C9: Issues

271 27 0
                                    

-

C9: Issues

[John Daille 'JD' Monreal]

Sunday ngayon kaya yinaya ko si Keilyn na mag simba na kasama ako sakto naman dahil mag-isa daw siyang mag sisimba ngayon. Sa church na malapit sa kanila kami nagsimba pinagpaalam ko naman siya sa Tita Lora niya dahil nakauwi na ng kanilang probinsya ang kanyang ina at kapatid.

Dumiretso naman ako sa restaurant ng kanyang amang pumayag naman na tawagin kong Tito Cris pagkatapos namin magsimba.

"Good afternoon po." Bati ko dito.

"Maupo ka. Kumain ka na ba?" Tanong nito.

Naupo muna ako saka sumagot.

"Kumain na po. Kasama ko po si Keilyn kanina. Nagsimba po kasi kami."

"Mabuti naman. So, anong sadya mo sa akin?"

"Gusto ko lang pong ipaalam na alam na po ng parents ko ang tungkol sa amin ng anak niyo and they already met her." Kinakabahan kong sabi.

"That's good to hear. Anong plano mo?"

"P-pumapayag na po ba kayong ligawan ko si Keilyn?" Kinakabahang tanong ko.

"Sa tingin ko nanliligaw ka na din naman na. Ano pa bang magagawa ko?" Natatawang komento nito. "..Siguraduhin mo lang na hindi ka magiging dahilan para hindi niya maabot ang mga pangarap niya at pangarap namin para sa kanya." Biglang seryosong sabi nito saka tinapik-tapik ang balikat ko.

"O-opo!"

-

[Keilyn Torres]

Lumipas ang mga araw na komportableng-komportable na ako kay Daille. 'Yung pakiramdam na sanay na sanay ka ng nandiyan siya para mang-asar, mangulit at magpapansin kapag busy o may ginagawa ako sa school man o sa bahay.

"JD!" Napalingon kami kayla Ethan na tumawag sa kanya. Tumabi nanaman kasi siya sa akin. Nakipagpalit kay Grace na every semester naman katabi ko.

"Bakit?" Tanong ni Daille.

Nakita kong nagturo palabas si Keith kaya napakunot noo ako. Ganoon din naman si Daille. Nagkatinginan pa kami bago ito tumayo.

"Wait lang ah. Labas lang ako." Sabi nito sa akin.

Tumango lang ako.

-

[John Daille 'JD' Monreal]

"I miss you, baby." Salubong sa akin ni Anika sa labas ng classroom.

Nagulat ako nang yakapin niya nanaman ako at akmang hahalikan nang itinulak ko siya agad. F*ck!

"Ano nanaman bang kailangan mo?!" Kunot noong tanong ko.

"Ikaw! Ikaw lang naman kailangan ko!" Inis na sabi nito.

"Matagal na tayong tapos, Anika!"

"No! dahil ba may iba ka ng pinagtutuunan ng pansin?!"

"T*ng*n* Anika! Tigilan mo na ako!" Sabi ko saka ito tinalikuran.

Ayoko siyang mapahiya hangga't maari dahil ginagalang ko pa rin naman siya kaya ganyan siya pero siya itong gumagawa ng paraan para mapahiya.

-

[Keilyn Torres]

Napatingin ako kay Daille na nakaupo na ngayon sa tabi ko at hinihilot ang ulo niya.

Ao kayang nangyari? Ayoko naman magtanong mamaya mabadtrip pa siya lalo kaya imbis na tanungin siya minabuti kong tumahimik.

Hanggang matapos ang klase tahimik pa rin kami. Nakakatakot magtanong lalo na kung ayaw mo ng pusibleng sagot nito.

You're So Near Yet So Far (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon