CHAPTER 12

129 8 0
                                    







Chapter 12

"Uminom ka na naman?" Pagkabukas nya ng pinto ay yun agad ang sumalubong sa kanya.





Inasahan nya ng nagbabantay sa pag-uwi nya si France. Pero alam nyang isa iyong simpleng tanong na walang halong malisya.





Kasi tulad ng unang tumatak sa isip nya, di naman sya ang tipo ni France. At talagang pakikisama lang yun.




Ni hindi nya ito tiningnan at dumiretso na sya sa kwarto upang magbihis ng damit dahil kumapit dito ang amoy ng alkohol na mukhang nagpapalala pa ng tama nya.






Hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip nya ang hindi pagsagot ni France ng tanungin nya ito kung mahal na ba sya nito.





Ibinalibag nya yung damit sa laundry basket. At saka kumuha ng malinis na tshirt sa closet at isinuot.



"Hoy, Chino panget! Notice me." Pagtataray ni France habang nakasandal sa may pintuan.


Pinapanuod lang nito si Chino na patay malisya sa kanya at nagpapaka-busy sa may study table na kunyare may inaayos.



"Nakita ko kanina dalawang friends mo sa hallway. Bat di mo sila kasama? San ka ba nagpunta?" Nakahalukipkip pa ito na parang malditang bata.




"Nang-chix." Mahinang banggit ni Chino. Gusto nya kasi na tigilan na sya nito sa pangungulit. Pagkatapos ay umupo na sya patalikod dito.




Hindi sya galit kay France. Umiiwas lang sya dito dahil bawat oras at minuto na nakakasama nya ito, lumalalim din pagtingin nya para sa dalaga.. dahil dun mas nadadagdagan din ang porsyento na masaktan sya.




"Chix? Mmmmm. May nahanap ka naman ba?" nagulat na lang sya ng dumukwang mukha ni France sa harapan nya. Nakatukod kamay nito sa lamesa habang nakatitig sa kanya na mapang-usisa.





"Actually, wala e.." umiling-iling sya.



Di nya maiwasan na di ipahalata ang paghanga sa kagandahan ni France.



Even her flawless shoulders are waving at him na parang nag-aanyaya.




Nagsalubong kilay ni France dahil sa sagot nya.




"I've been searching in places but turned out, the prettiest girl in the world is living in my pad." He sincerely admits.



Walang halong biro, anghel ang nasa harap nya ngayon. At mukhang nagmi-misteryo pa dahil nakikipag-flirt sa kanya.




Ngumiti ito ng may pagka kontento dahil sa narinig.



Tulad pa rin ng laging nangyayare ay naaakit na naman sya ni France ng walang kahirap-hirap.



Bumagay sa kanya ang suot nitong white mini dress dahil mas nagmukha syang inosenteng anghel na bumaba sa langit para maging parte ng pagpapatuloy ng magandang lahi ng mga Otlanas. Isa syang hulog ng langit.





Wala sa sariling napatayo sya mula sa upuan para dampian ng halik ang pinkish lips ni France ng bigla ito umalis sa pagkakasandal sa mesa at parang model na umikot sa harapan nya.





Muntik na sya ma-off balance ng walang labing sumalubong sa halik nya, buti na lang nakahawak sya sa gilid ng mesa. Mas naramdaman nya tuloy ang gaan ng ulo nya na dala ng alak.



Obsessive LOVE: DARAGON Fiction(Let's do this!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon