Chapter 6: New Beginning

1 0 0
                                    

"Nasan tayo?" Tanong ko kay Piolo. Gabi na kasi nang makarating kami kaya naman hindi ko masyadong naaninag ang kapaligiran.

"We're at my island—Eos." Sagot niya kaya naman agad akong napalingon sa balcony at tanaw dito ang karagatan.

"You'll be staying here for now. Don't worry 'cause nobody knows I live here." He added. I'm so amazed on how beautiful the house is. It's peaceful and calm. The waves and birds are the one that makes noise in this island.

"Thank you, Piolo." I said with full of sincerity.

"You don't have to." Ngumiti siya at pumunta sa kung saang bahagi ng kabahayan. Pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain.

"I know that you haven't eaten yet. Here's some bread. I haven't been here for days kaya walang nakaready na food." Paliwanag niya. Ngumiti ako at nagpasalamat. "Hindi ka ba naiinitan? Sira kasi ang aircon ng living room. I haven't got time to fix it."

Umiling lang ako at ngumiti.

"There's only two rooms in this house. The guest room is messy right now. I made it a storage room since wala namang nagv-visit here. You can sleep in my room for now habang hindi pa nalilinisan 'yung kabila." Aniya at agad naman akong umiling.

"I can sleep here." Nakangiting sabi ko habang nakaturo sa pabilog at malaking couch na kinauupuan ko.

"No, Kiara. You need enough rest. Kailangan mong makatulog ng matiwasay." Pagpupumilit niya. Nakakahiya naman kung doon pa'ko matutulog dahil sigurado akong hindi din siya sanay na matulog sa couch. "I'll sleep in the couch for now."

"I'm sorry, naka-abala pa'ko sa'yo." Puni ng sinseridad na sabi ko.

"Don't be." Tanging sagot lamang niya.

Umalis muli siya at ilang minuto din ang tinagal niya bago bumalik.

"I checked all my clothes. Eto lang 'yung meron ako na pwede mong suotin." Inabot niya sa akin ang isang mahabang white t-shirt at isang short or boxer na may tag pa. "Good thing I had boxers na super maliit ang size."

"Salamat, Piolo." Sagot ko.

Nagluto lamang si Piolo ng itlog dalhin wala na rin masyadong stocks sa bahay niya. Pagkatapos no'n ay naligo muna ako. Nilabhan ko rin ang damit na suot ko para may masuot ako kinabukasan. Mabuti nalang tuyo na agad ang mga damit.

"How dare you leave me, b^tch?" Galit na sigaw ni Ethan habang nakasabunlt sa aking buhok. "You think I can't find you?"

"Josh, please..." Pagmamakaawa ko.

"You're gonna be punished!" Sigaw niya at akmang sasampalin ako nang malakas.

"Stop!" Napagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Takot akong tumingin sa aking paligid upang masiguradong wala doon si Ethan.

Tumayo ako upang kumuha ng tubig sa labas.

Nakakatakot na panaginip.

Naglalakad ako papuntang kusina nang mapansin ko si Piolo. Pawis na pawis siya at walang damit. Nakahiga siya sa pouch at lumalampas ang mga paa rito.

Bahagya akong lumapit sa kanya at saka siya pinagmasdan.

Ang lalaking ito ang siyang dahilan kung bakit malaya na'ko. Siya ang dahilan kung bakit nakaalis ako sa pananakit. Siya ang nagligtas sa akin.

Kinuha ko ang damit na hinubad niya at marahan kong pinupunasan ang pawis niya. Dahil sila ang aircon niya sa living room at ang electric fan niya hindi sapat para sa kanya.

"Hmm..." Daing niya habang tulog.

Marahan kong tinapik ang braso niya. "P-Piolo..." Mahinang tawag ko sa kanya habang tinatapik siya.

Bahagya siyang nagmulat ng mata.

"Y-Yes?" Inaantok na sabi niya.

"You're so pawis." Sagot ko. Umupo naman siya at napatingin sa kamay kong hawak ang damit niya. Pinunasan ko ang mga natitirang pawis niya.

"Thank you." Nakangiting sabi niya habang nangungusot pa ng mata. "Why are you still awake?" Tanong niya.

"Wala naman. I just had a dream. I went outside to get some water." Aniko. Kumuha ako ng tubig para sa aming dalawa. "We can share the bed in your room." Wala sa sariling sabi ko.

"Huh? I'm okay here, Kiara." Aniya ngunit halatang hindi siya komportable dito. Namumula pa ang kanyang pisngi at patuloy parin ang pawis niya.

"Hindi kaya ng konsensya ko na hayaan ka lang mapawis dyan, habang ako nag-eenjoy sa aircon mo. Bahay mo 'to e." Paliwanag ko sa kanya ngunit pailing-iling lamang siya.

"It's fine—"

"Matutulog ako dito sa floor if ayaw mo." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil sa sinabi ko.

Tumayo agad siya at nagtungo sa kwarto kaya naman sumunod na ako. Nilagyan niya pa ng unan sa pagitan namin bago siya humiga.

"I'll sleep now, Kiara. Good night." Aniya at ipinikit niya ang kanyang mata.

Wala parin siyang suot na damit kaya naman nad-distract ako sa katawan niya. Siguro ay dahil naiinitan siya kaya tinanggal niya ang damit niya.

Humiga na rin ako at nagkumot. Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi pa ako makatulog. Si Piolo naman ay mukhang tulog na tulog na. Humarap pa ito sa gawi ko habang yakap yakap ang unan.

Malamig sa kwarto kaya naman kinumutan ko narin siya lalo na't wala siyang suot na pang-itaas. Malikot-likot pala siyang matulog at hilig yumakap ng unan. Mabuti nalang at hindi naaalis ang kumot mula sa kanya.

Humarap na naman siya sa kabilang side ng kama yakap-yakap ang unan sa pagitan namin na rin ang naglagay. Nakatingin lamang ako sa kanya habang patuloy siya sa paglilikot.

Ipinikit ko narin ang aking mga mata upang makatulog. Ilang mainuto ang nakakalipas ay bagsak niyang iniyakap ang kanyang braso at binti sa akin kaya naman halos hindi ako makahinga.

Dahan-dahan kong inalis ako kanyang binti upang makahinga ako ng maayos. Inalis ko rin ang kamay niyang nakayakap sa'kin ngunit binalik niya itong muli.

Inalis ko ito ulit at mabuti nalang ay hindi na niya ito ibinalik. Pumikit na ulit ako at humarap sa kabilang bahagi ng kama.

Eto na yata ang pinaka-payapang tulog ko. Wala akong iniisip na biglang mananakit na lang sa'kin. Wala akong katabi na maaaring saktan ako. Walang takot na mararamdaman sa posibleng mangyari habang tulog ako.

Scorching Waves Where stories live. Discover now