I don't know where to start.
"You might want to wear something like this." Ani ko sabay pakita nung isang suit na kinuha ko lamang sa isang stand ng shop kahapon. As in binili ko siya gamit ang sarili kong pera ha. Hindi rin kasi makapal itong asa harapan ko e.
"I know what's running on your mind. I'm gonna pay for whatever you bought with your money. So no need to pull that ugly face of yours."
"Hindi ka rin bwisit no?" I stood tall in front of him. Syempre kasi naman nakaupo siya at ako nakatayo sa harapan niya hawak hawak yung coat na binili ko ng "sarili kong pera". "Aba't dapat lang na bayaran mo yung mga pinapamili ko e ikaw din naman ang gagamit eh!" I exclaimed.
Tumayo siya bigla habang inaayos ang cufflinks ng suot niyang long sleeves. "Is that so?" Maangas niyang tugon.
"Uhuh! E hindi mo pa nga binabayaran ang serbisyo ko e!"
"Woman, I want you to know that I make the rules here. So listen very carefully. One, no questions asked, just follow what I say. Two, you get your salary every month's cut off. Three, just shut it. I don't like people who talk too much."
"Dami mong sinabi, dal---hmm!"
"Thank you!" And then umalis na siya. Ugh! Isang minuto lang na kasama yung lalaking yun pakiramdam ko ay may puputok na ugat sa ulo ko.
Kinuha ko yung siniksik niya sa bibig ko. Yeah! Sinubo niya talaga yung black card niya sa bibig ko.
Napanood ko pa siyang isuot niya yung "binili" kong coat. At titigan ang sarili niya sa salamin. Napansin kong medyo tumaas yung gilid ng labi niya.
Tss. Matutuwa sana ako kung yung gaano ang kinagwapo niya e ganun din ang kinagwapo ng pakikitungo niya sa akin bilang tao man lang. "Gamitin mo yan pag may bibilhin ka." He smirked and walked out.
"Yeah, whatever." I mimicked how he talked and shoved the card in my back pocket.
Kinuha ko na rin yung bag ko at nagmadaling lumabas sa kwarto niya.
As usual iniwan na naman niya ako sa loob ng condo niya para ako na naman yung maglock at maglinis sa kalat niya. Buset na to, kelan pa ko naging tagapulot ng kalat ng ibang tao?
Paano ba kasi nangyari to? Parang nung isang araw lang e, kinikilig pa ako kay Daryl tas ngayon naman naging julalay ako ng Sir Kill na to.
Yeah yung Kill guy na nabuhusan ko "daw" ng black coffee dati sa kalsada? Now, he just hired me.
You've read that alright, as clear as purified water.
Bigla na lang akong nagkarun ng trabaho at hindi ko alam kung paano niya ako napapayag sa ganito.
Can I just make a flashback?
So here it was.
Nagfaflashback din ako nun sa movie watching namin nila Jackie at ni Daryl. Actually matutulog na sana ako nun e. Not until tumunog yung cellphone ko.
Siyempre hindi registered pero sinagot ko pa rin. Ganun ako e, curious din. So pagkasagot ko, biglang sinambit yung buo kong pangalan.
"Georgina Javier, you are being called to report before the CEO of Vizxacci (Vis-kah-tchi) Industries by tomorrow. Show up at exactly 8 in the morning to receive your job offer." Derederetsong saad ng isang lalaki sa kabilang linya at saka na ako binabaan.
Ni hindi man lang ako nakahigop ng hininga habang nagsasalita siya. Hindi rin ako nakaimik.
Ni wala nga akong ideya kung saan or paano ako natawagan para bigyan ng job offer.