C11: Graduating

232 25 0
                                    

-

C11: Graduating

[Keilyn Torres]

"Happy 19th B-day, Keilyn!"

Nagulat ako sa bahay nang pagdating ko ay ito agad ang sumalubong sa akin. Akala ko nakalimutan na nila kahit nga si Daille kasi hindi ako naihatid ngayong araw.

"Surprised?" Tanong ni Daille sa akin na nakapagpangiti sa akin.

"Oo naman. Nakakainis kayo ah! Akala ko nakalimutan niyo na! Thank you." Sabi ko sa kanilang kasabwat ni Daille kasama ang mga kaibigan ko.

Kumain kami ng hinanda nila for me tyaka sila nag siuwian at siDaille lang ang nagpaiwan.

"Wala ka pa bang balak umuwi? Eight na." Puna ko dito.

"Pinagtatabuyan mo na ba ako?" May pagtatampo sa boses nito.

"Baliw! Tinatanong ka lang." Natawa kong sabi.

"May ibibigay ako sa'yo. Pikit ka muna." Nangingiting sabi nito.

"Huh?"

"Pikit na."

Pumikit naman ako hanggang sa naramdaman kong may malamig na dumapi sa balat ng leeg ko.

"Now open your eyes."

Napangiti naman ako nang tingnan ko ito. Isa siyang silver necklace na may pendant na heart shape na may arrow.

"Ang ganda. Thank you."

"Happy birthday ulit." Nakangiting sabi nito saka ako hinalikan sa noo na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

-

[John Daille 'JD' Monreal]

Ang bilis lang pala talaga ng panahon. Fourth year na kami. Marami ng nagbago. Ang hindi lang 'ata nagbabago ang pang iistorbo at pangungulit ni Anika sa buhay ko. Kahit anong pagtataboy ang gawin ko! T*ng*n*! Ayaw akong lubayan!

"Please, JD." 'Ayan nanaman siya nagmamakaawa.

"Anika, ano ba?! Kinakawawa mo lang ang sarili mo. Marami pang ibang lalaking pwedeng suklian 'yang pagmamahal mo."

"Pero hindi ikaw 'yon, JD! Ikaw ang mahal ko."

"Pero hindi na nga kita mahal at hindi kita mahal."

"Kung hindi kita makukuha. Humanda ka sa kaya kong gawin, JD."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya kundi pumasok na lang sa classroom.

-

[Anika Belmonte]

Kung hindi ko makukuha si JD edi si Keilyn ang ilalayo ko sa kanya!

Hindi ako makakapayag na pagkatapos ng lahat ng ginawa ko at pagpapakababa ko para sa kanya eh mauuwi lang sa wala! F*ck! Ayokong grumaduate ng hindi ko siya nakukuha ulit.

Kung ayaw sa santong dasalan, daanin natin sa santong paspasan! Alam kong babae ako pero f*ck that sh*t! I don't care anymore.

Good thing pala na may mga mata ako sa loob ng classroom nila which is Pia.

I'm so smart isn't it? Humanda sila. Hindi ako lumipat ng school para lang masayang.

-

[Keilyn Torres]

Dahil graduating students na kami. Masyado na kaming na pe-pressure sa mga sunod-sunod na mga gagawin sa school. Haggard na nga ako eh! Ni wala na kaming time ng tropa na gumala at mag-bonding. Sabi nga ng iba we're already eating papers! Dahil sa dami ng paper works ang pinapagawa sa amin which is normal naman sa mga graduating.

Alam ko naman na it will be worth it. Kaunting kembot na lang ay makakapagtapos na rin kami.

-

"Ano ba, Daille?! Wala akong panahon makipagkulitan sa'yo!" Iritadong sabi ko habang nag-ta-type ng isa sa mga paper works namin. Nagpapapansin nanaman kasi ang mokong. Ginugulo ang ginagawa ko. Akala niya siguro natutuwa pa ako ngayon.

"S-sorry." Tumayo sya't umalis sa tabi ko.

Ang pagging iritado ko dahil sa ka-busyhan sa school ay naapektuhan ang panliligawan niya sa akin. Napapadalas ang pagiging tahimik niya kasama ako parang naging hangin na lang nga ako sa tabi niya kahit hatid - sundo pa rin niya ako. Kaya naisip ko ng itanong sa tropa at ang sabi nila ay ako lang daw ang nakakaalam ng dapat kong gawin. Pati ba naman 'to kailangan kong problemahin?

Ang dami-dami ko pang dapat problemahin at alalahanin hindi lang siya. Bahala siya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkakabisado ng speech para sa isa naming subject nang mapansin kong may tumatawag at nakita kong unregistered number ito noong una hindi ko pinansin kasi baka wrong number lang pero ng nagpaulit-ulit sinagot ko na.

"Hello? Sino po 'to?" Mahinahong sagot ko sa kabilang linya.

"Hello? Is this Keilyn Torres?"

"Yes. Speaking."

"Well well well. Hi B*tch!"

"A-anika? Ano nanamang problema mo ngayon? Pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo."

"Easy b*tch! I just want you to know something."

"Kung ano man 'yan hindi ako interesado. Pwede ba kung saan mo man nakuha ang number ko paki delete na! Wala akong panahon sa'yo!" Dapat ay tatapusin ko na ang tawag nang marinig ko ang sinabi niya.

"It's about your sweet, caring and loving suitor."

"Anong meron kay JD?" Kunot noong tanong ko.

"Sabi mo hindi ka interesado?"

"Sabihin mo na para matapos na, 'yon naman talaga ang dahilan kaya ka tumawag 'diba?"

Bigla akong kinabahan.

Parang natatakot akong malaman kung ano man 'yon. Iba kasi kapag nanggagaling kay Anika ang balita. Hindi kapani-paniwala.

"I'll send you the pictures para mas maniwala ka. Alam ko naman kapag sinabi ko lang ay hindi ka maniniwala." Nakakaasar itong tumawa saka ako pinatayan.

Maya-maya ay dumating na ang pictures at nabitawan ko ang phone ko nang makita ko 'yon buti nasa kama ako kaya ang kama ang nakasalo sa phone ko. Bigla ko na lang naramdaman ang pag init ng magkabilang mata ko dahil sa namumuong mga luha dito. Akala ko seryoso siya sa akin. Nagkamali ako. Ngayon pa na nahuhulog na ako sa kanya.

Nakikipaghalikan siya sa isang picture at sa iba't-iba pang mga babae. Hindi naman sa nagseselos ako kundi naiinis ako dahil pinaniwala niya ako sa mahabang panahon. The pictures says it all.

Nang mahimasmahan ako ay naisipan ko ng bukas na bukas din ay kukumprontahin ko siya. Sa tingin ko nakakapagod akong hintayin dahil naakit siya sa ibang babae. Kaya ayoko sa mga relasyong 'yan eh!

Kaya pala para siyang laging walang ganang kasama ako at laging nagmamadaling umuwi. Masakit pala kahit 'di pa kami lalo pa kaya kapag kami na! Buti hindi ko pa naisip na sagutin siya dahil hindi naman niya 'yon deserve, sadyang naloko lang 'ata niya ako sa mga ipinakita niyang sweet nothings sa akin at sa pamilya ko.

-

[John Daille 'JD' Monreal]

Sa dami ng ginagawa namin this sem hindi ko na napaglalaanan ng pansin ang panliligaw ko kay Keilyn pero 'yung duty kong ihatid-sundo siya hindi ko naman napapabayaan. Kapag nakikita ko siya parang nawawala ang lahat ng pagod ko't pagpupuyat sa mga gawain sa school. Ayoko siyang istorbohin dahil alam kong busy din siya ayoko din na magalit siya kaya pinapabayaan ko muna siyang makapagfocus sa study dahil 'yon na rin ang sabi ng parents niya sa akin dati.

T*ng*n*! Naggiging masunurin na ako simula nang maging parte siya ng buhay ko. Pati nga 'yung offer ng parents ko in-agree-han ko kahit ilang beses ko na 'yon tinanggihan.

I want the best for our future. 'Yan na ang nakatatak sa aking isipan at gagawin ko ang lahat para maging worth it ang pagsagot niya sa akin.

-

You're So Near Yet So Far (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon