-
C13: Rain
[Keilyn Torres]
Nagulat nanaman ako sa kulog. Lagi naman ako nagugulat diyan eh pero nakakagulat kasi talaga ang thunder.
"Keilyn!"
Napabalikwas ako nang tawagin ako ni Tita Lora at kinatok ang pinto ko na agad ko naman siyang pinagbukasan.
"Hinahanap ka ng manliligaw mo."
"Huh? Ano pong sabi niyo?"
"Nandito ka. Bakit? May problema ba kayo?"
"A-eh w-wala po."
"Talaga? Halatang meron pero hindi ko na aalamin kung ano dahil problema niyo 'yan kung kailangan mo ng tulong saka mo lang sabihin sa akin. Puntahan mo na siya." Mahinahong sabi nito.
"Pwede po bang sabihin niyong natutulog na po ako at hindi niyo po ako magising?"
"Ang aga mo naman matulog? Alas singko? Kausapin mo na." Natatawang sabi nito.
"Sige na po please? Ayoko po kasing makausap siya at makita ngayon tyaka malakas ang ulan pauwiin niyo na lang po. Sige na, Tita." Pamimilit ko pa.
"Hay naku! Ikaw bahala." Saka siya umalis.
Nasa loob lang ako ng kwarto nang maisipan kong silipin ang labas titingnan ko lang naman kung malakas pa ba ang ulan pero iba nakita ko.
Si Daille yata. Medyo malabo pero dahil nakasandal siya sa kotse niya malamang siya talaga 'yonn. Nagpapaulan? Ano namang trip nito?
Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa mag nine na at 'di pa rin humihinto ang malakas na ulan na hihina at maya-maya ay lalakas nanaman nang sumilip ako sa labas nakita kong nandoon pa rin siya at pagtingin ko sa phone ko na kkakacharge ko pa lang ang dami niyang text.
***
From: Daille
Please. Kausapin mo ako.
***
From: Daille
Alam kong hindi ka pa tulog.
***
From: Daille
Keilyn naman. Wag mong gawin sa akin ito.
***
From: Daille
Mag usap tayo please? Keilyn.
***
From: Daille
Hindi ko matanggap ang lahat ng sinabi mo. Masakit kasi di mo man lang sinabi ang rason kung bakit.
***
From: Daille
Dito lang ako sa harap ng bahay niyo hangga't hindi tayo nakakapag usap.
***
From: Daille
Hindi talaga ako dito aalis.
***
From: Daille
Let's talk Keilyn.
***
From: Daille
You know what? You're so near yet so far. Ok naman tayo eh nang bigla mo na lang ako sasabihin na tumigil na. Lahat naman ginagawa ko para maniwala kang seryoso ako pero hindi pa pala sapat 'yon para sa'yo.
BINABASA MO ANG
You're So Near Yet So Far (COMPLETED)
Novela JuvenilYou're So Near Yet So Far Written By: invisiblegirlinpink - A love worth the wait. Keilyn is a simple girl who is really focus on her dreams for her family. She doesn't want to be distracted by anyone or anything, but what will happen if she meet t...