Chapter 4

12 0 0
                                    

Napatitig ako sa kisame. I was sprawled down on my bed staring at the ceiling. Jusko hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa araw na to. Most especially sa nangyari kanina.

<<<

Dahil maaga pa naman ay inaya ko si Jackie na pumunta sa mall. Kahit saan pa wag lang dito. Sa palagay ko hindi ko na kakayanin pang manatili dito sa bahay kasama ang kuya niya.

Saka umakyat na kanina si Daryl sa kwarto niya. Ayoko namang magtake ng chances wherein asa iisa lang kaming lugar.

Dali dali kong kinuha yung bag ko at hinila si Jack pababa ng hagdan. Medyo nagpumiglas pa nga kasi ano daw ang kinaninerbyos ko. Masyado na daw matagal yung apat na taon kaya bat hindi ko na lang daw kalimutan.

E paano ko naman agad makakalimutan yung the one that got away ko? I mean, tahimik lang naman yung naging buhay ko after niyang umalis. Yun lang, hindi ko pa rin maiwasan na hindi masurpresa. Masurpresa na andito na siya ngayon at naghug pa kami kanina. Hindi ba parang ang weird nun? Hindi ko man lang narinig yung part niya, yung bigla niyang pag-alis at hindi pagcontact sa akin? To think na nagconfess siya nun? Alam niyo yung walang minutong hindi mo nicheck yung phone mo? Kung tumawag ba siya or nagtext man lang? Nakailang check ka na nga ng balance kasi baka nag-iinarte lang yung cell service. Tss.

"San kayo pupunta?" awtomatikong napaangat yung mukha ko sa itaas ng hagdan. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong may bumulong sa akin.

"Naglalaway ka na girl." aniya at napalunok agad ako ng laway.

Putspa na Jack ito. Sarap niya sanang hampasin pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kabuuan ni Daryl. Damp hair, well toned upper body and dang his just wearing a low waisted shorts.

Napakurap ako at sinagot siya. "Mind kung sumama ako?" taas kilay nitong tanong.

"E, hindi ka ba napagod sa biyahe?" Nilingon ko si Jack at pasimple itong binulungan. "Jack do something.." I said with gritted teeth.

"Sure Kuya!" masayang ani nito. Muntik nang sumayad sa sahig ang panga ko sa narinig kong isinagot nito.

"Sige! Saglit lang at magpapalit ako." sabi nito at bumalik ng kwarto.

"Bat yun ang sinabi mo?" pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang siya.

"Ano bang problema dun? Ganito naman lagi ginagawa natin dati a? Isa pa, hindi mo ba siya namiss?"

"Dati yun, iba na yung panahon ngayon. We're..." napatigil ako para makapag-isip ng tamang term. "We've grown apart."

"Grown nga ba?" tingin nito mula ulo gang paa ko. Aba't may gana pa talagang mang-asar ang loka lokang to!

"Ano? Let's go?" napalingon ako sa likuran namin and I almost gaped at him. Hanggang kailan ba ako maninibago sa itsura ng lalaking to? Kung bat kasi. Hindi ko alam na pupwede palang magbago ng ganito kalaki ang itsura ng isang tao. Apat na taon lang yun hindi ba?

"T-tara.." I smiled nagulat na lang ako nang ipatong nito ang kamay sa may balikat ko. Sinubukan kong huwag manigas sa kinatatayuan ko.

Ano bang gusto niyang palabasin? Wala lang ba sa kanya yung nangyari noon, o sobra lang ako mag-isip ng mga bagay bagay? Ganun lang ba talaga ako mag-assume na malaki ang pinagbago sa pagitan namin where in fact, for him, para na rin lang akong nakababatang kapatid?

I tried not to flinch on his touch. Hindi rin naman nagtagal yung kamay niya sa balikat ko.

"Bat ako yung asa harapan?" tanong ko nang makasakay na kami ng kotse. Katabi ko si Daryl samantala, nakaupo naman sa likod si Jackie.

"Ayaw kasi kitang katabi." tawa ni Jack at ngumiti lang si Daryl habang naiiling. Pinagtutulungan ba ako ng dalawang to? Tss.

Nung makarating na kami sa mall, nag-ayang manood ng sine si Jackie. Siya na yung pumila sa ticket booth at kami na lang daw ng kuya niya yung bumili ng makakain.

"So, kumusta na ba ang isang Georgina Javier?" Daryl held his head up high before facing me. Asa pinakadulo pa kami ng pila. "Sa tingin ko ginugroom ka na ng papa mo para maging ceo ng kompanya niyo." natulala ako sa mukha nito.

Yun ba talaga ang iniisip niya? Well, hindi ko naman siya masisi. I'm the only daughter after all. Umiling ako. "Wala naman akong ginagawa sa buhay ko. I've been stagnant for the past two years after graduation." pinanatili ko yung tingin sa harapan. Matapos nun ay hindi na siya nagsalita pang muli.

Matapos naming bumili ay pinuntahan na namin si Jack sa harap ng cinema. "Anong binili mong tickets?" tanong ko rito pero ang nangyari, derederetso siyang naglakad tas malaman laman ko lang, "The Break Up Playlist?" 'What the!?' I almost wanted to add.

Lumingon ito sa amin. "Baaaakit? May problemaaaa?" yung itsura niya parang nananakot na ewan. Ewan ko ba, mukhang may mangyayaring hindi maganda pag pumalag pa ako kaya sumunod na lang ako sa gusto niya.

Pero pati din ba sa seating arrangement siya pa rin ang masusunod? Ang nangyari kasi asa gitna namin si Daryl, so in short, tatameme ako buong span ng movie dahil wala naman akong Jackie na makakausap.

Hindi ko magawang kiligin habang nanonood ng movie. Once in a while kasi ay sumusulyap ako sa katabi ko. Napako lang ang mga mata nito sa harapan habang kumakain ng pop corn. Yun nga lang hindi ko magawang hindi mapansin ang mga obvious na signal na ginagawa ni Jack sa kabila.

'GO!' buka ng bibig niya na walang lumalabas na boses. Tinuro niya ang kuya niya at inakap ang kanyang sarili. Tinuro turo pa yung screen sa harapan. Napatingin ako roon at nakaakap si Sarah kay Piolo. Tinaasan ko siya ng kilay. Do you expect me to do the same? Yun ang gusto ko sanang sabihin sa kanya. Baliw na talaga ito. Hindi ko naman yun pupwedeng gawin ng walang dahilan. Ano to mananantsing ako? Pshh.

Bumalik ako sa pagkakasandal sa sarili kong upuan at sinubukang idigest yung pinapanood namin na hindi ko naman naiintindihan. Yun ding oras na yun ay eksaktong may nag-occupy sa katabi kong upuan. Napatitig ako roon at dalawang magnobyo pala.

Hindi pa man nag-iinit yung mata ko sa panonood ay nakaramdam na ako ng kung ano sa may kaliwa ko until makarinig ako ng mga mahihina at putol putol na ungol. Natahimik ako sa kinauupuan ko ng ilang sandali. Ano bang...

"Uhh" napabawi ako ng lingon mula sa pagsilip ko sa kaliwa. Naramdaman kong umumpog ang kalahati ng katawan ko sa isang matigas at mainit na bagay habang may nakatakip sa aking mga mata. Pinilit ko iyong tanggalin at ibalik ang paningin sa aking kaliwa ng humigpit ang kagkakatakip dito.

"Huwag mo nang tignan." rinig kong bulong nito. Hindi lingid sa aking kaalaman na boses iyon ni Daryl. Bigla na lang dumagundong ang pintig ng puso ko hanggang sa maramdaman kong manuyo ang aking bibig.

Tumango ako at unti unting lumuwag ang kamay nito sa aking mata. Yun ding yun ay agad kong binawi ang katawan ko mula sa pagkakasandal sa kanya ngunit laking gulat ko na lang ng hindi pa ako nakakalayo ay kabigin ako nito pabalik. Hindi ko alam kung titingalain ko ang mukha nito. Nakakanerbyos na nakakatuwa. Nagpapasalamat na lang ako dahil sa madilim ang paligid dahil kung hindi ay baka matunaw na ako sa kahihiyan dito.

Napagpasyahan kong tignan ang ekspresyon ng mukha nito. Naguguluhan ako sa posisyon namin ngayon. Simula nung kabigin niya ito at akbayan ako ay wala nang ibang lumabas sa bibig nito. Daryl.. Ano ba talaga?

Pagkatingala ko ay tuwid lang ang pagkakatitig nito sa harapan. Siguro gawa lang ito ng matagal na pagkakaibigan. Pero hindi ko mapigilang isipin na baka meron pang mas higit dun.

>>>

Tinapat ko ang kamay sa kaliwang dibdib at kumanta ng lupang hinirang. Di joke lang. Haha.

Habang iniisip ko ang mga nangyari kanina ay hindi ko na makontrol ang puso ko. Para itong nagwawala sa hindi malamang dahilan. Pero hindi ko mapigilang maguluhan sa mga nangyayari. Makatulog na nga lang! Dahil sa mga nangyari sa araw na to, nakalimutan ko na namang naghahanap pala ako ng trabaho!

One Fateful DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon