-
C4: Enjoy The Ride
[Keilyn Torres]
Ba't ba ako kinabahan anng itabi si Daille sa akin ni Grace? Nakakainis!
"A-anong sabi ni Ma'am Anne?" Panimula nito.
"Wala ka bang number sa kanya?"
"Meron."
"Oh! Ba't ako ang tinetext?" Kunot noong tanong ko.
"Ewan ko."
"Baka akala niya close tayo. Sige. I-text ko na i-text ka para hindi ako naiistorbo."
"Bakit hindi ba?"
"Anong hindi ba?"
"Hindi ba tayo close?"
"Sa tingin mo?"
"Oo."
Napatingin na lang ako sa phone ko at tinext si Ma'am Anne at nagreply naman ito kaagad inakala kong hindi na ako maabala. Ako pa ang inutusan ni Ma'am na magdala ng pinapapasa niya kay Daille.
"Ano? Anong sabi?" Tanong ni Daille.
Nananandya ba 'to? Ipinabasa ko sa kanya ang text ni Ma'am.
"Ok. Kailangan mo pala akong hintayin." Tatawa-tawang sabi nito.
"Nakakatawa ba 'yon?" Pagtataray ko.
"Hindi naman. Nakakatuwa lang na kasama kita ngayon. Sige. Tatapusin ko na."
Natahimik tuloy ako sa sinabi nito.
Napilitan tuloy akong hintayin siya hanggang mag-uwian na.
"Ayieeeee! Mag kasama sila." Pang-aasar ni Jane sa amin.
"Lagot ka ni Anika!" Pang-aasar naman nila Markee kay Daille tapos tinawanan lang niya ang mga ito.
"Buti naman at nag-usap na kayo. Ang galing ko talaga." Sabi naman ni Grace.
Seryoso lang ang mukha ko. Pikon talaga ako eh!
Nang mag siuwian na sila, kami na lang ang natira. Malamang!
"S-sino si Anika?" Tanong ko na normal lang. 'Di ako nakapagpigil eh! Nakakainis napatanong tuloy ako bigla. "..Na-curious lang ako. Bago mong nililigawan?" Napatingin siya sa akin na para bang may gustong makita sa mga mata ko. Ano muta? "...Hoy! 'Wag ka ngang ganyan! Wala naman akong muta ah!" Pananaway ko sa kanya saka natawa.
"Si Anika? Ex ko." Walang pag-aalinlangang sagot nito.
"Tapos kayo na ulit?" Nakakainis naman bibig ko 'di makapagpigil. "...Ay. Sorry. 'Wag mo na ngang sagutin. Nakakahiya na ang mga pinagtatanong ko." Natatawang sabi ko.
"Hindi. Ok lang. Nakikipagbalikan siya pero ayoko na..." Nagpause siya yumuko saka tumingin sa akin. "...May iba na kasi akong gusto kaso ayaw naman sa akin nakakahiya nga eh. Gusto ko pa sanang ipilit ang sarili ko sa taong 'yon kaso hindi pwede. Masyado siyang tutok sa pag-aaral na hindi ko magawang sumingit." Seryosong dugton pa nito.
Minabuti kong umiwas ng tingin at hindi na magsalita. "Di ka pa ba tapos? Mag si 6 na. Mahirap kasi mag commute pauwi kapag gabi na." Biglang sabi ko.
"Aah. Sige. Bibilisan ko na. Hindi ka kasi pwedeng ihatid eh." Dahilan nito.
"Ganoon talaga. Rules are rules." Sabi ko na lamang.
Nang matapos na, hinatid ko na sa faculty ang pinahahatid ni Ma'am. Pagbalik ko akala ko umuwi na siya hindi pa pala kasi hinintay pala niya ako sa labas ng school kahit daw ihatid niya ako sa sakayan para matahimik siya.
BINABASA MO ANG
You're So Near Yet So Far (COMPLETED)
Teen FictionYou're So Near Yet So Far Written By: invisiblegirlinpink - A love worth the wait. Keilyn is a simple girl who is really focus on her dreams for her family. She doesn't want to be distracted by anyone or anything, but what will happen if she meet t...