CHAPTER 1

685 10 0
                                    

'Hi, ba't mag-isa ka lang?' he approached me while obtaining his signatured cunning smile.

'Ahm, may inaantay lang.' umusog ako ng pagkakaupo sa bench ng tabihan nya ko ng sobrang lapit.

Tinignan nya naman ako ng ginawa ko yun.

Sya si Chino, ilang araw ko na rin syang iniiwasan dahil sa di ko malamang dahilan ay ilang araw na rin syang pasulpot-sulpot bigla sa mga lugar na pinupuntahan ko.

At yung ngiti nyang yun kanina ay tila nagsisindi ng kakaibang kilabot saking katawan.

Kilala kasi sya na babaero sa campus kaya kinakabahan ako kapag nasa paligid ko sya. 

Hindi sa pagiging chizmosa aa..pero ayon sa mga balibalita sa campus lahat ng babaeng napapalapit sa kanya ay nakukuha nya.

'Ang ganda mo pala talaga no.'

Nagulat ako dun sa sinabi nya kaya mula sa pagkakayuko na paraan ko para itago mukha ko bigla ako napatingin sa kanya.

Nakita kong ngumiti sya kaya muli na lang ako yumuko at kunwari inaayos ko yung mga dala kong libro na nakapatong sa lap ko.

'Ang tahimik mo naman, di ka naman ganyan kapag sinisilayan kita sa room nyo.'

Totoo na sinisilayan nya ko kapag nasa classroom lang namin ako, lagi nga e kaya naiilang ako sa kanya. Idagdag pa na di naman kami magkakilala dahil section 35 sya at section 18 naman ako.

Pero hindi ako assuming no, kaya alam ko na ako talaga sinisilip nya dun dahil lagi nya ko nginingitian at minsan kumakaway pa sya.

'Kilala mo na ba ko?'

Umiling lang ako. Ngayon ay di na ko nakayuko pero ganun parin di parin ako makatingin sa kanya.

'Chino Otlanas nga pala ng section 35.' 

Kilala ko naman talaga sya pero sa pangalan lang dahil nga notorious playboy sya sa school. Kahit section 35 sya ay palagi ko parin sya nakikita since lahat ng sections ng 4th year ay nasa isang building lang na halos may anim na palapag. Halos 45 sections kasi lahat ng 4th year, ganun kalaki ang populasyon ng school ko. 

Inilahad nya yung palad nya pero di ko lang pinansin. Bigla ako nagulat ng sya na mismo kumuha sa palad ko.

'Ano pangalan mo miss?' may pagpisil pa syang nalalaman sa kamay ko kayagad ko iyon binawi.

'Francene. Sige mauna na ko.' agad ako tumayo kaya nagkandalaglagan yung mga libro mula sa kandungan ko.

Nakipag-unahan pa sya sa pagpulot nun.

'Ako na magdadala Francene, akala ko may inaantay ka?'

Obsessive LOVE: DARAGON Fiction(Let's do this!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon