Habang hinahatid nya ko pauwi, nagkwentuhan kami tapos may binigay siya sakin.
Kim: Nag enjoy ka ba? :)
Carmela: Hindi.
Kim: Weh? :(
Carmela: Joke lang! Siyempre naman!
Kim: Bukas ulit?
Carmela: Wag naman. Next week nalang :)
Kim: Hmm, sige sige.
Kim: Mela ^_^
Carmela: Oh?
Kim: Isuot mo lang 'tong bracelet na to ah. Ako gumawa nyan. :) Simple lang yan pero full of effort :p
Carmela: Uhh, ang sweet naman! Sige, isusuot ko lagi to :)
Kim: Wag mo huhubarin ah! Hubarin mo lang yan pag dumating yung araw na di mo na ko mahal.
Carmela: Grabe ka naman, yan agad iniisip mo.
Kim: Tingin mo ba dadating yung araw na 'yun?
Carmela: Hindi ko alam.
Nung malapit na kami sa condo, bigla ba namang umulan ng malakas.
Kim: Umuulan yata?
Carmela: Bilisan natin!
Pagdating namin dun sa tapat ng Condo, basang basa na kami.
Kim: O pano ba yan, uwi na ko baby ko :)
Carmela: Huh? Umuulan pa oh tska basang basa ka.
Kim: Okay lang, okay lang.
Carmela: Tara sumama ka muna sakin sa loob.
Kim: Hindi na. Uwi na ko. Late na din oh.
Carmela: Tara na.
Kim: Ehh..
Hinatak ko siya papunta dun sa unit namin.
Carmela: Oh, pasok na.
Kim: Wala kang kasama?
Carmela: Wala :)
Kim: Wawa ka naman!
Carmela: Halika dito, magpunas ka baka magkasakit ka nanaman!
Kim: Opo senyora!
Nandun lang si Kim, nakatayo. Nagpupunas ng buhok. Dinalan ko siya ng damit pero di nya tinanggap.
Carmela: O eto. Magpalit ka muna dun sa cr.
Kim: Di ko na kelangan nyan. Ibalik mo na lang yung jacket at payong ko
Carmela: Ay oo nga, wait lang kukunin ko.
Carmela: Oh eto na. :) Mabango yan.
Kim: Salamat.
Hinawakan nya yung kamay ko tapos may tinanung siya.
Kim: Mela, ano ba nagustuhan mo sakin?
Carmela: Ha?
