8. Tula Para sa Kanya
Bakit hanggang ngayon
Ay mahal pa rin kita
Kahit alam ko sa sarili ko
Na hindi mo na ako mahal?Bakit hanggang ngayon
Ay ikaw pa rin, sinta
Kahit iniwan mo na ako
Lumuluhang mag-isa?Sinabi ko sa puso't isipan ko
Na mamahalin pa rin kita
Hanggang sa dumating ang panahon
Ang mahal mo ay iba na.Ngunit ngayo'y napagtanto ko
Kailangan na kitang pakawalan
Dahil pinagtagpo lang naman tayo
At hindi itinadhana.
BINABASA MO ANG
From My Purple Soul (Book 2: Filipino Poems) ✓
Poesie★ COMPLETE ★ I've got those fictions, inside my head I've got those feelings, inside my heart And I've got that aura inside my body... Here's the collection of the free-verse Filipino poems created from my purple soul... ✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦ Purp...