Chapter 1

10 0 0
                                    

"Lahat na ng pagsoul searching ginawa ko na. Nagyoga na rin ako para mahanap ang sagot. Nagmeditate baka sakaling may maisip akong kapakipakinabang. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Hindi tulad ng iba, hindi lovelife ang hanap ko. Career. Believe it or not I don't care about guys. Totoo kasi yung kasabihang pag may problema ka hindi mo na maiisip ang mga ganoong bagay."

"George!" napatunghay ako at nakita ko agad ang nakangiting mukha ni Jackie, bestfriend ko. Sinara ko agad yung laptop at nung makalapit siya sa akin ay nakataas na yung kilay niya.

Hinila niya yung upuan sa harapan ko at nilapag ang violet bag nito sa may round table. "May tinatago ka ba?" tanong nito. Napailig na lang ako ng ulo sa sinabi niya. "Mukha kasing may sinesekreto ka sa akin e." hindi ko pa rin siya sinagot bagkus ay mas inilig ko pa yung ulo ko. "Yung reaction mo kasi nung makita mo ko no!"

"Wala." Tipid kong sagot.

Sinuyod pa nito ng tingin ang mukha ko bago magsalita. Mukhang hindi naniniwala sa sinagot ko. "So ano na. Mabuti naman at lumabas ka na sa lungga mo." irap nito.

Uhh, yeah. After graduation kasi 2 years akong nanatili sa bahay. Nung una ay balak ko lang talagang gawing isang taon ang paglalamyerda ko sa bahay namin kaya lang biglang nawalan ng direksyon yung buhay ko. I mean, nawalan ako ng gana. Nasanay na ata akong walang ginagawa kaya nag-extend ako. Furthermore, hindi ko pa rin alam ang gusto ko. I'm lost.

"Jack pwede ba, hindi ako nakipagkita para asarin mo." tinaas naman nito agad ang dalawang kamay at sumandal sa silya niya. "Chill ka lang sis." sabi nito. Napailing na lang ako.

"Okay ano bang balita? Bat ka napatawag?"

Tumikhim ako sandali bago siya tignan sa mata. Inabot ko ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. "I need help." seryoso kong saad.

Hinablot naman niya agad yung kamay niya mula sa akin at mukhang natatakot. "Huwag ako George. Huwag ako. Iba na lang." pailing iling nitong sabi.

Naguluhan naman ako sa sinagot niya. "Ano bang iniisip mo?"

"Pareho tayong babae, hindi pwede. Balak ko pang magka-anak." napatigil ako saglit at napatulala sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ikaw anong help sinasabi mo?" sabi nito at hawak ang kamay niyang inabot ko kanina sa tapat ng kanyang dibdib.

Bigla kong naalala yung rason ng pagpunta ko dito sa cafe. "I need a career." determinado kong saad.

"C-career??" nakanganga niyang tanong. Tumango ako. "Anong career? Kayo kaya may ari nitong cafe. Madami kayong mga business. Ano pa bang hinahanap mo?" Umiling ako.

"You don't get it."

"Yeah hindi ko nga gets."

"Ayoko ng ganitong business. Heck I don't even know what to do with my life." nanlulumo kong sabi. Tinitigan niya ako na parang sinasabi niyang nababaliw na ako.

"George..." bumuntong hininga ito. Kailangan ko na talaga ng tulong. "...kung wala kang maisip gawin sa buhay mo, "

"Uhuh?" hinihintay ko pa rin yung brilliant plan niya.

"Mag-asawa ka na lang kaya, napakinabangan ka pa."

"Anong ibig mong sabihin dun?" parang naiinis na ako na ano. Ganyan din kasi sinabi ng mama ko.

Ayokong magpakasal. Wala pa akong nagagawa sa buhay ko. Wala pa akong na-accomplish. Wala pa akong nauumpisahan. Getting married is like the end of everything! And I don't want my life to end that way.

One Fateful DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon