CHAPTER 4

335 8 0
                                    

Natatawa na lang ako sa ginagawa ni Chino. Panay kasi ang pagsuri nya sa lower lip nya na namamaga, habang nasa harap ng salamin. Bagay yan sa kanya ng matuto naman sya.

Buti na lang yung labi ko ok na at di na halata di tulad ng itsura nya parang nakipagcontest sa lovafaluza. haha. Beh buti nga. Beh buti nga. 

Sumandal ako sa head board ng kama at iniunat mga paa ko habang tinitignan ko yung mga toes ko na isinasayaw sayaw ko kasabay ng imaginary music na naririnig ko sa isip ko. Nagpapaantok lang, di pa kasi ako dinadalaw ng antok, saka hinihintay ko pa si Chino na lumabas.

'France, umuulan sa labas, malamig kaya dito ako matutulog.' narinig kong sabi nya pero nasa toes ko yung atensyon ko kaya sinagot ko na lang sya ng wala sa loob.

'Okay...'

'Waaah! Okay? YES!' lumundag sya sa kama kaya nagulantang ako.

Omyghad!!! Did i said ok??!

Nangungulit na naman sya at niyakap ako ng mahigpit. 'Bati na tayo ha. Payakap, ang lamig e.'

'Hoy! Ano ba?! Bitaw nga. Bawal ka dito matulog ok..' binaklas ko yung yakap nya saken.

'Ba't sabi mo kanina okay?'

'Nagkamali lang ako ng sagot.'

Kita ko ginaya nya position ko pati yung paglalaro ko ng mga daliri ko sa paa.

'Ganyan ka naman e, ba't di mo pa aminin na nadulas ka talaga kasi yun naman talaga ang laman ng isip mo.'

'Hindi nu!'

'Sabi mo e..' sabi nya na parang di naniniwala sa sinabi ko. 'Basta dito muna ko. Kahit hindi ako dito matutulog hayaan mo muna ko na mag-stay muna dito. Cuddle muna tayo.' yaya nya na parang kala mo nang-aalok lang na magkape when in fact ay lambingan ang inaalok nya or worse landian.

Napakunot na lang noo ko. I know sinusubukan nya ko itempt.

'Yoko nga, alam mo ba na ang pakikipag-cuddle ay advisable lang for lovers and partners.' mataray na sabi ko.

'Ano naman kong di tayo, e di maging cuddle partners na lang tayo para pwede na.' inamoy nya buhok ko. Eeeww. 

Anti manyak alert!! 

Anti manyak alert!!

'Ano ba?! Layo nga.' inagaw ko sa kanya yung hibla ng hair ko na hawak nya.

'Ayaw mo ba talaga sakin France?' tanong nya saken haba

ng ang atensyon nya ay nasa mga paa namin, idinikit nya kasi paa nya sa paa ko kaya i feel uneasy. Di ko ginagalaw paa ko kasi sa bawat dampi ng mga balat namin ay tila may kakaibang friction na nabubuo. Parang hindi rin ako makahinga.

Ikiniskis nya paa nya sa paa ko kaya mas nanigas ako na parang nastatwa dahil dun.

Pero bigla nya iyon inihinto kaya napalingon ako sa kanya. Dahil kasi sa paghinto nya ay parang nabasag din yung spell na nakakapagpa-stiff saken.

'Gusto mo ituloy ko?' 

Oh my geezz! Pagtingin ko sa kanya ang hot-hot nya lalo na nung tinanung nya ko kung gusto ko daw ituloy...

I feel like smile is about to form in my face kaya mula sa pagkakasandal sa head board ay humiga ako ng patalikod sa kanya to hide my face from him.

Grrr...ano ba to?! Ba't parang kinilig yata ako sa ginawa nya.

Tahimik lang ako at hinihintay kong ano magiging reaction nya sa ikinilos ko. Habang ramdam na ramdam ko na uminit yung mukha ko.

'Talikuran ba naman ako!'  Nagpapakasweet lang naman di pa pinagbigyan. Hmp, matutulog na nga ko sa labas.'

Obsessive LOVE: DARAGON Fiction(Let's do this!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon