay na tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap dahil sa sinambit niyang halaga. Ang laki naman no'n?!

"Kalahating milyon?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya saka nilapag ang dress na hawak sa may drawer doon. Kinuha niya ang shopping bag at humugot ulit ng panibago na dress.

"Hindi basta-basta nakapapasok ang kung sino lang doon, 'day. Balita ko isang Hilton ang may-ari ng club na iyon. Alam mo naman na hindi basta ordinaryong tao lang ang may apilyedong Hilton, 'di ba? Bigating tao ang mga iyon kaya ganoon kabigat sa bulsa ang makapasok sa teritoryo nila."

"Bakit ikaw, ang dali mong makapasok doon? Huwag mo sabihing nagwawaldas ka ng ganoon kalaking halaga kung kailan mo gusto?"

"Hindi, 'no? Namulubi na ako niyan kung ganoon. Myembro kasi ang pinsan ko roon kaya madali na lang sa akin pumunta sa Club na iyon nang hindi na kailangan maglabas ng pera," sambit niya.

"Kaya ikaw, kung gusto mong makapasok doon, its either maglabas ka ng kalahating milyon o dapat may myembro kang kakilala roon na bibigyan ka ng premium card," dagdag pa niya.

"Hindi na lang ako sasama kung ganoon naman pala."

Ang dami ko nang mabibili na grocery sa kalahating milyon na iyon, 'no? Nakapanghihinayang maglabas ng ganoong kalaking pera para lang sa lugar na iyon.

"May naisip ako."

Kumunot ang noo ko kay Karma dahil nabahiran ng ngisi ang labi niya. Sinundan ko siya ng tingin nang magtungo siya sa study table ko kung saan nakapatong ang handbag niya. Binuksan niya iyon at may kinuha na kung ano. Nang lumapit siya sa akin ay natanto kong isang gold card iyon.

"Ikaw na muna ang gumamit ng premium card na ito." Tumaas-baba ang kilay niya. "Pupunta ka roon mamayang gabi. Iyon nga lang, hindi kita masasamahan. Exclusive for one person lang dapat kasi kada isang card."

His Sweet Obsession Where stories live. Discover now