C3: Avoiding

447 31 3
                                    

-

C3: Avoiding

[John Daille 'JD' Monreal]

Nasa canteen kami nina Markee, Keith at Ethan nang makita ko si Anika at makita niya din naman ako.

Sh*t! Nag transfer din pala siya dito?!

"Hi, JD! Nagkita din tayo dito." Nakangiting bati nito na nginitian ko lang din ng pilit at pinakilala siya sa mga kasama ko na natulala naman dito.

Inalam pa niya ang room namin at section bago umalis. Sh*t naman ooh! Isa siya sa iniiwasan ko sa dati kong school. Isa din siya sa mga gustong makipagbalikan sa akin. Hindi ko akalain na susundan niya ako ditong mag-transfer. Hindi ko naman sinasabing gwapo ako kaya nila ako gustong balikan, ang sinasabi ko ay hindi pa rin sila makamove-on sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang pero ganoon yata ako kalakas ang dating sa mga babae maliban kay Keilyn.

"Ang ganda niya tol!" Biglang sabi ni Markee sabay tapik ng braso ko.

"Oo nga." Sagot naman ni Keith na para bang manghang-mangha ang reaksyon.

Tanong ng tanong sila ng tungkol kay Anika. Nalaman tuloy nila na nakikipagbalikan 'yon sa akin.

Ilang linggo din ang nakalipas nang maayos na kaming nakakpag-usap ni Keilyn wala ng awkward atmosphere.

Katulad ngayon nakikipagkopyahan ako sa assignment na sinadya kong hindi gawin para makapagkopya ako sa kanya. Paraparaan lang 'yan! Nagpapakopya naman kasi ito.

"Ba't 'di ka gumawa?!" Biglang tanong nito habang nangongopya na ako.

"Nakalimutan ko eh." Pagdadahilan ko.

"Lagi mo na lang nakakalimutan! Buti na lang lagi akong handa." Pagrereklamo nito.

Pagdating lang sa akin hindi ka handa.

"Alam ko naman 'yon eh. Focus ka kasi sa pag-aaral." Sinadya kong iparinig sa kanya ang huling mga salitang sinabi ko dahil double meaning 'yon.

Pagkatapos kong kumopya tumayo na ako agad.

"Dahil pinakopya mo ako ililibre kita ng pagkain mamaya sa breaktime." Sabi ko dito.

"Ayoko. 'Wag na." Pagtanggi nito.

"Lagi mo na lang tinatanggihan ang offer ko. Tinanggihan mo na nga ang puso ko pati ba naman ang pagkaing ino-offer ko?" Malungkot na sabi ko.

"Ayieeeeee!" Pang-aasar ng mga nakarinig sa akin na ngayon ko na lamang narinig dahil matagal na rin noong huli nila kaming inasar sa isa't-isa dahil sa pag-iiwasan namin noong binasted nanaman niya ako sa pang ilang beses na hindi ko na magawang bilangin.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga!" Inis na sabi nito.

"JD!" Napalingon ako kay Markee na tumawag sa akin.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"Si Anika hinahanap ka!" Nakangiting sagot nito.

"Huh?"

"Labasin mo na. Nasa labas." Sabi pa ni Markee.

Lumabas naman ako kaagad. Dito nanaman 'to mangungulit T*ng*n*! Nakakainis!

"JD, amo? Napag-isipan mo na ba?" Nakangiting bungad ni Anika sa akin nang makalabas ako ng classroom.

"Ang alin?" Kunot noong tanong ko.

" 'Yung tayo." Mahinang sagot nito na nagingiti pa.

Ang kapal nanaman ng make up nito. Tsktsk.

"Walang tayo Anika. Wala ng tayo." Madidiin na sabi ko pero mahina dahil ayokong mapahiya siya sa mga ibang estudyanteng dumadaan.

You're So Near Yet So Far (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon