7. Nalilito
Tama pa ba itong ginagawa ko
Na ang minamahal ko ay dalawang tao?
'Di ba mawari kung sino sa dalawang iyon
Ang talagang pipiliin ko sa dulo.Ang isa ay malayo sa piling ko,
Madalang lang makita ang mukha niyang maamo
Madalang lang din makita ang ngiti niyang nakakaloko
Ngunit kahit na ganoo'y mahal na mahal ko.Habang malayo ang isa'y dumating naman ang pangalawa
Maamo rin naman ang kanyang mukha
Sa tuwing tititig siya sa akin ay bigla na lang mamumula
Nakakapagtaka, pero hinayaan ko na lang muna.Hanggang sa dumating ang panahon na ako'y nalito na
'Di ba mawari kung sino ba talaga sa kanilang dalawa
Tuluyan nang nagulo ang puso't isipan
Napayuko na lamang ako sa sulok at tahimik na umiyak.
BINABASA MO ANG
From My Purple Soul (Book 2: Filipino Poems) ✓
Poetry★ COMPLETE ★ I've got those fictions, inside my head I've got those feelings, inside my heart And I've got that aura inside my body... Here's the collection of the free-verse Filipino poems created from my purple soul... ✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦ Purp...