CHAPTER 13

210 7 2
                                    


"Bernadette..." wala na nagawa si Chino ng pumasok na ito sa pad nya.





"Anak, ang tagal mo buksan nung pinto. Ambigat pa naman nitong dala ko." Maamo nitong sabi at nilapag sa couch yung dalawang paperbags of groceries.





Napaawang bibig nya sa di malamang isasagot sa matanda. Saka nya isinara pinto.




Nameywang ito, pagkuwan ay pinunasan ang mga butil ng pawis sa noo gamit ang bandanna na nakaikot sa leeg nya. Pagkatapos ay umikot tingin nito sa paligid. "May kasama ka dito nak? Narinig ko na parang may kausap ka kanina."





Nabigla sya sa tanong nito. "Ammm... Im on the phone a while ago." Sabay turo sa landline sa corner ng sala.





Tumango lang ang matanda.





Ng maisip nyang di nya kailangan magpaliwanag dito. Nagsalubong kilay nya, "What brings you here?!" May pagkasupladong approach nya dito.







Instead na sagutin sya ay kinuha na nito mga pinamiling groceries at tinungo kusina na sinundan nya naman.





"Im asking you Bernadette."






"What a stupid question Chino. I am your tita lola nak. And besides I miss you." She said while putting the item in the pantry, she put the canned goods  in the cupboard.





"Kung ba't kasi kailangan pa humiwalay, tuloy kumuha din ako ng unit dito. Yung bahay naten mabubulok lang dahil sa walang namamahay." Kita ang pagkadismaya sa itsura nito.





"Sinabi ko bang sumunod ka saken? Saka di mo kailangan gawin to. Im old enough to be independent Bernadette." Malamig na sabi ni Chino na may halong pagkairita.





Mula ng mawala parents nya ito na nag-alaga sa kanya dahil ito lang ang nag-iisa nyang kamag-anak na malapit sa kanilang pamilya. Marami gusto kumopkop sa kanya pero si Ms. Bernadette Angkiangco lang ang pinagkatiwalaan ng korte about his custody. Yung iba kasi pera lang nya ang habol, while this old maid is rich enough to care about his inheritance.





Umpisa pa lang ay puro kabutihan na pinakita nito sa kanya at sya lang itong panay ang layo sa matanda. He can't just show love after all the pain have been through. Kaya pinipilit nya na na humiwalay sa pag-aaroga nito sa kanya. Ayaw nya din kasing may nag-uutos sa kung anong mga dapat gawin nya.







"I understand you Chino. Hindi na kita papakialaman. Gusto ko lang na kahit papaano ay updated ako sayo. Na kahit paano ay nakikita kong nasa maayos kang kalagayan. I love you apo." Sinserong sabi nito.





"You will never understand me." Tipid na sagot nya dito. Naaawa sya sa lola nya pero ayaw naman nya na matali ito sa pag-aaroga sa kanya habambuhay, isang bagay na di naman nya ginusto pero kailangan nya gawin. Naaawa lang ito sa kanya.






"Hayaan mong gawin ko to. Gusto kong gawin to anak." Nagsusumamong sabi nito na tila nabasa laman ng isip nya.






Umiwas sya ng tingin at kita nya sa gilid ng paningin nya na naglakad na ito pabalik sa sala. Sumunod na sya dahil mukhang paalis na ito.





"Paano di na rin ako magtatagal, hinatid ko lang yung supplies mo. At saka mukhang ok ka naman dito. When you need me Chino, nasa taas lang ang unit ko." Nakangiti nitong paalam.





BLAGAGSS!!!




Pareho sila nagulat at sabay napalingon sa direksyon ng kwarto. Tumingin sa kanya si Ms. Angkianco na parang nagtatanong.





Obsessive LOVE: DARAGON Fiction(Let's do this!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon