CHAPTER 13

302 8 0
                                    

CHAPTER 13

Date
[Author: Sana binasa niyo yung Author's Note ko.]

Kathryn's POV

Naka HHWW kami ni Daniel papunta sa kakainan namin. Oo, kilig naman ang lola niyo!

Pumasok kami sa mamahaling restaurant. Akala ko nga sa tindahan ng street foods kami kakain, dito pala sa mamahalin. Siya ang nag pa-upo saakin tsaka kami nag order.

"Oh, ngayon dito naman tayo sa mamahalin. Dati kasi nadala lang kita sa tindahan ng street foods"sabi niya at ngumiti. Ang gwapo niya talaga

"Ha? Gusto ko kaya duon! "Sabi ko at ngumiti. Napangiti naman siya.

Sana di niya ako lolokohin. Kasi masasabi kong mahal na mahal ko siya.

Nang dumating na ang inorder namin, halos hindi kami makakain dahil puro kami kwentuhan. Masaya siyang kasama. Sobra.

"hmmm. Nag ka boyfriend ka na ba dati?" tanong niya.

Bigla akong may naalala. "Wag na nating pag usapan yun haha"pinilit kong tumawa. Mukang di niya naman napansin.

Hay buti nichange topic niya. Ayaw ko ng maalala ang bad memories.

Pagkatapos naming kumain, naisipan naming manuod ng sine. Ako gusto kong manuod ng Crazy Beautiful You! Nakakakilig kaya yung tambalan na yun! Pero mukang itong si Daniel ayaw niya nun. Corny daw.

"anong corny dun!? Pshh"sabi ko at nag cross arms. Oo, alam kong masyado akong mababaw. Pero duuh! Palabas un ng loveteam na pinaka sikat sa Pilipinas!

"hay.. sige na nga"sabi niya at pinisil ang matangos kong ilong. Bumili na kami ng ticket at bumili ng popcorn. Ewan ko sakanya kung bakit iisang popcorn lang ang binili. Pero ayos lang, malaki naman eh. Hehe

Umupo kami sa taas na part at sinimulang manuod.

........

Nakakaiyak tong part na to. Kawawa si Kiko. Nagulat ako nung may nag abot ng panyo saakin. "Iyakin"asar niya. Hinablot ko sakanya ung panyo niya at inirapan siya.

Nang kumuha ako ng popcorn, yun din ang nakuha ni Daniel. Nahawakan niya tuloy kamay ko. Nag katitigan kami. Ito nanamang puso ko, lumalakas.

Pero imbis na tanggalin niya ang kamay niya sa kamay ko, pinagsiklop niya pa ito.

Ngumiti siya saakin. Ngumiti rin ako.

Nang last part na tili ako ng tili! Paano ba naman kasi, naglalapit ang muka ni Jackie at Kiko! OMG! SANA MAG KISS SILA SANA MAG KISS SILA.... NAG KISS SILA SHEEEEET! Kahit alam kong sa gilid lang ng labi pero para kasing nag kiss sila!

"WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"nakisigaw ako sa katulad kong fangirls.

Nang natapos ang movie, pumunta kami ni Daniel sa Park. Mag kahawak parin ng kamay. Umupo kami sa swing.

"Alam mo bang saya ko? Ang saya ko kasi nakuha ko na luob mo" hindi ko narinig ung last na sinabi niya. Pero hinayaan ko nalang un

"ako rin masaya ako"sabi ko at ngumiti ng malawak

May dumaan na nag titinda ng ice cream. Nag paalam siya na bibili lang daw siya para sakanya at para saakin.Sumangayon naman ako.

Hay..... Sana siya na yung para saakin. Sana siya na. Sana di niya ako sasaktan.Kasi ayaw ko na maulit yung dati

"eto na sayo" tumabi si Daniel saakin at inabot ung ice cream. Yuuummmmy! Favorite ko toh eh!

Pagkatapos naming kumain ng ice cream, nag pahinga muna kami.

"kath, I love you" nagulat ako sa biglaan niyang sabi.

Napatingin ako sakanya.

Sinagot ko siya. At ang lumabas ko sa bibig ko ay... "I love you too"

*END OF CHAPTER 13*

IT'S DESTINY (KATHNIEL) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon