Hospital

752 13 1
                                    

Pa-gising ko, naligo agad ako. Di muna ako papasok. Pupunta muna ako sa hospital. Grabe halos di ako nkatulog kakaalala kay Kim. Ano kaya nangyari sakanya? :( Tinawagan ko si kim pero mommy nya ulit sumagot.

Carmela: Hello po?

Kim's mom: Hello?

Carmela: Si Carmela po ito. On the way na po ako jan.

Kim's mom: Sige mag iingat ka.

@HOSPITAL

Carmela: Miss, anong room po si Kim Fajardo?

Girl: Room 16 po. 2nd flr.

Carmela: Thank you

Grabe kinakabahan ako ugh. Parang nanghihina ako. Ay ewan. Papasok na dapat ako kaso napahinto ako nung nakita ko si Kim na naka confine. Parang ayoko na pero nandito na ako eh. Tinuloy ko na.

Carmela: Tita. Ako po si Carmela.

Kim's mom: Ay halika dito. Upo ka.

Carmela: Ano po nangyari kay Kim?

Kim's mom: Nung tuesday nangyari lahat.

Tuesday kami huling nagkita ni Kim. Umuulan pa nga nun eh.

Carmela: Ano po nangyari?

Kim's mom: Nabangga siya ng kotse. Sabi ng mga nakakita, papatawid na daw siya tapos biglang may kaskaserong driver na dumaan at nahagip siya. 

Habang kinikwento yon ng mommy ni Kim hindi ko napigilan umiyak.

Kim's mom: Sabi ng doctor pwedeng wala na siyang maalala pagkagising nya..lahat ng memorya sa utak nya pwede mabura at pwedeng ma-comatose. Kaya nagdadasal ako na wag mangyari yun.

Wala akong masabi sa mommy ni kim. Iyak lang ako ng iyak. Bakit kelangan mangyari pa yun? Iniwan muna kami ng mommy ni Kim. Sabi nya may pupuntahan daw muna siya. Kinausap ko si Kim kahit alam kong di nya ko sasagutin.

Carmela: Kim, wag mo akong kakalimutan ha? Gumising ka na jan please. Aantayin kita. 

Hinawakan ko yung kamay ni Kim..niyakap ko sya. Umiiyak pa din ako. Hindi ko alam kung bakit parang nadudurog yung puso ko. Hindi ko talaga alam..naguguluhan ako.

Nakita ko yung phone ni Kim kaya pinakailaman ko. Pagbukas ko, nakita ko yung muka ko habang natutulog. Nagulat ako siyempre. San nya kya yun nakuha? Ah nung first day siguro! Nag-browse ako sa gallery ng phone nya. Nakita ko puro pictures ko. May side view, back view, front view. Lahat stolen. Kaasar ang pangit ko sa iba. Pero habang tinitignan ko yun, napapangiti ako ewan ko kung bakit. Nagpunta naman ako sa messages. Grabe 'tong ginagawa ko. Dami nyang messages. Pero sakin yata pinakamadami. Habang nagbabasa ako ng messages biglang napunta sa Drafts. Ewan ko kung pano ng yari. May napindot yata ako. May isang message sa drafts nya. Binasa ko parehas.

TO Carmela

Hello Mela. Masaya ako na kaibigan kita at part ka ng buhay ko. :) Ikaw ba, masaya ka ba na nakilala mo ako? Hindi ko alam kung bakit pag mag-kasama tayo supeeeeerr saya ko. Sa araw araw natin na pag sasama sa school parang lalo akong nagiging interesado sayo. Ang ganda mo, ang cute mo, matalino ka, mabait ka. Halos lahat na nasayo. Kaya ayun, naging crush kita. Nung una talaga crush lang eh pero nung tumagal..ewan. Love na yata tong nararamdaman ko para sayo pero mali eh tsaka imposible namang maramdaman mo rin yung nararamdaman ko para sayo. Lagi kitang pinipictureran ng stolen kapag magkakasama tayo nila Jessey. Lagi akong nagpapapansin sayo kahit di mo ako pinapansin at minsan sinusungitan mo ako. Tuwing ngumingiti ka, bumibilis tibok ng puso ko. Pag masaya ko masaya din ako. I always care for you. Hindi ko na talaga kaya itago yung nararamdaman ko para sayo nahihirapan na ko magpanggap pag kasama kita kaya medyo umiiwas na ako sayo. Buti nalang anjan si Jessey para pasayahin ka. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko matatago 'tong nararamdaman ko para sayo pero habang maaga pa, susubukan ko ng baguhin 'tong nararamdaman ko. Sana pag nagmahal ka, piliin mo yung magpapasaya sayo ng sobra. Dapat yung di ka sasaktan. Dapat yung mamahalin ka higit pa sa pagmamahal ko sayo. I love you, Mela. Sobrang mahal kita. Hindi ako nakakareply sa text mo kasi sinusubukan talaga kita iwasan. Pero di ko kaya. Mahal talaga kita. Sana wag magbago pakikitungo mo sakin pag nalaman mo 'to. I love you so much :'( 

Habang binabasa ko yung confession message nya dapat sakin..naiyak ako. Bigla akong naguluhan. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit ganito. Mahal nya pala ako. Bakit hindi ko nahalata na gusto nya ako? Bakit hindi nya sinabi sakin agad?

Carmela: Kim..bakit di mo sinabi sakin? Gumising ka please. May sasabihin ako sayo..

Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Hawak ko lang yung kamay ni Kim..

Kim's mom: Anak, gising na. Kumain ka na. Salamat sa pagbabantay kay Kim..

Carmela: Hindi na po ako kakain. Gabi na po pala.

Bumulong ako kay Kim.

Carmela: Kim, babalik ako. Di kita iiwan. Babantayan kita araw araw. After school pupunta agad ako dito promise. Hanggang magising ka..

Carmela: Tita salamat po. Una na po ako.

Habang pauwi na ako hanggang sa bahay, hindi mawala sa isip ko yung message ni Kim. Hanggang pagtulog..hindi mawala sa isip ko yun at iniisip ko kung kelan siya gigising. Hindi ko alam parang mahal ko din yata siya. Ewan ko ba.

Why did I fall in love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon