CHAPTER 5

404 8 1
                                    

Hindi pa rin kumikibo si France kahit anong pakiusap ko. Parang na-trauma sya sa ginawa ko.

'France...sorry na.' saka lang sya tumango at mukhang naintindihan nya ko. 

Hindi na rin pumatak yung namumuong luha sa gilid ng mga mata nya. Kaya nawala na rin yung pag-aalala ko sa kanya.

'Akin na yung susi.' walang buhay nyang sabi kaya kinuha ko na sa bulsa ko yung susi at iniabot sa kanya.

'France..sorry ulit.' i hug her then kiss her on her forehead. Ng humiwalay sya sakin nakita ko na ngumiti sya. Siguro iniisip nya na sobrang nag-aalala ako sa kanya kaya sa pamamagitan ng pagngiti ay pinapakita nya na ok lang sya para mawala na pag-aalala ko.

'Sige Chino.. Mauuna na ko sa pad mo.'

Sinundan ko ng tingin yung paglabas nya sa cubicle tapos sumunod na rin ako. 

Iinom ako ngayon hindi para pagbigyan yung tropa ko kungdi para makapag-isip ako ng maayos. Mga sampung hakbang lang ang layo ko kay France, pareho na kaming papalabas ng gate. 

Gusto ko syang kasabay sa pag-uwi kaya lang ayaw nya. Lalo na siguro ngayon, mas ayaw na nya ko makasabay sa pag-uwi dahil sa ginawa ko.

Pakagago ko kasi!

Patagal ng patagal mas lumalala yung bugso ng damdamin ko. Mas nahihirapan na ko sa pagcontrol sa sarili ko lalo na ngayon na lagi ko sya kasama. Saka mas gusto ko pa rin yung kapag nagtataray sya sakin dahil napapahold back ako. Hindi tulad kanina, ambait nya kaya di ko magawang huminto sa ginagawa ko. Ba't ka ba ganyan France??

At imbes na sampalin nya ko kanina tulad nung ginawa nya dati ay nanahimik lang sya. Pagkatapos nginitian nya pa ko nung huli. Di hamak na mas malaking guilt ang naramdaman ko dahil dun. Ano kayang iniisip nya?? Naguguluhan na ko.

Iniba ko na yung direksyon na tinatahak ko. Punta na ko sa venue ng inuman.

---------

Naparami inom ni Chino, inum lang sya ng inom, ni wala nga syang paki sa kwentuhan nung tatlo. In fact, he's like drinking alone. Parang wala din sya sa sarili ng mga oras na iyon dahil kapag kinakausap sya ng mga ito ay kadalasan ang layo ng sagot nya o di kaya tango lang ang sagot nya kaya sobrang nawiwirduhan sa kanya yung tatlo.  He even yelled out in fury nung lapitan sya nung isang babae na mukhang may type sa kanya. Dahil dun nagpasya na lang ang tropa na umuwi na, marami na rin naman kasi silang nainom that's why they decided to call it a night. At nung naglalakad na sila pauwi ay may hiniling pa sa kanila si Chino.

'Bok, suntukin mo nga ako.'

Napalingon sa kanya yung tatlo at si Bok yung sumagot sa kanya. 'Bakit tol?Ok ka lang ba, kanina pa kami nawiwirduhan sayo.'

'Basta!Suntukin mo na lang ako.'

'Putcha!'sa inis nga ni Bok ay sinuntok sya nito kaya nabuwal sya at duguan yung gilid ng labi pero agad din sya inalalayan ng mga ito.

'Tol sorry, nainis na kasi ako sayo. Saka hiniling mo yan, sorry tol.'

Nakatayo na si Chino at nabawi na yung lakas mula sa pagkabuwal, hawak nya gilid ng labi nya na dumugo at namaga.

'Bok lakas nun a! Salamat.' saka ito ngumiti.

'Haha. Gago ka talaga Chino.' sabi ni Rex.

'Kung may problema ka Chino, nandito lang naman kami at handa kami makinig tol.' usal ni Bok habang piniflex yung mga daliri sa kamay na nasaktan rin dahil sa pagsuntok.

'Parang iba ka naman Chino, ayan ka na naman sa paglilihim mo.' dagdag pa ni Yousefie.

'Hindi mga tol, ok lang ako. Sige mauna na ko.' since nandun na rin naman sila sa baba ng condominium ay nagpaalam na sya sa mga ito.

Obsessive LOVE: DARAGON Fiction(Let's do this!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon