May nabunggo pala akong tao. At ayun sa nakikita ko hindi ito maganda dahil tumapon sa suot niyang pink long sleeves yung dark coffee na asa hawak niyang paper cup.
"Ow, sorry!" dali dali kong kinuha yung panyo ko at akmang pupunasan yung damit niya nang hawiin niya ito pabalik.
"Don't touch me! Stupid bitch!" biglang nagpanting yung tenga ko. Tama ba yung narinig ko? Did this dude just call me stupid bitch?
Napapansin kong para na kaming gumagawa ng eksena dito. Yung tipong makikita mo lang sa super cliche novels and movies. Hindi pa ako napahiya sa tanang buhay ko a. Tumunghay ako at tinitigan siya sa mga mata.
E sino mang mapapatingin sa mata nito paniguradong mapapamura rin. Hindi agad mapapansin pero dark blue like sapphire yung kulay ng mga mata niya. Biglang kumunot yung noo nito.
"Bat ka ganyan makatingin?" iniling nito ang ulo as if clearing his thoughts saka tumingin sa relo nito. "Anyway, I'm running late and thanks to you, I got this big mess." naggesture siya dun sa malaking stain sa shirt niya.
Wait, wala naman akong kasalanan e. Bat kasi hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. Nabili niya na ba itong kalsada para umakto ng ganyan? Tsk.
"I'll pay." kinapa ko yung wallet ko sa bulsa.
"H-yeah right." sabi pa nito na mukhang hindi naniniwalang kaya ko siyang bayaran. Just wait until you see my cards. Teka, pwede bang ipambayad sa kanya yung cards ko?
"No time for waiting."
"Te-teka! Huwag ka ngang mangaladkad!" Bweset naman o. Anong trip nito? Balak niya ba akong ipasuplong sa mga pulis? Teka, crime ba ang aksidenteng pagtapon ng kape sa tao? Sinusundan na kami ng tingin dito o.
**
"Anong ginagawa natin dito?" naglibot na lang ako ng mata sa pinasukan namin. Maaliwalas at malawak siya. Obvious na men's wear ang tinda nila dito dahil sa mga nakahanger na longsleeves.
Sa halip na sagutin ako ay nagderederetso siya sa loob. Nagbow sa kanya yung apat na babaeng attendants na sumalubong sa kanya.
"Good morning Mr. Kill."
Kill daw? "Weird name." bulong ko at nang mapansin kong nakatingin siya sa direksyon ko ay napasipol na lang ako at nagpanggap na tumitingin tingin sa mga nakafold na white linen shirts sa isang maliit na cabinet. Taray. Lakas ng pandinig.
May kung anong usual siyang sinabi dun sa mga attendants. Tapos yun mabilis na gumalaw yung mga babae. Lakad dito lakad doon, kuha ng shirts and so on and so forth. Nakakahilo nga sila panoorin. At dahil nahihilo ako ay naupo muna ako.
"Sinong nagsabing umupo ka?" ang talas nitong tumingin sa akin.
"Ako, bakit may angal ka?" irap ko sa kanya. "I'm not working for you kaya huwag kang bossy." I crossed my arms over my chest.
Hindi ako alila na susunod sunod sa mga sinasabi niya kaya huwag siyang mag-inarte dyan. Isa pa, sino bang nagbigay sa kanya ng karapatang sungitan ako? Di ko naman sadya yung incident kanina a.
Hindi siya umimik bagkus ay kinuha na lang yung inabot sa kanya nung isang attendant. Pagkapasok niya sa cubicle ay tinignan ko yung mga attendants. Tahimik silang naghihintay sa labas nung cubicle. Masyadong tahimik. Yung maririnig mo lang e yung background music na classics.
Hindi ko na kaya. "Miss, regular customer niyo?" tanong ko dun sa babaeng malapit sa akin.
"He's a VIP ma'am." englisera ang lola.
"So ganyan talaga ugali niyan?" medyo curious lang. Kung titignan kasi parang pasan niya yung daigdig. Okay lang naman kasi yung mukha niya. Sige na nga magsasabi na ako ng totoo. Gwapings si kuya. Yun nga lang pinapapangit siya nung nakakunot niyang noo. Pati yung simangot niya. Parang may nagsiseesaw na dalawang unggoy sa magkabilang labi niya e.
Hinintay kong sumagot yung babae pero hindi siya nagcomment. Siguro confidential? Haha!
Pwedeng pakibilisan? Nagmumukha akong julalay ditong naghihintay e. Akala mo naman kung babae. Magpapalit lang ng damit e.
Bumukas na nga yung pinto sabay ng paghakbang niya palabas. Inaayos pa yung dulo ng sleeves niya. Mula sa pagkakayuko ay paunti siyang tumingin sa direksyon ko. Sh-t! Tapos biglang kumunot. Sayang okay na sana e. Picture perfect na sana yung scene na yun e.
"Yan na ba kukunin mo? Bayaran ko na." pagkasabi ko nun bigla siyang nagsmirk at ipinamulsa niya yung mga kamay niya sa black slacks niya.
"I doubt it."
"Anong ibig mong sabihin? Akala mo ba hindi ko kayang bayaran yang suot mo?" Naramdaman ko na lang na bigla niyang hinagod ng tingin yung katawan ko. I felt uneasy for a while. Inilagay ko sa harap yung slingbag na pinaglagyan ko ng laptop habang inaayus ko yung salamin ko.
"You don't look like someone who can pay for this kind of clothes. Just look at yourself." Nagulat na lang ako nung hilahin niya ako papasok ng cubicle.
Nakatayo na siya sa likuran ko habang nakapatong ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. Ngayon kitang kita ko yung kabuuan ko sa malaking salamin sa harapan namin.
I was just wearing a pink plaited blouse partnered with an olive baggy shorts at naka rubbershoes lang. Nakatitig siya sa mga mata ko through the big mirror. Medyo nanliliit ako sa kanya dahil sa style ng pagkakatitig niya sa akin.
Tapos nun, naramdaman ko na lang na tumaas yung mga balahibo ko nang magsimula siyang bumulong sa tenga ko. "You're just like a rug princess."
Siniko ko siya para makaalis na sa loob ng cubicle but what caught me by surprise ay nung iharap niya ako at isandig niya ang isang braso sa salamin sa aking likuran.
"Did I break your prescious little jar of feelings?" pang-aasar nito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ako nagrereact ng ganito. Hell! Dahil sa nilait niya ako! Wala pang gumagawa sa akin ng ganun!
Pero hindi lang yun ang ikinagagalit ko. Mas nagagalit ako kasi hindi ko maintindihan kung san nagmumula ito? Pinagsasalitaan niya ba ako ng ganito dahil namantsahan yung shirt niya?
I swallowed an invisible lump in my throat and looked at him straight in the eyes. "Kung nagkakaganito ka dahil sa namantsahan yung damit mo, I said I was sorry at babayaran ko pa nga yang mga pinamili mo. Pero hindi na kailangang humantong sa panglalait mo. Hindi mo ko pinapakain para lait laitin." Tinulak ko siya paalis at nung makalayo na ako sa kanya ay binalikan ko ito ng tingin.
"You look so boring with that outfit. Kasing boring din siguro ng taste mo sa damit yung buhay mo kaya ganyan yung ugali mo." I managed to walk past the rack of clothes pati na rin sa mga ties. Kumuha ako ng ilan na panigurado kong babagay sa kanya.
Tumayo ako sa harapan niya and passed him the clothes. "Try this. Baka sakaling magmukha kang tao kahit malahalimaw yung ugali mo." Kinuha ko yung isa kong calling card at binigay sa kanya.
"You can call this one. I'll send the money to your account." Tatalikod na sana ako pero may nakalimutan akong sabihin kaya binalikan ko siya ng tingin.
"One more thing. You shoudn't judge people by the way they look. You might have lost a diamond while staring at the sand." and with that I walked away.
Kalurkey yung lalaking yun. Nakakadrain siya ng utak infairness.
***
After two days. 5 days remaining.
"Georgina, mind explaining this?" sabi ni mama pagkapasok ng kwarto at inabot sa akin ang isang papel.
It was a money transaction worth, 5OO Thousand!?? Leche, 500k lahat yung pinamili ng gagong yun? Talo pa niya ko magwaldas ng pera a.
"San mo naman ginastos yung pera hmm, anak?" taas kilay nitong tanong sa akin. Ano namang irarason ko dito? "Oo nga pala, five days na lang, isi-set ko na ang first blind date mo. Be ready." kindat nito bago ako iwanan sa kwarto.
Mukhang wala talaga siyang pakialam kung san ko ginastos yung pera. Hindi naman kasi normal sa aking gumastos ng ganun kalaking pera, so hinayaan niya lang ba kasi minsan lang naman? Hmm...
Pero hindi naman yun yung dapat kong pinoproblema e. Kinuha ko yung phone at dinial ang number ni Jack. Ilang rings bago niya sinagot. "Hey Jack, let's meet."
