Chapter 5

1 0 0
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nang umalis si Piolo. Bumalik ulit ang lungkot at katahimikan na nakakasulasok sa bahay na ito. Tanging sigaw at mga mura lamang ni Ethan ang nagsisilbing ingay rito.

Isang araw na ang lumipas matapos akong bugbugin ni Ethan. Maga at masakit parin ang katawan ko dalhin sa mga sampal at pananakit niya sa akin.

Mabuti nalang din ay tapos na akong maglinis ng bahay kaya naman umakyat na ako ng kwarto upsng matulog. Tulog na rin si Ethan dahil kakagaling lang niya mula sa gala nilang magkakaibigan.

NAGISING ako dahil sa vibration ng aking alarm. Agad na akong tumayo at nag-shower upang makapaghanda na ng umagahan.

Natapos na akong maligo at mahigit isang oras din ang tinagal konsa pagluluto.

Magtatanghali na nang magising si Ethan. Hindi na siya nagtanong pa at agad na dumiretso sa refrigerator at kumuha ng ilang can ng beer. Nakaramdam agad ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Kara! Bigyan mo'ko ng pulutan!" Malakas na sigaw niya kaya naman agad kong inihanda at inihapag sa kanya ang mga pulutan. Sa living room siya umiinom habang nanonood ng TV na napakalakas ng volume.

Nang masigurado kong naroon nandoon na lahat ng kailangan niya ay nagpaalam ako.

"I'll just water the plants." Alam kong narinig niya ito at tanging tango lamang ang sagot niya.

Mabuti na lamang ay nasa likod ng living room ang back door at katabi lamang nito ang hagdan. Mabilis ngunit tahimik akong umakyat papunta sa kwarto ni Piolo. Mabuti na lamang at malakas ang tugtog ng TV kaya hindi niya ako napansin.

Nanginginig na kinuha ako ang susi na palaging nakaipit sa aking bulsa. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sinira at nilock ko rin ito kaagad ng dahan-dahan. Sinigurado kong hindi niya ito mabubuksan at agad na akong nagtungo sa bed side table kung nasaan ang phone na iniwan ni Piolo.

Kinakabahan na binuksan ko ito. Mabuti na lamang at full charge ito. Nag-mute ako upang hindi ito lumilha ng anumang tunog. The fear that I'm feeling right now is making my body shiver. I saw the anger in Ethan's eyes earlier and I'm really scared that he gonna exert his anger on my weak body again. I haven't recovered from the last time yet.

I quickly click Piolo's number on the speed dial. It took a few seconds before he answered the phone.

"Kiara?" You can hear the worry in his voice. "Are you okay?" He asked.

"Help me, Piolo. I think he's gonna hurt me again." Hindi ko na napigilan pang umiyak. Mahirap man ngunit pinilit kong umiyak ng walang tunog. "He drinking and he's really mad, natatakot ako." Maging ang aking paghinga ay halos pigilan ko na rin.

"Stay where you are. I'm on my way, Kiara." Nagmamadaling sabi ni Piolo bago pinatay ang tawag.

Halos isang oras na din akong nakatago sa kwarto ni Piolo. Nanginginig pa rin ang aking katawan dahil sa takot. Narinig ko ang mabibigat na yapak mula sa hagdan, nasisiguro kong si Ethan 'yon.

"Kara?!" Galit na galit na sigaw niya sa pangalan ko. Mas lalong tumindi ang aking panginginig. Ang tanging hiling ko ay agad na makarating si Piolo.

"Kara, you b^tch!" Sigaw niyang muli. "How dare you leave me!" Ramdam ko sa kanyang boses ang galit. Hindi na ako makapaghintay pa na dumating si Piolo.

Narinig ko ang lagabag ng gate pagkatapos ay ang tunog ng kanyang sasakyan na mabilis na umalis.

Ilang minuto ay narinig kong muli ang sasakyan niya. Ang lagabag ng gate at mga pinto. Narinig ko rin ang yabag ng kanyang mga paa sa hagdan.

"You're fucked now, Kara! You're fucked!" Sigaw niya. "You think I don't know where you are?" Aniya kaya naman mas lalo akong natakot. "That bitch, akala mo hindi ko alam na kay Emily ka lang pupunta." Galit na sabi niya kaya naman medyo nawala ang kaba sa aking dibdib.

"Pi? You're here." Tila nag-iba ang ihip ng hangin at biglang bumait si Ethan.

"I wanted to visit. Aalis din ako mamaya." Sagot ni Piolo. "Why's the gate opened?" Tanong niya rito.

"Oh, I sent Kara to her friend. They're gonna hang out." Sagot naman ni Ethan dito. "Anyway, I need to go somewhere, Pi. I'll leave you here for a bit." Nagmamadali ang boses ni Ethan. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng sasakyan niya.

Tila napakatagak ng ilang minuto bago binuksan ni Piolo ang pintuan ng kwarto. Agad siyang lumapit sa'kin at yumakap.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya habang alalang chinecheck ang katawan ko. Tumango lamang ako habang umiiyak. "We need to hurry."

Hindi na kami nagpalipas pa ng oras at agad na kaming lumabas. Nilock niyang muli ang pinto ng kanyang kearto at agad niya akong isinakay sa kotse. Isinara niya rin nang maayos ang gate at pinto ng bahay upang hindi mag-isip si Ethan.

Nang nasiguro ni Piolo na nakalayo na kami mula sa bahay ay nagtext siya kay Ethan at sinabing kinailangan siya sa kanyang trabaho kaya umalis na siya agad.

"You're safe now, Kiara." Aniya. Umiiyak pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na matapos ang halos limang taon ay nakawala din ako mula sa impyernong 'yon.

Hindi matigil ang iyak ko dahil sa magkahalong sakit at sayang nararamdaman ko. Ngayon ay magiging payapa na ako. Malayo sa malungkot at masakit na karanasan ko sa bahay at lalaking 'yon.

"Thank you, Piolo. Sobrang thank you." Aniko at hinawakan ang kanyang braso habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Shh... You don't have to. You're saved now, Kiara." Sagot niya.

HINDI ko alam na nakatulog na pala ako sa byahe. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Piolo sa aking braso.

"We're here, Kiara." Aniya. Nagmulat ako ng aking mga mata. Tatayo na sana ako pababa ng sasakyan nang mabilis ngunit maingat niya akong binuhat.

"K-Kaya ko namang m-maglakad." Nahihiyang sabi ko.

"I know but I know you're tired and your body hurts."

Scorching Waves Where stories live. Discover now