11. Mag-isa sa Huli
Gabi na naman
At dilat pa rin ang mga mata
Iniisip ko kung masaya ka na
Sa lugar na kung saan nandodoon ka.Inaalala ko ang lahat
Habang tayo'y magkasama pa
At ngayo'y hinihiling ko kay Bathala
Na kung sana ibalik ako sa nakaraan.Simula noong iniwan mo ako,
Ikaw lang ang laman ng puso't isipan ko
Pero napagtanto ko ngayon
Kahibangan na itong ginagawa ko.Kaya tumingala ako sa langit
Habang kumikislap ang mga bituin
At sinabi sa aking sarili:
"Ako pa rin talaga ang mag-isa, hanggang sa huli."
BINABASA MO ANG
From My Purple Soul (Book 2: Filipino Poems) ✓
Poesía★ COMPLETE ★ I've got those fictions, inside my head I've got those feelings, inside my heart And I've got that aura inside my body... Here's the collection of the free-verse Filipino poems created from my purple soul... ✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦ Purp...