Prologue

19 0 0
                                    

 Kung sana lahat may happy ending no. 

 Yung mga hindi nakakaangat ay magkakaroon ng magandang buhay. 

 Makakapag-aral sila sa magandang university. 

Tumigil na yung mga unwanted accidents. 

 Mabawasan yung mga pamilyang naiiwanan ng mga mahal nila sa buhay. 

 Lahat ng mga sawi sa pag ibig ay maging masaya sa piling ng mga mahal nila. 

 Yung mga bagay na gusto mo ay madali mong makukuha. 

Kung ganun lang sana kadali ang buhay. 


 Sabi nila ang swerte ko daw, madaming naiiggit sa pamilya namin kasi asa amin na daw ang lahat. Pero kung ako ang tatanungin niyo? Nakakapagod. Nakakapagod ang buhay ko. 

May hawak ngang malaking kompanya ang pamilya namin pero ayokong magtrabaho dun. Graduate ako ng business administration pero ang totoo ayoko ng course na yun. Kinuha ko lang yun kasi yun ang sabi ng parents ko at ngayon pinapagalitan ako kasi napakauseless ko daw sa pamilya. 

 "Ano bang nakukuha mo sa pagfacebook magdamag. Aba George, hindi na kami bumabata anak. Subukan mo namang tumayo mula dyan sa kama mo." 

 Ganyan naman lagi. Kesyo wala akong ginagawa. Kesyo wala akong naitutulong. Tamad daw ako, blah blah.. 

"Naliligo ka pa ba? Tignan mo nga yang itsura mo sa salamin. Mukha kang pinangtrapo ng makailang beses. Nakikinig ka ba? Akin na nga yang tablet mo!" Inagaw nga niya yung tablet ko kaya dinampot ko na lang yung smartphone sa tabi ng kinahihigaan ko. "Georgina!" singhal nito. "You're hopeless!" 

Mukhang suko na siya. Mabuti naman. Ang totoo hindi maganda sa pakiramdam pag alam kong nagagalit siya ng dahil sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagiging useless kong anak at pati na rin bilang tao. Kung ikukumpara ako sa isang bagay siguro isa akong puppet. Useless until may isang taong manghihila ng mga threads nito. 

Kahit na tutok ako sa pagbukas ng facebook account ko ay ramdam kong hindi pa rin siya nakaalis ng kwarto. Walang imik siyang nakatayo sa tabi ng kama ko. "Kung hindi ka magtatrabaho at tutulong sa kompanya, mas mabuti pang mag-asawa ka na lang." Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon siya. Umismid ito. "Nakuha ko ba ang atensyon mo?" sabi nito habang nakakurus ang mga bisig nito sa tapat ng kanyang dibdib. 


**********


One Fateful DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon