CHAPTER 30

293 7 0
                                    

Prom

Kath's POV

Di ako makapaniwala... Prom na !! Gasshh

Sa ngayon ay minamake-upan ako ng make-up artist ko habang katext ko si Julia.

Julia:
Hi kath :)

Nagulat ako dahil may smiley siya. Dati kasi ang cold cold niya na saakin, pero ngayon mag balik ang dating julia.

Me:
Hello :) Naka ayos ka na ba?

Juls:
Yep. Nakasakay na ako sa kotse namin. Ikaw ba?

Ngayon na lang ulit kami nag katext ni Julia

Me:
Minamake-upan palang ako.

Juls
Kita tayo mamaya pagkatapos ng prom hah.

Me:
Sige :)

Hindi na siya nag reply muli kaya tinago ko na ung phone ko.

"Ayan! Grabe teh! Ang ganda mo. Kaloka!"sabi ng bading na make-up artist ko.

Tapos na pala. Pumunta ako sa dressing room at nag bihis ng gown ko. (Sa pic po)

Lumabas na ako at pumunta sa salamin. Nagulat ako dahil ang ganda ko. Alam kong dati pa ako maganda, pero ngayon mas lalo dahil may make-up.

Maganda ang pagkatali sa buhok ko.

"Oh diba! Ang ganda teh!" sabi niya. Napangiti ako.

Sumakay na ako sa kotse at pinag drive ako papunta sa place kung saan magaganap ang prom.

...
Bumaba na ako sa koste at nakita ko si Daniel na nag hihinatay saakin. Anak ng gwapo naman oh! Ang gwapoo niya soobrraaaaaa..

Napansin kong ang daming nakatingin sakanya na babae

"Hala ang gwapo ni kuya!!"

"oo nga! Ang sarap iuwi sa bahay!"

"Pero sino yung kasama niyang babae?"

"ewan ko. Baka kapatid niya"

Wtf?! Kapatid?! Ang sarap sabunutan nung babaeng yun!

Lumapit saakin si Daniel at hinalikan ako sa pisnge

"Ang ganda mo babe"sabi niya

"Alam ko, dati pa. BABE"diniinan ko ung babe para marinig nung mga babaeng un. Kapatid pala huh

"Hala teh. Di niya ata kapatid"

"oo nga. Mag on ata"

"Sayang naman"

"Mas maganda naman ako sa babae noh!"

Ang kapal ng mukha! Nilingon ko sila at inirapan

"Hoy. Ang kapal ng mukha mong sabihin na mas maganda ka saakin. Wow ha! Parang cinocompare mo unggoy at diyosa! Tse! Layas kayo bago ko pa masira yang muka niyo!' galit na sigaw ko.

Mukang natakot naman kaya umalis sila.

"Beast mode"natatawang sabi ni Daniel.

"Tse"inirapan ko siya. Hinawakan niya kamay ko

"Wag ka ng mag selos dun. Mas maganda kanaman dun."sabi niya

Kilig naman lola niyo :"">

Pumasok na kami sa loob. Nung nakita ko ung pagkain, kumulo agad ang tiyan ko

....

Sinayaw ako ni Daniel.

"Mahal kita" sabi niya bigla.

Ngumiti ako "Alam ko. Mahal rin kita" sabi ko at hinalikan siya.

Julia's POV

Napangiti ako nung nakita kong masaya si Kathryn kay Daniel. Oo, tanggap ko na. Napakasama ko dahil mas pipiliin ko pa si Daniel kaysa sa kaibigan ko.

Makikipag kita ako mamaya sakanya dahil sasabihin kong may gusto ako kay Daniel. Mag sosorry na rin ako dahil naging masama ako sakanya dati.

"Hi miss. Wanna dance?" sabi nung lalakemg nasa harapan ko. May itsura siya. Pero nung namukhaan ko kung sino yun sinampal ko siya.

"Bat ka pa bumalik dito Enrique?! Nag pakita ka ba kay Kathryn?! "galit kong sabi sakanya.

"I'm sorry sa nagawa ko sa bestfriend mo. Wag kang mag alala, napatawad niya na ako. At tanggap ko na na mahal niya si Daniel. Pero pag sinaktan niya ulit si Kathryn, aagawin ko siya"deretsyahan na sabi niya.

"Tss. Wala ka nang pag-asa noh. Hinding hindi sasaktan ni Daniel si Kathryn katulad ng ginawa mo sakanya dati!"sabi ko.

"grabe ka naman magalit saakin. Parang ikaw naman ang niloko ko" sabi niya sabay smirk

"Duh! Malamang bestfriend ko siya! Anong gusto mo, happy ako na nasaktan siya dahil sayo?! Tss"sabi ko.

"Haha ang cute mo palang magalit."sabi niya, inirapan ko siya.

"Pwede ba kitang masayaw, binibini?" sabi niya at nag lahad ng kamay

"Corny mo"sabi ko at tinanggap rin ang kamay niya.

*END OF CHAPTER 30

JulQuen oh haha. Last ko na tong UD for today :)) marami pong typo or wrong grammar ✌

IT'S DESTINY (KATHNIEL) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon