CHAPTER 2

619 14 0
                                    

First day of school

Kathryn's POV

Pumasok na yung bagong teacher. Napangiti ako ng napakaluwag. Magiging masaya ang school year ko ha? Paano ba naman, yung lagi akong sinusungitan na bakla ang adviser ko. HAHA natuwa ako kasi may kasabatan ako. Ang saya kaya.

Napatingin siya sa gawi ko. Kumunot agad ang noo niya. Pinipilit kong huwag tumawa. Ung muka niya kasi nakakatawa HAHA Mukang clown

"Good Morning cla---"di niya na natuloy dahil may biglang pumasok sa classroom. O.O yung mayabang na lalake!

Gulo gulo ung buhok niya at pinag papawisan. Pero... bat ang hot niya?

Ano ba yan Kath! Kung anu-anong iniisip!

Narinig kong mga bulungbulungan. Malamang ung mahaharot kong kaklaseng mga babae nag papachix para kay yabang -.- tss. Ako di na kaylangan kasi maganda na talaga ako.

"Yummy " itong haliparot na baklang teacher ko naman nakikilandi din! Kala niya di ko narinig sinabi niya? Atsaka anong yummy diyan eh puno na ng pawis! Eeww.

"sorry sir. I'm late " muntik na akong matawa sa tawag niya kay Bakla. Ayaw na ayaw niya kasing matawag na sir feeler kaya yan, gusto niya miss.

"O-okay lang. Upo ka na" tignan mo to! Ang harot! Pag sa lalake talaga ang bait bait niya, samantalang pag ako nalelate dati halos pumutok ung ear drums ko.

Nilibot naman ni yabang ung mata niya. Napastop siya sa gawi ko. Nag smirk siya. Anong ibig sabihin nun?!

Lumapit siya saakin at tinanggal ung bag ko at nilagay sa floor at umupo. O.O

"HOY! BAT KA UMUPO SA UPUAN NG BAG KO?! sigaw ko. Napatingin naman ung iba kong kaklase

"Bakit, nag-aaral ba yang bag mo?" Sagot niya. Namula naman ako sa hiya. Ung ibang babae naman chismisan

"buti nga sayo! Haha"

"Kala mo kasi reyna!"

"Basag ka tuloy!"

Narinig kong chismisan ng mga babae sa harap ko. Tinignan ko sila at napaiwas naman sila ng tingin.

"kung pag uusapan niyo rin naman ako pwede pakihinaan.Pahalata masyado! " masungit ko sigaw sakanila

Umupo na ako ng maayos. Buti naman at di narinig ni bakla sigaw ko.

"Maldita ka pala " bulong ng katabi ko saakin.

"paki mo ba?!"sinungitan ko siya at tumingin na sa blackboard

So bale ganto ung seating arrangement namin

JULIA-AKO-DANIEL (Na dapat para sa bag ko)

Diba nakakainis. Katabi ko pa yang si Yabang!

"Dahil 1st day ng klase, mag papakilala muna kayo isa isa." Bakla

"aahhh" reklamo namin. Pakilala nanaman, daming alam -.-

Nag start sa unahan hanggang si Julia na. Tumayo siya. Buti na nga lang at hindi pupunta sa harap!

"Hi classmates..I'm Julia Montes." bagot na sabi ni Julia. Pareho talaga kami ni Juls sa mga ganto

Then ako na. "Kathryn Bernardo. Ang pinaka diyosa dito sa Bernardo University " sabi ko na parang sa pageant. Nag hiyawan naman yung mga lalake.

Umupo na ako. Si Yabang na

"Hello. Ako si Daniel Padilla. New student lang ako kaya sana maging kaibigan ko kayong lahat" sabi niya at nag smile. Syempre ung mga mahaharot kong kaklase nag hiyawan. Maliban saamin ni Julia. Pero parang namumula siya.. ewan -.-

Naku, ano bang nakita nila sakanya?! Panget naman -.-

.......

Salamat at Lunch na!! Lumabas agad ako sa classroom. So, Daniel Padilla pala pangalan ni yabang ha! Parang familiar.

"uhy sabay tayo mag lunch"

" AY DANIEL PADILLA!!" napasigaw ako sa gulat. Nakita kong naka ngiting aso si Daniel saakin.

"BAT MO KO GINULAT?!" sigaw ko habang hawak dibdib ko

Pero di niya pinansin ung sinabi ko

"pati ba naman pag nagugulat ka binabanggit mo pangalan ko? Crush mo ata ako eh" mapangasar na sabi niya. OO NGA NOH?! Sinabi ko Daniel Padilla! Tanga Kathryn! Tanga! Ilang beses na ba akong napahiya sakanya? >...<

"w-wala kaya a-akong sinabi!"pag palusot ko. Nag iwas ako ng tingin sakanya.

"okay" natatawang sabi niya. Issh!

Nauna na akong mag lakad. Bahala siya diyan!

Umupo ako sa table namin ni Julia. Oo, NAMIN. Bukod sa pagiging sikat ko, anak rin ako ng may-ari ng school na to. Kaya nga B.U diba? Bernardo University.

"oh? Bat namumula ka?" sabi ni Juls nung naka upo na ako sa harap niya

"a-ahh.. kasi maiinit! Oo un! Maiinit!" pag palusot ko. Mukang tumalab naman

"alam mo ba ung kinekwento ko sayo na crush ko sa taga ibang school? Nakita ko na!"kinikilig na sabi niya. Hmmm.

"Ngayon ko nga lang nalaman pangalan niya kasi dito na siya nag aaral!!" sabi niya. Madaming nag transfer dito na lalakeng students na taga ibang school, baka isa sakanila? Hmm..

"ano bang pangalan niya?" tanong ko . Nacucuruious na kasi ako kung sinong crush niya. Di naman niya sinasabi saakin kung sino at di siya nag papakita ng picture.

"secret muna Haha"sabi niya. Hmmmpp. Dami niyang alam!

Lumamon na kami habang nag kwekwentuhan.

*SPLASH*

Nanigas ako sa kinakaupuan ko. Nabuhusan ako. NABUHUSAN AKO!

Tinignan ko ung babaeng nakabuhos saakin. Sino pa ba? Edi ung sobrang inggit saakin na si Liza Soberano.

"oops! Sorry! Di ko sinasadya!" nag sorry siya pero halatang PEKE. Tumayo ako sa upuan ko. Andaming nakatingin saamin.

"Kung akala mo napahiya mo na ako nag kakamali ka. Yun lang naman ang gusto mo diba? Ang mapahiya ako. Bakit? Kasi naiinggit ka saakin. Naiinggit ka saakin kasi mas angat ako sayo " kalmado kong sabi pero madiin.

Namula naman siya. "Oh sinong napahiya ngayon? Diba ikaw. Wag na wag mo kong babanggain Liza" sabi ko at kinuha ung cake na kinakain ko kanina at nilagay sa muka niyang pangit. Mukang nagulat siya sa ginawa ko.

Mukang paiyak na siya "Tara na nga!" naiiyak na utos niya sa alipores niyang walang ginawa kundi panuorin kami.

Nag apir kami ni Juls. "Galing mo talaga Kath! Kahit di na kita tulungan!"sabi niya.

Nagulat ako nung may umupo sa tabi ko at inakbayan ako.

What the?!

*END OF CHAPTER 2*

Vote and comment po sana kayo

IT'S DESTINY (KATHNIEL) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon