Chapter 3

15 0 0
                                        

"500 thousand?" nanlaki ang mga mata ni Jack sa sinabi ko. Kinuwento ko kasi sa kanya yung tungkol sa incident dun sa Kill na yun.

Biruin mo para lang sa damit? Gagastos ng 500 thousand? Oh baka naman kasi sadyang sadista siya at may balak siyang ubusin ang bank account ko o ilubog ako sa utang?

"Hindi ako nainform na may ganun palang klase ng tao. To think na lalaki pa siya tapos ganun na lang gumasta sa damit." napapailing na lang ako.

Ni ako nga hindi ako gumagastos ng ganun kalaking amount sa sarili ko e. "Alam mo George, may mga ganyan talagang klase ng tao. Sila yung mga tinatawag nating filthy rich kagaya ng pamilya niyo." she said matter of factly.

"Pero hindi naman ako ganun a." pagdepensa ko.

"Yeah, I know kaya ka nga pinag-akalaang basahan e. To think na graduate ka din ng fashion."

I just rolled my eyes. Nakalimutan ko na pala yung pangttrip na ginawa ni Jack dati nung college pa kami. Habang nagtitake kasi ako ng business ad ay nagpasa siya ng form sa isang online school. Little did I know na pangalan ko pala ang nilagay niya. Alongside was malaman laman ko na lang na nawawala na pala yung mga sketchbooklets ko sa bahay. Nilagay pala sa portfolio ko.

Sabi niya may talent ako at sayang naman daw kung hindi mahahasa kaya ayun. Napasubo ako ng wala sa oras. Magaling din kasing magpersuade ang babaeng to. "Gamitin mo kasi yung talent mo sa sarili mo. Pwedeng pwede mo kaya yang pagkakitaan." dagdag pa nito.

"Yun na nga e. Bweset yung lalaking yun. How I wish na hindi ko na siya makita kahit kelan! Kung makapanglait akala mo kung sino." Pero hindi naman talaga yung pagkwentuhan ang tungkol dun yung purpose kung bakit ako nakipagkita sa kanya e. Desidido na talaga ako. "Jack, kailangan ko na talaga ng tulong mo. Malapit na matapos ang isang linggo at binantaan na ako ni mama sa una kong blind date. Ayoko makipagblind date!"

"Ano ba kasing masama sa pagsunod sa mama mo? As I see it wala namang masama sa pakikipagblind date, well at least sa part mo kasi sure ka na hindi basta kung sino sino yung mga tatagpuin mo." mahaba nitong litanya.

"Hindi mo naman kasi ako naiintindihan e. Basta ayoko."

"Teka, tibo ka ba?"

"Tibo mo mukha mo. Porke ayaw makipagblind date tibo agad?" napatingin ako sa ibang direksyon. "Hindi pa ko handa sa mga ganyan."

"Seriously, George namumula ka." sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi a!"

"Galing mo din magdeny kahit obvious na." pang-aasar pa nito.

"Ano na nga kasi. Tutulungan mo ba ako o ano?"

"May magagawa pa ba ako?"

"Yun naman pala e. Kung ganun halika na." Tumayo na ako mula sa sahig at hihilahin na sana siya patayo kaya lang iniwas niya yung kamay niya. "Ano??" Akala ko ba tutulungan mo na ko?"

Pinanood ko pa siyang kumuha ng cookies sa lamesita at sumubo doon. "Hindi na natin kelangan umalis. Darating dito yung good luck charm mo." nakangising saad nito?

"Huh?" naguguluhan na ako. Pinuntahan ko pa siya rito sa bahay nila para sunduin kasi may sakit siya. Sakit ng katamaran. Day off kasi niya sa trabaho e. At ang ugali niya pag day off niya ay magnilay nilay sa loob ng kwarto at matulog magdamag.

Narinig kong may maghonk sa labas tas napansin ko na lang na umaliwalas yung mukha ni Jack. "Andyan na siya." pataas taas pa yung kilay niya nung sinabi niya yun.

"You don't mean...." pakiramdam ko nanigas yung buong katawan ko sa kinatatayuan ko. Napaikot ikot yung mata ko, kakahanap ng pwedeng matakbuhan. Para na siguro akong nasapian sa itsura ko tapos ito namang babaeng to sobra kung humagalpak.

One Fateful DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon