CHAPTER 8

351 11 0
                                    

Letter And Bear

Kathryn's POV

"sino bang nag sabing hindi kita gusto?" sabi niya na nag pagulat saakin.

*DUG DUG**DUG DUG*

Shit eto nanaman ang puso ko!

"s-so... that means G-gusto mo ako?" nauutal kong tanong sakanya.

Ngumiti siya saakin. "Oo Gusto kita. Noon pa kaya nga lagi kitang nilalapitan. Kasi gusto kita Kathryn" sabi niya ng seryoso

Hindi ko alam pero may nararamdaman akong paru-paro sa tiyan ko. Bakit?!

"Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita araw-araw"sabi niya at ngumiti

"pero sabi mo friends tayo"sabi ko.

"oo nga. Pero balang araw mapapalitan din yang friends na yan pag sinagot mo na ako"sabi niya. Hanggang ngayon nagugulhan pa rin ako.

Lumapit siya saakin "Kaya kong hintayin ang matamis mong oo"sabi niya. Parang dati lang nakokornihan ako sa mga manliligaw ko pag sinasabi nila saakin yan. Pero bakit pag si Daniel........... May nararamdaman akong kakaiba

Nagulat ako nang halikan niya ako sa noo ko. "Good night"sabi niya at umalis na.

Pero bago siya umalis may binulong siya na hindi ko na rinig

"Sorry asdfghjkl"

.....

Kanina pa ako Pagulong gulong dito sa kama. Putragis naman kasi! Hindi parin mawala sa isipan ko yung mga sinabi ni Daniel saakin!

Bat ba ko nag kakaganto?!

Kinabukasan, nagising ako ng late. Yan tuloy nalate ako sa klase ni Bakla. Buti nalang at late din siya HAHA

Uupo na sana ako sa upuan ko nang may nakita akong teddy bear sa upuan ko at bulaklak na may letter. Nakita ko si Julia na naiiyak. Anyare dun?

Kinuha ko ung bear at bulaklak. Sa bulaklak may nakita akong letter

Dear Soon To Be Padilla,

Dahil nga sabi ko sayo kagabi na gusto kita at liligawan kita. Ito na! Haha sana magustuhan mo ung teddy bear na binili ko. Mag sisilbing anak anakan natin ha? Meron rin kasi akong teddy bear na ganyan. Pareho tayo. Tutal bawal pa naman ang totoong baby yan muna Haha

Love,
Daniel Padilla Pogi

Nang nabasa ko ung letter natawa ako. Manyak talaga yun!Anak agad?!  Haha. Pero nakita ko si Julia na umiiyak na! Hala anyare?!

"Juls? Okay ka lang?"pag papatahan ko sakanya.

"o-okay lang"sabi niya at pilit na ngumiti. Hay.. anong nangyayare kay Juls?

Nang tumahan na si Julia kakaiyak, saktong dumating na si Daniel. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Napansin kong nakakunot ang noo ni Julia. Nagugulhan na ako sakanya ha!

Inalis ko yung pagkaakbay niya saakin. Dumadamoves agad eh.

Julia's POV

Nag lalakad ako papunta sa classroom. Pagkapasok ko may nakita akong teddy bear at flower sa upuan ni Kath. Hmmm..

Hindi yun nag kwekwento na may manliligaw na siya! Uhy si Kath dumadalaga na hahaha chos.

Nilapitan ko un. Umupo muna ako sa upuan ko at kinuha ung flower. Malamang bff niya ako eh! Kaya kailangan kong malaman kung sinong manliligaw niya haha.

Binasa ko na ung letter

Dear Soon To Be Padilla,

Una palang na basa ko kinakabahan na ako. Bakit Padilla? Hindi kaya si Daniel? No! hindi pwede. Baka ibang padilla. Duuh ang daming padilla sa mundo

Dahil nga sabi ko sayo kagabi na gusto kita at liligawan kita. Ito na! Haha sana magustuhan mo ung teddy bear na binili ko. Mag sisilbing anak anakan natin ha? Meron rin kasi akong teddy bear na ganyan. Pareho tayo. Tutal bawal pa naman ang totoong baby yan muna Haha

Love,
Daniel Padilla Pogi

Parang nabasag ang puso ko. Sobra sobra. B-bakit kailangan si D-Daniel pa? Bat ung taong gusto ko pa?! At higit sa lahat... Bakit bestfriend ko pa?

Andaming bumabagabag sa utak ko. Ang sakit lang. Ang sakit sakit!

Alam kong hindi alam ni Kath na mahal ko si Daniel. Pero nahahalata niya naman siguro diba?!

Naiyak ako. Sobra kasing sakit eh!!

Mas una kong nakilala si Daniel. Hindi ko pa bestfriend si Kath gusto ko na siya. Pero ngayon, mahal ko na ata siya.

Pero kung papapiliin ako sa kanilang dalawa? Mas na una kong nakilala si Daniel.. kaya...







Si Daniel ang pipiliin ko kahit masira na ang friendship namin ni Kath

*END OF CHAPTER 8*

IT'S DESTINY (KATHNIEL) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon